KABANATA VIII

15 3 3
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nagising, siguradong magiging busy muli kami sa program ngayong araw, alas singko palang ng madaling araw ay gising na ako, maaga masyado.

Dahil wala naman akong gagawin ng ganitong oras napagpasyahan kong mag bukas ng facebook habang nagkakape, agad bumungad sa akin ang napakaraming notifications hindi naman kasi ako gaanong nagbubukas ng social media minsan lang kung maisipan, mayroong mga tag si Dina sa akin doon galing sa mga kuha naming picture kahapon, meron pa ako doong candid picture kung saan nanonood ako ng basketball.

I was so focused on watching the game in that picture, maraming nagheart react doon, pinidot ko yung mga nagheart react para makita kung sinu-sino sila. Hindi ko maalis ang aking tingin sa pangalan ng isang  nag heart react sa picture ko.

Akihiko Garcia.

Friends ba sila ni Dina? Tinignan ko muli kung sino pa ang nakatag sa post ni Dina at nakita ko nga ang pangalan ni Yuri. Maaring nakita niya ito sa kapatid, pinindot ko ang pangalan ni Aki sa facebook para makita ang mga post niya ngunit nagulat ako ng makita ang salitang Accept at Delete friend request sa profile niya, ibig sabihin ay nag add friend siya sa akin.

Pinindot ko ang Accept at nagpatuloy sa pag stalk sa kanya, pumukaw sa aking atensyon ang group picture namin sa Pinatubo kuha ito noong araw na sinama nila kami sa pamamasyal.

Ganda mo.

Iyan ang naka caption sa post niya, maraming mga nagheart react doon meron iba nag-comment pinidot ko ang comment box para tignan ang mga comments.

'Alin ba ang maganda Aki?' comment ni Zeddy na may kasama pang laugh emoji. Nagscroll down pa ako ng mga comment meron naman doon comment ni Matthew yung isa pa nilang kaibigan.

'Nathalie Domingo ay namention' hindi na nga ako nagbasa pa ng ibang comments dahil parang nawalan na ako ng gana, muli kong pinindot ang notification button at nakita ko doon ang tadtad na heart react sa bawat post ko. Halos mabitawan ko ang aking cellphone ng mag pop up ang chat head ng messenger dahil profile ni Aki iyon.

'Good morning'

Mabilis ko itong nireplyan ng 'Good morning' din ang lalaki, agad bumaba ang bilog na kanyang profile at tumalontalon ang tatlong tuldok sa messenger senyales na natitipa ito ng reply.

'Can I fetch you from home later?'

Inisip kong makipagsabay sa pagpasok mamaya kila Karlos at Dina para kausapin din sila ng tungkol sa amin ni Aki, ayaw ko naman na i bypass sila although Dina has the idea but still i need to clarify it to them, muli akong nagtipa ng reply.

'Pwede bang sa ibang araw nalang I need to talk to Karlos and Dina about you courting me, they are my friends they should know what are we'

Muling bumaba ang kanyang profile at agad na nagtipa ng reply ang lalaki.

'Alright then, how about lunch can we eat together?'

'Sige.'

Pagkatapos ko siyang replyan ay tinabi ko na ang cellphone ko at kunuha ang twalya para maligo, pagkatapos mag-ayos nakita kong nakahanda na ang almusal, lumapit ako kay mama na naghuhugas ng pinggan at niyakap siya mula sa likod.

"Love you ma."

"Love you too, bakit naglalambing ang unica ija ko, may kailangan ka ba?" Natatawang saad nito. I was confused to what she just said, Unica Hija? 

"Wala ma! napaka swerte ko lang dahil may mama akong higit kung mag-alaga sa amin ni Kalo." I do appreciate mama's sacrifies for us, that's why I'm doing my very best in school to give them a comfortable life in the near future.

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon