Chapter11

355 4 0
                                    

Maaga akong nagising dahil ngayon ang simula ng aking trabaho bilang secretary ng Cheon Company, hindi ko nalang ginising si Celine kasi pagod yun at madaling araw na umuwi, pagkatapos kong magbihis naglagay muna ako ng liptent at pulbo sa aking mukha di ko kasi bet magmake up kasi feeling ko para akong clown..

Pagkatapos ay pumara na ako ng taxi..

"Lord sana po gabayan nyo ako sa aking trabaho at sana mabait po ang amo KO.."

"Saan po ba kayo baba maam"

"Sa Cheon Company lang po kuya,
Salamat po, Ito po ang aking pasahe.."

Ng makarating ako sa tapat ng Cheon ay pinagmasdan ko ito, maganda ang pagkagawa kaso maliit nga lang ito kasi ang pinakamaliit na kompanya sa buong maynila pero ok lang atleast my work ako kahit medyo maliit yung sahod kasi nga obserbahan pa ako lalo pa't di ko pa natapos ang aking kurso at wala pa akong experience.

"Good morning maam, ano pong kailangan nyo? " tanong sa akin nong guard..

"Ahh ako po yung bagong secretary ni Mr. Chua"

"OK po ma'am Pasok po kayo"

"Sige po salamat"

Wala pa si Mr. Chua ng makarating ako sa kanyang office habang nag-antay ako sa kanya ay inilibot ko ang aking paningin, kahit maliit lang ang kaniyang office ay masasabi kong napakaganda nito hindi ito nagpapahuli sa ibang kompanya Kong disenyo lang ang pagbabasihan.

Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na si MR.Chua

"Good morning sir"
"Magandang umaga sir"
"Have a nice day sir"

Yan ang mga bungad ng empleyado dito sa loob masasabi kong mabait talaga ang CEO dito kasi iniisa isa nya ring binati ang empleyado dito habang nakangiti.
May katandaan na si Mr.Chua sa tingin ko nasa Fifties na siya.Ng malapit na siya sa kinaroroonan ko ay binati ko narin siya.

"Good morning po sir"

"Ohh good morning iha
Ikaw ang bagong secretary ko, right?"

"Ahh opo"

"Nga pala iha ito ang mesa mo, pasensya na medyo makalat .."

"Ohh ok po"
Nilinis ko muna ang misa bago inisa-isang ina arrange ang mga files at pati na rin ang mga files ni Mr.Chua.

Pagkatapos ko ay kinatok ko na ang aking boss upang ibigay ang mga files na dapat pirmahan..

"Hello po sir ito po yung files na dapat mong pirmahan..By the way sir My meeting po kayo ni Mr. Lee at one pm, at ni Mr. White for three pm."

"OK iha salamat sa paalala."

Pagkatapos ay bumalik na ako sa aking mesa.

After how many years of arranging the files ay 5:00pm na(chaar)
Kaya tumayo na ako para umuwi pero bago ako umuwi ay naglinis muna ako para konte nalang ang linisin ko bukas.
Sa wakas natapos narin ang araw na ito, laking pasasalamat ko dahil napakabait ng boss ko.

Dumaan muna ako sa mall para bumili ng mga kailangan namin ni Celine, pagkatapos kong mamili ay pumunta rin ako sa palengke para bumili ng mga gulay.

Gabi na ng makarating ako sa bahay, nagpahinga muna ako saglit saka nagbihis, tapos na rin akong kumain doon sa nadaanan kong 7/11 malapit lang dito, ng makapagbihis na ako ng pantulog ay inayos ko muna ang mga pinamili ko.

Ng matapos ako ay humiga na ako sa kama saka nagdasal then natulog na rin...

Di ako nagsisi na si Mr.Chua ang boss ko dahil sobrang bait niya, kung may mali kang nagawa about sa work ay ini-explain niya sayo isa-isa hanggang sa ma perfect mo ito, kaya nga marami na akong natutunan about sa business.Minsan ay isasama rin ako ni boss sa mga meetings niya, may pagkakataon rin na ako lang ang makipagkita sa mga ka-business niya lalo kapag busy siya, may alam din naman ako sa english kahit papano, kaya di na ako mahirapan, napakaswerte ko na siya ang naging amo ko.

May masama mang nangyari sa aking buhay pero may dumating ding blessing at ngayon unti-unti na akong nakabangon habang kinakalimutan ang nakaraan...

Sold to Mr.Supremo Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon