KABANATA I

42 8 25
                                    

Maaga akong nagising at naghanda para sumabay kay papa papuntang mansyon, tulog pa sila mama at Kalo kaya hindi na ako nakapag-paalam pa.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko na si papa nasa tricycle niya, nakasuot siya ng long sleeve at gloves kadalasang suot niya kapag magha-harvest sila ng sugarcane, sa sobrang haba ng tubuan ng Don siguro matatatapos sila ng dalawang linggo.

Pagdating sa mansyon tanaw ko na si Manang Loida sa bakuran na nagwawalis.

"Magandang umaga po." Bati ko sa matanda.

"Magandang umaga din Khyl, ang aga mo ah, nakipagpalit ka nanaman ba sa mama mo?" Tanong nito habang patuloy sa ginagawa.

"Opo, para naman po makapagpahinga siya sa trabaho kahit isang araw lang." Sagot ko sa matanda.

"Talaga namang napakaswerte nitong si Kyla at may dalaga siyang maganda na at masipag pa." Hirit ni manang Loida.

"Ikaw talaga manang ang hilig mong magbiro." Saad ko.

"Aba ija hindi ako nagbibiro, totoo yun." Ngumiti ako sa matanda at nagpasalamat.

Maraming tao ang nagsasabi na mapalad sila mama dahil sa pagtulong ko sa kanila sa trabaho, pero para sa akin ay ako ang mapalad dahil may magulang akong todo suporta sa lahat ng ginagawa ko.

Maya maya pa ay nag-paalam na ako sa matanda at tumungo sa likod para simulan ang trabaho. Sa dami ng kwarto ng mansion tiyak maraming kurtina ang lalabhan, agad akong nagsimula ng tinuro sa akin kung nasahan ang labahan ko.

I spend 3 hrs. washing the curtains, hindi naman ganun karumi ang mga kurtina sa mansion kaya't hindi ganun kahirap labhan ang mga ito.

"Khyl, miryenda ka muna." Alok ni ate Jona at nilalapag ang isang basong orange juice at naka platitong croissant.

"Sige ate." Sagot ko habang abala parin sa pagliligpit ng mga ginamit sa paglalaba.

Pagkaalis ni ate Jona ay tumigil muna ako sa ginagawa at pinunasan ang aking kamay gamit ang bimpong dala at nagmiryenda, uminom ako ng juice at pinangalahatian ko iyon bago kinain ang tinapay, pagkatapos ay pumunta ako ng kitchen para ibalik ang pinagkainan nakakahiya naman kung iiwan ko nalang iyon doon, hinugasan ko muna ito bago ibalik sa lalagyan. I was in the middle of washing the glass when someone spoke behind me.

"Manang have you seen my shirt? the blue one I haven't wear it yet?" Lumingon ako sa nagsalita at natigilan, the guy isn't familiar to me, must be one of their visitor?

Bumagsak ang paningin ko sa kanyang labi dahil sa kanyang pag-ngisi ng makitang hindi ako ang taong hinahanap, halos kurutin ko pa ang aking daliri para lang bumalik sa realidad. That smirk suits him well, bagay sa hugis ng kanyang labi.

"Where's Manang Loida?" Tanong niya sa akin, hindi nakaligtas sa aking paningin ang amusement sa kanyang mga mata na tila ba may nakakatawa sa akin. I tilted my head and frowned.

"Ewan ko, kapapasok ko lang dito sa kitchen... Sir?" Hindi naman kasi ako regular na nagtatrabaho dito sa mansion kaya parang ang awkward sakin tawagin siyang sir, ang mga ibang apo ng Don ay medyo ka close ko naman kaya hindi ko na sila tinatawag na sir.

"No need to call me sir, mukha namang hindi nagkakalayo ang edad natin." Saad nito, lumipat ang paningin ko kay Jack na paparating sa kitchen, nagtama ang aming paningin habang palapit siya sa amin.

"O, Khyl ikaw ang pumasok ngayon?" Tanong niya sa akin.

"Oo, pinagpahinga ko muna si mama wala naman akong gagawin din sa bahay kaya ako muna ang pumunta." Sagot ko, tumango naman ang binata at binalingan ng tingin ang lalaki na nakahilig na ngayon sa Island counter.

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon