KABANATA V

36 6 43
                                    

Ilang araw pa ang lumipas, ay hindi na nga kami nagkalapit at nag-usap pa ni Aki, kahit sa lunch ay hindi parin siya sumasabay samin. Ngayong araw ay ako naman ang hindi sumabay sa kanila dahil may meeting kaming mga officers.

"So, ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa magaganap na intramurals, gaya ng dati si Karlos ang bahala sa program while Khyl will handle team sports registration, mamayang hapon excuse tayo sa mga subject natin to do our task, Bryan pakisamahan naman mamaya si Khyl Oh." Paliwanag ni Kesha ang aming SSG President.

"Sige Pres." Sagot naman ni Bryan.

"At yung iba sa mga booths, please officers pa assign nalang bawat grade level."

Matapos ang meeting sabay kaming kumain ni Karlos sa mga tables na may upuan malapit sa soccer field, dahil malilim naman ang puno ng acacia tanaw namin ang mga soccer players na naglalaro sa ilalim ng kainitan.

"After lunch ba kayo magroroom to room ni Bry?" Tanong ni Karlos habang sumusubo sa kanyang baon.

"Hmm." Sagot ko habang tumatango, hindi ako makasagot sa kanya ng maayos dahil puno ang bunganga ko ng pagkain nilunok ko ito bago tumingin sa kanya.

"Ikaw ba, sa computer room ka lang?" 

"Oo, gagawa lang naman ako ng program at proposal narin sa mga booths na gagawin ng bawat grade level."

Pagkatapos namin kumain ni Karlos ay sabay kaming tumungo sa room para magpaalam sa panghapon naming subject. Dinaanan din ako ni Bryan sa room para masimulan namin ang paglilista sa mga sasaling team.

Sinimulan namin sa lower grade hanggang sa makarating kami sa Senior High, nagulat pa kami ni Bryan dahil ang dami nila doon sa room.

"Khylanie andito din kasi ang lahat ng senior high kaya minsanan nalang sila sa pagreregister." Paliwanag ng guro, kaya pala ang dami nila nandito pala ang section nila Leo.

"Yiieh! Yung crush ni Leo maglilista sa mga team sports." Wika ng isang kaklase nila, muli ay nakatanggap ng tukso si Leo mula sa mga kaklase, maging ang mga kaklase nila Aki ay nakisali narin, ngingisi-ngising nakatingin sa akin si Leo para bang sanay na sanay siyang tinutukso sa akin.

I looked at Aki who's in front of me wearing his usual reaction.

"Team Senior high A." Wika nito habang kunot noong naka tingin sa akin, parang naiinis siyang ako ang kausap niya.

"S-sino sino ang mga kasali sa team mo?" Sarap kutusan ng sarili sa pagkabulol ko at sa nararamdaman, pakiramdam ko kapag galit o inis ang ekspresyon ng mukha niya ay ko wala akong karapatang magsalita.

"Trey, Tejada, ako, Fernandez, Lim, Yap, Dela Cruz at Valete." Sinulat ko sa isang papel ang mga binanggit niyang mga kasama.

Lumipat ang tingin ko sa kanyang likod kung saan si Leo na nakangiti sa akin, sinundan ni Akin ang aking tingin kaya lumingon din siya sa tinitignan ko.

Pagbaling ni Aki sa akin ay hindi ko na makakakitaan ng reaksyon ang kanyang muka bago ito tumalikod paalis sa kinaroronan namin.

Unti-unti ay nasasanay na akong ganun ang pakikitungo sakin ni Aki, maaaring ayaw niya ako makita o makasama kaya siguro palagi siyang galit kapag nakikita ako.

Sumunod si Leo na magpapalista, sinabi niya ang lahat ng kanilang player, ayaw pa nga ni Leo na umalis ngunit kailangan na nilang i-resume ang kanilang klase, umani tuloy kaming muli tuksuhan mula sa mga kaklase nila.

Pagkatapos naming i-lista ang lahat ng mga kasali sa team sports ay binigay ko na ito kay Karlos dahil siya ang mag-aayos at magpiprint. Dahil excuse naman kami sa subject namin at tapos na kami ni Bryan sa gagawin tumambay nalang ako sa likod ng basketball court, maaga pa naman at makapagpahinga na rin kahit papaano.

Garcia Men Series 1: Upside Down (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon