KABANATA XIII

4 1 0
                                    

"Anong oras daw darating?" I was busy watering the plant here in Mansion De Gracia while ate Weng and Manang Loida talking to each other as they hang the clothes they washed.

"Mamayang hapon daw ata Manang, susunduin yung magkapatid dahil gusto silang makita ng lolo nila sa Japan." I glanced at the two women talking when I heard what are they talking about.

We haven't talk about it yet, hindi ko pa pala nasabi kay Aki na pumunta siya. Nagmessage si Yuri sa akin kagabi na kung pwede daw ay pilitin ko si Aki na sumama sa kanila dahil magagalit ang Ojiisan nila, ayaw ko namang mangyari iyon kaya kakausapin ko siya mamaya kapag nagkita kami.

"Kaya pala nagpapahanda ang Don kanina ng mga putaheng lulutuin ng kanilang chef." Wika ni ate Weng.

Nang matapos silang magsampay ay sinundan ko sila ng tingin habang patuloy akong nagdidilig ng mga halaman. Hindi ko alam kung ano bang dahilan ni Aki kung bakit ayaw niyang umuwi ng Japan, magpapasko lang naman sila doon at uuwi agad, akala mo naman hindi na babalik.

Pagkatapos kong nagdilig ng halaman ay tumungo ako sa kusina upang tignan kung may mga ipapagawa pa ba sila, nakita kong abala sila sa paghahanda ng mga karne at gulay na gagamitin para sa hapunan ng mga bisita kahit tanghali palang.

Sumulyap ako kay ate Joan na may dalang baso ng juice at isang slice ng blueberry cheesecake, palapit siya sa akin.

"Khyl wala ka na bang ginagawa?" Tanong niya ng makalapit.

"Wala na ate tutulong nalang sana dito sa kusina kung may ipapagawa." Sagot ko sa kanya, nakuha ko naman ang gusto niyang ipagawa sa akin, kahit hindi niya ito sabihin, kinuha ko ang hawak niyang tray.

"San 'to ate?"

"Kay Aki, nasa pool siya Khyl, sabi niya ikaw daw ang maghatid." Kakaiba ang tinging pinupukol niya sa akin, iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya at lumakad palabas ng kusina.

Hindi naman bago sa akin ang mga ganong klase ng tingin dahil madalas ko iyon makita sa mga mata ng mga ka school mate, nang makarating ako sa pool area nadatnan ko doon si Aki na naliligo mag-isa, pabalik-balik siyang lumalangoy sa magkabilang dulo ng pool, hindi niya pa ako napapansin dahil hindi pa siya umaahon, pagkalapag ko sa miryenda niya ay hindi muna ako umalis, pinakrus ko ang aking mga braso habang pinapanuod ko siyang lumangoy.

Nang makuntento  ay umahon ito, napaayos ako ng tayo ng makita siyang hubad baro nakasuot lamang siya ng swimming trunks, as he walks towards me, I saw waters dripping down to his chest, he raked his hair using his fingers. I looked away when he glance at me.

Kinuha niya ang kanyang puting roba na nakapatong sa kanilang sun lounger, sinoot niya ito bago pinulot ang puting tuwalya upang ipang kuskos sa kanyang basang buhok, lumapit siya sa lamesita kung saan ko nilagay ang kanyang miryenda para kainin ito, tahimik ko lamang siyang pinapanood sa bawat kilos niya habang nakatayo ako sa isang tabi.

I saw him sigh and look at me as he sat on the sun lounger.

"You can come here you know." He said coldly, tumaas ang kanyang kaliwang kilay ng mapansing hindi ko sinusunod ang sinasabi niya. Bumaling sa tubig ng swimming pool ang aking atensyon, naenganyo pa ako sa repleksyon ng araw sa tubig, para silang kristal sa pool.

Dumapong muli ang aking atensyon sa lalaki nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking mga kamay.

"What is it?" Tanong niya ng may malamyos na tinig, he knows me very well... Alam niya kung kailan meron siyang ginawang hindi ko nagustuhan, kunot noo ko siyang tinitigan habang siya ay namumungay ang mga matang nakatingin sa akin. He looks submissive to me.

"Ayaw mo daw sumama sa Japan?" Tanong ko sa kanya. He sighs as he held my cheek and cares it.

"I told you I want to spend Christmas with you, lagi ko naman sila nakakasama kapag Holiday season, pwede bang ikaw muna ngayon?"

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon