Chapter 7

51 12 1
                                    

To Accept


Chandler and the group were confused when two cars came back, iyon ay ang dating sasakyan na gamit at bagong pickup. Naunang bumaba sila Robert at Daniel dala ang mga nakuha nilang pagkain at supplies. Zoey and Darren follow with a smiles on their face. Huling bumaba ang matandang lalaki at babae sa pickup. They're armed.


"I'm glad you're back." Anila Jennifer at Alexandra. "But who are they?"


"Sila ang may ari ng bahay na pinagkuhanan namin ng mga supplies." Sagot ni Darren at nilingon ang mag-asawang matanda. "We... had a problem talking to them at first but it's all right now.


Nilingon ni Chandler si Robert, he's waiting for more information about these new people. Nang lapitan siya ng lalaki ay ipinatong lamang nito ang palad sa balikat ng binata tila sinasabing h'wag itong masyadong mag-alala.


"They're fine. Tinulungan nila kami. Lahat ng 'to galing sa kanila."


Chandler nods. Ang dalawang mag-asawang matanda ay iginala ang paningin sa kabuuan ng pinags-stayan nila ngayon. An open area, madaling mapuntahan ng mga zombies. Kung hindi pa siguro nanghimasok ang mga grupo nila Zoey sa bahay ng dalawang matanda, hindi nila malalaman ang totoong nangyari. Para bang bangungot ang lahat ng ito.


"Naniniwala na po ba kayo?" Tanong ni Darren sa mag-asawa. "Lahat kami dito, sinusubukan lang na mabuhay."


"Is this where you live?" Tanong ng matanda, parang ayaw pang tanggapin. After what they've faced and killed earlier, they're here as if nothing bad will happen.


"Hindi po. Sumaglit lang kami dito panandalian at aalis din agad pero wala po kaming supplies kaya nagbahay-bahay kami. Unfortunately, ang bahay niyo ang napasok namin." Pagpapaliwanag ni Zoey. "May I know your names?"


"Albert. This is my wife, Maya."


"Welcome to the group of survivors," Christian said smiling.


"I can't believe this! Talaga bang wala nang tutulong sa atin?"


"We live in a small city, Albert. Bilang lang ang mga police stations dito. Malayo ang mga navy base. Kung may darating man na tulong, it will take a while lalo pa, dalawang gabi pa lang ang lumilipas, ganito na agad ang naging epekto." Pagpapaliwanag ni Robert na umupo sa batuhan para linisin ang kanyang baril. A branch of leaf is inside his mouth, ginagawa itong toothpick. "Fire stations' the same. Noong nakaligtas kami sa unang gabi, marami nang naitalang sunog at pagsabog dahil sa mga car accidents, siguro'y dahil sa mga apektado ng virus na mga drivers. Everything's messed up. Internet is down too. Wala na tayong ibang magagawa kundi ang magtulungan at tayo na rin mismo ang gumawa ng paraan."


Albert heaved a sigh. Niyakap niya ang asawa. Lorna, the Janitress gave them some water to quench their thirst.


"For now, the thing we can do is to protect these children. Mga matatanda na tayo. These children lost their family and friends. Mga takot sila. They need us."

Rise Of The Living DeadWhere stories live. Discover now