KABANATA VII

5 3 2
                                    

Song: Water by Tyla


kagaya ng dati muli akong sinundo ni Aki sa bahay para sabay kaming pumasok, ngunit dahil naging busy din si Karlos sa kanyang mga gawain nitong nakaraan kaya hindi kami nagkakasabay pumasok, nakalimutan kong sabihan si Karlos na hindi kami makakapagsabay pumasok.

Palipat lipat ang tingin ko sa dalawang lalaking nasa aking harapan, iniisip kung san ba ako sasabay. Kay Aki na naka sandal sa kanyang Audi o kay Karlos na nasa tricycle nakakunot noong naka tingin sa lalaki, marahil nagtataka ito kung bakit siya nandito sa bahay.

Hindi ko alam kung sasama ba ako sa isa sa kanila o papasok nalang ako ng mag-isa, mabuti nalang at natanawan ko pa si papa na ihahatid na sana si Kalo sa school niya.

"Pa! wait lang." Sigaw ko sa kanya bago bumaling sa dalawang lalaking nasa harapan ko.

"Karlos, Aki. Sorry hindi ako makakasabay kasi ihahatid ako ni papa." Palusot ko, pansin ko ang pagtataka ni papa na nakatingin sa akin.

"Sabay ka na sa akin, iisang direksyon lang naman pupuntahan natin e nasa ibang daan ang school ni Kalo hindi ba?" Wika ni Karlos, pasimple siyang sumulyap kay Aki na nasa akin lang ang tingin, nginuso pa ito ni Karlos na para bang tinatanong niya kung ano ang ginagawa ng lalaki dito, tumikhim ako dahil hindi ko alam kung paano ko ba susulusyonan ang problemang ito. 

"Hindi na Karlos, nasabi ko na din naman kay papa."

"Pagpapaalam ki--"

"She will go to school with me." Singit ni Aki, naiinis na sinulyapan ni Karlos si Aki.

"Sa akin siya sasabay." Bakas sa boses nito ang nauubusan ng pasensya kay Aki, nagsukatan sila ng tingin.

"Kay papa ako sasakay sige mauna na kayo--"

"Then from now on sakin na siya sasabay." Sagot ni Aki na naka'y Karlos parin ang pansin. Hindi nila ako pinapansin at para bang silang dalawa lang ang tao sa lugar na iyon, pansin ko ang inis sa mukha ni Kalo habang kinakausap si papa.

Dahil hindi naman ako pinapansin ng dalawa ay iniwan ko silang nagtatalo at sumakay sa tricycle ni papa.

"Tara na pa, malalate na si Kalo." Sabi ko sabay sakay.

"Hindi mo ba aawatin yung dalawa, mukhang kulang nalang magsuntukan silang dalawa." Napairap ako sa ere sa tinuran ni papa.

"Hindi na ako kailangan doon papa, ni hindi nga nila ako pinapansin e." Sagot ko.

Habang nasa byahe kami hindi ko rin maiwasan na isipin ang dalawang lalaki na naiwan sa bahay namin, baka nga kung saan na nahantong ang sagutan nila.

Pagdating ko sa school marami ng estudyante na nagkalat sa quadrangle, maraming mga students ang nakatambay na sa stage na nakaayos na, natanawan ko sina Dina at Yuri hindi kalayuan sa stage kasama ang mga kaklase namin. Hindi nagtagal ay dumating ang oras ng pagbubukas ng programa ay nasa kanya-kanyang linya na ang bawat grade and section, si president ang naging mc ng program.

"Before we formally start our Intramurals program for this year, I would like to announce that there will be an opening special number of CNHS dance troupe!" Naghiyawan naman ang karamihan sa mga estudyante dahil sa excitement hindi ko alam kung sa Intrams ba o sa sasayaw, malamang maraming matutuwang estudyante dahil walang klase at puro laro at lakwatsa lang ang gagawin. Mas lalo pang lumakas ang hiyawan ng magsimula ng tumugtog ang isang pamilyar na kanta.

"Water please!" Sigaw ng isang estudyante habang nagsisimula ang introng sayaw ng dalawang dancers.

"Si kuya Dusk!" Sabay sabay kaming nalaglag ang panga sa nakita, si Dusk  kasama ang isang hindi pamilyar na babae, parehas silang nakasuot ng cargo pants na kulay army green, nakasuot ng puting halter crop top yung babae habang si Dusk naman ay puting T-shirt lang, kulot ang dulo ng buhok ng babae at nakasuot din ng puting bull cap, bagay sa kanya ang suot na big hoop earings na kulay silver.

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon