KABANATA II

34 7 27
                                    

Alas sais y medya ng makarating kami ni Karlos sa iskwelahan, dinaanan namin kanina si Dina kung sasabay ba siya sa amin pero sabi ng ate niya tulog pa daw siya kaya nauna na kami, hindi naman kami nagulat pa ni Karlos dahil sanay naman na kami sa laging ganun.

Pagdating namin doon kaonti palang ang mga estudyante kahit mga guro ay iilan palang. Pero kaming mga officer ay halos kumpleto na.

"Ganito ang gagawin natin mamaya, maghahati tayo sa dalawang grupo sa oras na tumunog na ang bell kailangan nating i-check ang lahat ng class room para masiguradong nasa quadrangle ang lahat, Karlos, Khyl at Demy kayo ang maglilibot mamaya sa mga rooms habang kami namang maiiwan ay sa gate, mag-aabang okay ba yun?" Tanong ng SSG president namin. Tumango kami bilang sagot.

"Nasabi na ba sayo ni Dina yung gagawin natin next Saturday?" Tanong ni Karlos sakin habang nag-aayos ng aming uniform as SSG officer. Every Monday kasi may sinusuot kaming uniform for SSG officer, it serves as our identity, para wala ding umangal na student once na sinita namin sila sa mga maling gawain nila.

"Oo nasabi niya sa akin noong nakaraan."

"Okay lang ba sayo? O baka papasok ka sa mansion?"

"Ano ka ba, okay lang naman kung may gagawin tayo, importante naman iyon... Eh ikaw di ba sumasama ka sa papa mo sa pag harvest ng tubo okay lang din ba sayo?" Tanong ko, madalas kaming pagkamalan ng mga kaklase  na magkasintahan. Pero ang totoo ay magkaibigan lang naman kami, hindi ko din naman sila masisisi dahil bata palang kami ay magkaibigan na kami, sabi pa nga nila maganda daw yung friends to lovers dahil may foundation na ang relasyon.

I can't see myself being in a relationship with Karlos, I don't feel any special feeling for him aside from friendship. Gwapo naman si Karlos, kung tutuusin ay may laban siya sa mga itsura ng mga Garcia dahil may dugong Spanish ang mama niya.

"Walang problema yun, kaya ko naman isantabi iyon para sa pag-aaral ko." Aniya.

Nang sumapit ang oras ng flag ceremony ay nagsimula narin kaming maglibot sa mga rooms, inuna namin silipin ang mga lower grade hanggang sa napunta kami sa mga rooms ng grade 12, may iba na palabas palang sa rooms papuntang quadrangle meron namang nagmamadaling ilagay ang mga gamit sa room para makahabol sa flag ceremony.

We are about to go back to our usual place as officers ng may nahanip ang paningin ko sa room ng grade 12, Si Aki na nakangisi sa kaharap niyang kaklase, si Nathalie. Sikat si Nathalie sa school dahil kadalasan itong sumasali sa pageant hindi lamang sa iskwelahan maging sa bayan ng Capas.

"Excuse me senior high, mag fa-flag ceremony na kasi we need all students in quadrangle." Si Karlos.

Lumipat ang atensyon ni Aki sa pwesto namin, at ang kanyang pag ngisi ay unti-unti nawala. Nag iwas ako ng tingin sa kanila at ginala ang paningin sa buong room para i-check kung may iba pa bang estudyante liban sa kanila, sila nalang ang naiwan.

"Sorry Karlos at Khylanie, mukang nawili lang kami nitong si Aki sa pagkukwentuhan." Ani Nathalie, natawa pa siya ng bahagya sa nasabi, para bang pinapahiwatig na hindi nila namalayan ang oras. Talaga ba?

Hinintay muna namin silang lumabas ng room bago kami sumunod sa kanila, dahil nasa dulo na ang kanilang room ay iyon narin ang last pupuntahan namin. Hindi rin naman nagtagal ang flag ceremony dahil wala din namang masyadong announcement ang school.

Habang nakapila ang aming section patungo ng room ay narinig namin ang hiyawan ng mga grade senior high, saktong nasa tapat kami ng room nila kaya napatingin kami sa banda nila, at naroon ang tatlong magpipinsang Garcia sa harap ng classroom maaring nagpakilala dahil transferee sila. May ibang babae ang pasimpleng kumukuha ng picture sa tatlo.

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon