KABANATA IV

31 7 26
                                    

Araw ng Linggo ay bumalik kaming muli sa Mansion De Garcia para ituloy ang pag-aaral sa report namin lalo na at kami na ang unang magrereport bukas, nagpaalam ako kay mama na hindi muna ako sa-side line ngayon para matapos na namin ang dapat tapusin.

Si Yuri ang taga type at taga gawa namin ng presentation habang si Dina naman ang nagsususlat sa manila paper dahil maganda ang sulat kamay niya, kami ni Karlos ang naghahanap ng mga impormasyong kailangan sa report namin.

Hindi na nga din namin nadatnan ang tatlong magpipinsan dito sa study room, maaring may pinuntahan muli sila.

"Pagkatapos natin isulat lahat at mapag-aralan punta tayong manggahan, gumagala ka ba Yuri?" Tanong ni Dina sa dalaga.

"Hindi ko alam kung papayagan ako ni lolo, siguro kung dito lang sa lupain niya pwede naman." Wika nito.

Sa sobrang focus namin sa report hindi na namin namalayan ang oras, magtatanghalian na pala, pasado alas onse ay bumukas ang pintuan ng study room, nakita namin doon si ate Joan na may dalang pagkain.

"Pinapahatid pala ni sir Aki akala ko sila ang andito kayo pala, kumain muna kayo at baka mamaya malipasan kayo ng gutom nag-aaral pa naman kayo." Ani ate Joan, nagligpit kami ng gamit para hindi ito madumihan.

"Wow! ang thoughtful naman pala ng kuya mo Yuri, masyado ka naman niyang inaalagaan." Sabi ni Dina pero nasa akin ang tingin.

"Maalalahanin si kuya, but he's not good in words but more like into actions. He wont say he's worried but doing something to express his feelings." Saad naman ng dalaga.

"Talaga ba? kaya naman pala, pero kamuka niya yung volleyball player sa Japan si Ran Takahashi kilala mo yun?" Dina's words has meaning, I don't know or it's just me? Every time they talk about Aki feeling ko kahit ako rin ay pinag-uusapan nila. My heart boomed at that thought sarap kutusan ang sarili... Nakakainis.

"Yeah marami nga din nagsasabi sa kanya na kamuka niya iyon, and yes we have this childhood friend half Japanese half Filipino din siya, but they are residing in Switzerland right now. Nagkahiwalay sila nung middle school sa Japan up until now hindi pa sila nagkikita, kuya Aki cares for ate Cha so much." Kwento ni Yuri, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaonting kurot sa aking puso sa mga naririnig, para bang ayaw tanggapin ng puso ko ang mga katagang lumalabas sa bibig ni Yuri.

"Edi girlfriend ng kuya mo yun?" Tanong ni Dina, gustong kong suwayin si Dina sa pagiintriga kay Yuri ngunit may parte sa aking puso na gustong malaman ang sagot ni Yuri. Hindi ko alam kung bakit parang may mabigat sa puso ko na biglang gumaan ng umiling ang babae.

"I don't know, kuya is not the type of guy na ikukwento sayo ang buhay niya, hindi niya rin kinukwento sa amin kung naging girlfriend ba niya si ate Cha o hindi." Si Yuri.

Hindi na nga nadugtungan pa ang tanong ni Dina at kumain nalang ng pananghalian, sa buong pag-aaral namin sa report ay naging tahimik kami ni Karlos, parang nawalan ako ng ganang mag-aral at gusto ko nalang lumanghap ng sariwang hangin... To clear my mind.

And my heart maybe.

Pagkatapos naming asikasuhin ang report namin ay nagpaalam akong lumabas saglit para lumanghap ng sariwang hangin, gusto pa sana akong samahan ni Karlos kaya lang nagpatulong si Yuri sa kanya sa mga subjects dahil 3 weeks ang namissed niyang lessons

Napunta ako sa hardin ng mansion, payapa roon lalo na ang mga halaman na buhay na buhay at sagana sa mga bulaklak. What I felt earlier is a strange feeling, pilit ko mang kalimutan ang pakiramdam na iyon ngunit hindi makalimutan ng puso ko.

My heart keeps on beating so loud whenever I think of Aki, his thoughtfulness, yung madalas kong mahuli niyang tingin, he act so simple and yet there's a big impact in my heart.

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon