Courage Out of Fear
For them, it was too fast to embrace the next morning. Kailangan na nilang masanay sa bagong sistema ng mundo. From now on, they have to sleep with their one eye open.
Kahit na inaantok at ramdam pa rin ang pagod sa mga nangyari kahapon ay gumising na si Chandler. Sa bagay, hindi na rin naman ganoon kadali ang matulog nang malalim sa ganitong kondisyon ng kapaligiran. Any minute, they could die.
Lumabas siya ng tent nang mahimbing pang natutulog si Chloe. Alasingko pa lang ng umaga. Since they're on top of the hill, it's cold. Mabuti ay mga Jacket silang suot. Daniel is in one side, cleaning his small knife with a handkerchief.
"Morning."
"Morning." He greeted back. Una niyang pinuntahan ang ibang tent kung saan namamahinga si Jerome at Anthony. Kagigising lang ni Jerome. Si Anthony ay mahimbing pa rin na natutulog. Mukhang mas okay na ang leeg nito kaysa kahapon.
Lumabas si Jerome ng tent at tinanaw ang pagsulpot ng araw. Ramdam nila ang lamig pero hindi na 'yon mahalaga. The janitress, Lorna called everyone to have some coffee. Siya ang nagtimpla ng mga kape at sobrang sarap nito.
Huling nagising ang mga babae. Si Chandler ang nagtimpla ng kape para sa kapatid. Humihika pa ito na lumabas ng tent.
"Paubos na ang mga pagkain na dinala niyo dito. Dalawang kainan na lang ang itatagal non." Anunsyo ni Christian. "We have to find more."
Tumingin silang lahat kay Christian. Nasa mukha nila ang pag-aalala dahil sa nalaman. In order to survive, they need to eat. Killing zombies requires strength.
"Pero, 'di ba aalis na tayo?" Pagpapa-alala ni Jennifer.
Oo, 'yon ang plano kagabi ngunit hindi nila naisip na kailangan nga din nila ng pagkain sa byahe at kailangan ay full pack sila bago umalis.
"Kung balak niyong umalis, mas mainam nang may mga dala muna kayo." Suhestyon ni Robert. "We'll come with you."
Nabuhayan ng loob si Chandler. Hindi niya pa 'to naoopen sa kanila ngunit sila na mismo ang nagsabi na sasama sila sa pag-alis nila Chandler. Mas malakas ang man power kapag marami.
"Then, we'll stay here for another day. Maghahanap kami ng pagkain bago maka-alis." Ani Chandler na ikinalingon ng kapatid sa kanya. "Hindi natin alam kung gaano pa kalayo ang byahe. Kailangan natin ng makakain."
"I'll go with him." Lumapit si Daniel kay Chanlder.
"No. Chandler will stay here with the others." Kontra ni Robert. "Christian, Darren, and..." itinuro ni Robert si Jennifer. "You will go with us."
"Bakit kailangan pa siyang isama?" Tanong ni Zoey. Mukhang hindi ito pabor dito.
"Okay lang naman."
YOU ARE READING
Rise Of The Living Dead
HorrorChandler Aeros thought his camping trip would be a peaceful escape, but when a sudden zombie outbreak turns his world upside down, survival becomes his only mission. Forced to rescue his younger sister, Chandler embarks on a dangerous journey to fin...