Ilang araw na ang lumipas simula nong nag confess saakin si Ace tungkol sa kanyang pagkatao, nawala ang aking pangamba at alinlangan na mahalin siya lalo nat sinabi niya na ok lang sila na mag-asawa ng mortal gaya ng mommy ni Honey.
Speaking of Honey, napakabait pala niya ilang araw palang kaming nag-uusap ay nagkasundo na kami, pero medyo nailang ako sakanya paano kasi napagbintangan ko siya na fiance ni Ace ang malala pa pinagselosan ko pa..hahaha..
BTW..ang totoong pangalan ng kapatid ni Ace ay Honey Venice Astrid Scoot..diba haba ng name nila samanatalang sa akin ay five letters lang..Hindi mo mahahalata na bampira si Venice kasi sabi niya mas pinili niyang maging normal at hindi rin siya umiinom ng d*go ng hayop tanging pagkain lamang ng normal na tao ang kinain niya.
Ganon rin naman si Ace pagkaing normal lang rin ang kinain niya at minsan lang siyang uminom ng d*go ng hayop..akala ko dati na bawal umibig ang isang tao sa bampira dahil mamatay ito kapag mabuntis at manganganak ng half vampire kaya nga mas pinili kong lumayo kay Ace at kalimutan ang naramdaman, pero nagkamali pala ako dahil pwede pala silang mag-asawa ng mortal at natuklasan nila iyon sa mommy ni Venice na ikalawang asawa ng Daddy ni Ace.
Habang abala ako sa paglinis ng condo ay biglang may kumatok pag bukas ko ay si Venice pala..
Sa mga nagtaka kong bat ako nandito sa condo..actually condo to ni Ace hindi kasi siya pumayag na umuwi pa ako dun sa bahay at gusto niya magsama na kami at gusto niya sa bahay niya ako tumira, pero di ako pumayag kasi wala pa kaming label eh(he hehe)...hindi ko pa kasi siya sinagot paano kasi sabi niya pagsagutin ko na siya ay magpakasal na kami, kasi handa na ang lahat noon paman ay hinanda na daw niya ang kasal namin...diba parang baliw...
So kung kayo nasa posisyon ko sasagutin niyo ba agad?
Syempre pahirapan ko muna siya kahit pa mahal na mahal ko yung bampirang yun.."Sis may maisusuot ka na ba mamaya?"
"Ha ahh eh wala pa eh"
"Kung ganon halika ka na!!"
At bigla nalang ako hinatak ni Venice.."Teka lang sis magbihis muna ako"
"No need na sissy ano ka ba doon kana magbihis, dali na bahalaka pag mahuli tayo sa event patay tayo kay kuya"
"Ok sige"
Pagkapasok namin sa kotse niya ay pinaandar na niya ito at ilang saglit ay dumating na kami sa mall,.."Ok pili kana dyan sissy basta yung bongga ha "
"OK"
Habang namimili ako ay isa lang ang napusoan ko kaya yun ang kinuha KO, sobrang ganda nong dress pula yung kulay at may mahabang tabas, kapag maglakad ka ay makikita talaga ang hita mo, napakaelegante niyang tignan lalo pat sinabayan ng kumikinang na mga rebete kaso bigla akong nanlomo ng makita ko ang presyo.."
OMG fifty thousand ma's mahal pa to sa buhay ko ah", ibabalik ko na Sana ng pigilan ako ni Venice..
Bat mo yan isinasauli?"
"Sobrang mahal kasi"
"No, kunin mo na yan, barya lang yan ni kuya hindi yan makakahirap sa kanya" sabay tawa..
Kaya kinuha ko nalang marami pa kaming binili pati mga accessories na bumagay sa sout namin at sandals kulay red yung pinili ko para bumagay ang kulay sa suot ko pagkatapos ay pumunta kami ng salon..Ginupitan nong bakla yung buhok ko ng kunte saka nirebond at pagkatapos inayusan na kami at sinuot na rin namin ang gown..sobrang namangha ako sa aking nakita paano kasi napakaganda kong tingnan parang di ko na makilala sarili ko at ganon din si Venice sobrang ganda niya para siyang anghel kulay gold yung suot niya na tube at may mataas din na slit gaya ng saakin at pinarisan din ng kulay gold na shoes..
"Ang ganda mo sis"
Bakit ikaw, hindi ba?" Pilosopong sabi niya..
Sure ako luluwa yung mata ni kuya ngayon .."Iksaktong 7pm ay tapos na kami at sumakay na rin kami ng kotse..
Actually ngayon ang anniversary ng kompanya nila Ace, di sana ako pumunta kasi pinatigil na ako niya sa pagtrabaho bilang secretary niya, ayaw ko Sana, pero siya ang palaging panalo kaya no choice..
Balak ko rin sagutin siya ngayong Gabi at alam na ni Venice yun..
BINABASA MO ANG
Sold to Mr.Supremo
Fantasy*** Hindi mahirap Hindi mayaman simple lang ang aming pamumuhay pero kahit ganon ay masaya kami ni Lola. Nag-iisa lamang akong anak dahil maaga akong naulila... Hanggang isang araw ay dumating ang trahedyang hinding-hindi ko malilimutan, ang araw na...