PROLOGO

74 9 26
                                    

Kasabay ng paghampas ng malakas hangin sa mga tubo ang pagsabog ng buhok ko nandito ako ngayon sa bukid ng mga Garcia, kasalukuyang nag-aani sila papa ng mga tubo. Inutusan ako ni mama na maghatid ng pagkain sa trabahador ng mga Garcia dahil may mga panauhin sila at hindi maharap ni mama na maghatid, wala naman masyadong pinapagawa ang guro namin kaya pumayag na ako, pang extra baon ko nalang din sa school ang masusweldo ko dito, ayaw pa nga nila mama nung una dahil dapat magfocus lang ako sa pag-aaral lalo na at gagraduate na ako ng Grade 10.

Syempre dahil nais kong mapabilang sa kandidato bilang isang valedictorian kailangan kong mag-sipag sa pag-aaral na ginagawa ko naman, pero kasi syempre may kapatid pa akong nag-aaral din hindi pwedeng hindi ako mag trabaho para sa pang matrikula ko, kung kaya ko naman magtrabaho habang nag-aaral I would do it. Buti nga at okay lang sa mga Garcia kahit menor de edad pa ako.

Nang makita ako ni papa na palapit sa pwesto nila ay kinawayan niya ako, ngumiti naman ako sa kanya bilang tugon sabay angat ng basket na dala pahiwatig na dala ko ang kanilang pananghalian.

Tirik na tirik ang araw at masakit sa balat mabuti nalang at malamig ang hanging amihan, ewan ko ba sa bansang ito bakit kung kailan pasummer na ay doon naman lumamig ang ihip ng hangin.

"Khyl buti ikaw ang naghatid ng pagkain namin, abala ba ang mama mo sa Mansion de Garcia at ikaw ang nandito ngayon?" tanong ni papa sa akin habang palapit sa pwesto ko kung saan may silong sa puno ng mangga, inayos ko naman ang dalang pagkain habang palapit ang kasamahan ni papa sa pagharvest ng tubo.

"May bisita sila Don Ronaldo pa kaya ako na muna ang naghatid." Sagot ko.

"Magandang tanghali khyl, ano ang ulam natin?" Tanong ni mang Bert habang tinatanggal ang kanyang salakot.

"Pinakbet at pritong tilapia po Mang Bert." Pagkatapos kong ayusin ang kanilang pagkain ay tumambay muna ako sa duyan na rattan na nakasabit sa puno ng mangga, ang sarap sigurong mag aral sa lugar na ito, tahimik at mahangin tanaw mo rin mula dito ang mga bundok sa silangang bahagi kung saan papalubog ang araw.

Pagkatapos kumain nila papa ay nagpahinga muna sila saglit bago nagpatuloy sa kanilang trabaho ako naman ay inayos ang kanilang pinagkainan pagkatapos ay bumalik na sa mansyon, habang nasa daan patungo sa Mansion de Garcia ay nakasalubong ko sa si Dina ang kaklase ko at kaibigan.

"Uy! khyl, alam mo ba madadagdagan nanaman daw yung sakit ng ulo ni Don Ronaldo." Balita nito sakin sabay hagikhik.

"Bakit naman? sa dami ng apo niyang puro sakit ng ulo kulang pa sila niyan?" Tanong ko habang patuloy sa paglalakad. 

Sumabay siya sa paglalakad sakin na para bang nakalimutan niyang salungat kami ng daan dapat ay tutungo siya kung san ako galing.

"Oo nga eh, balita ko galing daw Japan baka yung apo niya kay sir Ben, di ba nakapangasawa yun ng haponesa? naku! napakapalad naman ng pamilya nila biruin mo iyon, mayayaman, matatalino at higit sa lahat ang gugwapo! ilan nga ba silang lahat?" anito na tumingin pa sa langit na para bang naroon ang sagot sa tanong niya. Bumuntong hininga nalang ako sa mga sinasabi niya at umirap sa hangin.

"Bakit ba baliw na baliw ka sa mga magpipinsan na yun?"

"Aba! Sino bang hindi ija? Kita mo nga ang mga feslak ng mga papi na yun may dugong espanyol na nga Si Don Ronaldo dagdagan pa ng ibang lahi, at ang mga awra ay domineering." Wika ni Dina.

Sang ayon naman ako sa sinabi ni Dina, the Garcia men are domineering, parang kailangan mong lumuhod sa harapan nila kapag sila ang kausap mo, bali-balita ay ayaw ng Don na mamahala ang mga kababaihan sa kanyang ari-arian, hindi siya sang ayon na mamahala ang mga babae sa kompanya niya.

May isang anak na babae ang Don ngunit hindi ito namamahala sa kompanya ng matanda, bagkus ay ang manugang nito ang pinamahala sa dapat ay para sa kanyang anak, palibhasa ay matanda na mukang nasa sinaunang kaugalian pa yata ang isipan.

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon