KABANATA VI

19 5 14
                                    

Simula ng magpa-alam si Aki sa mga magulang ko ay araw araw niya na akong sinusundo sa pag-punta sa school maging sa pag-uwi, mas maaga na akong pumasok ngayon kaysa nung dati dahil maagang pumapasok si Aki sa school.

"Umamin ka nga sakin, sinong kasama mong pumapasok at kahit sa uwian ay hindi ka namin mahagilap?" Tanong ni Dina habang kumakain ng siomai na nabili sa canteen.

Hindi na kasi kami madalas magkasama dahil abala kami sa pagmo-monitor ng kaayusan sa darating na intrams, bukas na kasi ang opening nito. Kahit si Karlos ay bihira namin makasama, si Dina lang at si Yuri ang madalas magkasama.

"Busy sa gawain." Simple kong sagot, nahihiya akong aminin sa kanila ang totoo. Ayaw ko din naman pangunahan si Aki baka mamaya ayaw niya palang sabihin sa lahat na nililigawan niya ako.

May kung anong pait ang kumalat sa puso ko sa isipang iyon.

"Talaga ba?" Tanong pa nito na para bang hindi naniniwala.

"O-oo nga bakit ba?" 

Tinignan ako nito na para bang may ginawa akong masama sa kanya, inirapan ko nalang siya para maitago ang kaba ko, marami ng tent ang makikita na nagkalat sa buong campus dahil sinisimulan ng itayo ang kani-kanilang booths at food bazaar.

Pagkatapos namin ayusin ang ga dapat ayusin sa darating na instrams sa araw ng bukas ay pinayagan naman kami ni Pres. na magpahinga, hindi nga lang kasali si Karlos dahil madami pa siyang certificate na gagawin kaya kami nalang munang tatlo ang gumagala.

"Wala bang practice ngayon ang mga papi?" Tanong ni Dina, hindi talaga mapakali ang bunganga nito, tanong ng tanong.

"Wala kasi sila kuya nag aayos ng tent nila." Paliwanag ni Yuri, tumango tango naman ang babae pahiwatig na naintindihan niya na kung bakit walang practice ang mga basketball player, patuloy kaming naglalakad-lakad hanggang sa mapadpad kami sa mga booths ng senior high, namataan namin doon sila Aki na tumutulong sa pag-aayos ng tent nila ang mga babae naman ay gumagawa ng mga banderitas. Lumapit doon ang feeling close na si Dina kaya sumunod  kami ni Yuri sa kanya.

"Anong booth niyo Aki?" Tanong ni Dina sa lalaki, mula sa pagkukumpuni nito ng kung ano sa taas ng tent ay bumaba ang tingin nito kay Dina.

"Kissing booth." Simpleng saad nito. Gulat namang tumingin sa akin si Dina.

"Pinayagan niyo yun!?" Paghisterya ni Dina.

"Hindi, Hug booth nga na suggestion niyo hindi namin pinayagan eh." Sagot ko sa kanya. Dumako ang tingin ni Aki sakin kaya nagkaroon ako ng pagkakataong irapan siya. Anong kissing booth? Tapos ano? Siya kuno yung hahalik? basted ka sa akin agad kung ganun.

Para bang tumigil ang lahat ng nasa paligid ko marinig ang halakhak ni Aki, maging ang kanyang mga kaklase ay napatigil din at nanlalaki ang mga mata sa gulat na para bang ang big deal noon sa kanila, bihira lang siyang tumawa madalas ay ngisi lang pero ngayon rinig ng buong kaklase niya ang pagtawa niya.

"Wow Aki! first time mo tumawa?" Tanong ni Dina sa lalaki, bumalik naman ito sa pag-ngisi habang sinusulyapan si Dina, bumaling ang kanyang buong pansin sa akin.

"Kumain ka na?" Tanong nito sa akin, mas lalong nagulat ang lahat ng nakarinig at napatigil pa ang iba sa kanilang ginagawa maging si Dina ay hindi makapaniwalang nakatingin sakin habang nagtataka naman si Yuri at papalit-palit ang tingin niya sa amin ng kuya niya.

Uminit ang aking pisngi sa atensyong nakakamit mula sa kanila. Why did asked such bold question in front of these people? Nababaliw na ba siya? Tsk! Ayaw ko mang sagutin ang tanong baka mamaya magtampo nanaman na di ko siya sinasagot.

"H-hindi pa, maaga pa naman." Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang suklian ang kanyang mga titig, seems like his stares are looking at my soul, tamihik parin ang aming paligid, para bang kami lang ang tao doon.

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon