VERONICA.
MERON AKONG CRUSH.
Gwapo, matangkad, matalino, mabango, at higit sa lahat ay maganda ang mga mata.
I've been crushing on him since the first day of high school. I was a transferee student, habang siya naman ay sa parehong school din nag-elementary, kaya pamilyar siya sa facilities. He was so kind to me that he toured me on my first day of school.
I feel like he likes me, too.
"Veronica, your crush is here!"
Sigawan ito ng mga classmate ko. Nang lumingon ako sa pinto ng room namin ay nakita ko nga siya roon na nakatayo.
Malawak ang ngiti niya at ang aliwalas nang mukha nito sa umaga. Sa lahat ng mga grade 8 student na nakilala ko ay siya ang pinaka-gwapo. Kahit nga yata sa higher levels, siya pa rin.
Parang walang tatalo sa ka-gwapuhan ni Gabriel.
"Good morning po, Miss Salvador. Pinabibigay po ni Sir Lopez" magalang nitong sabi sa teacher namin.
Mga bata pa kami, pero halata na ang pagbibinata sa boses niya. May kalaliman na ito.
He looks dashing in his complete uniform, layered with a dark blue vest that has the printed logo of our school in the upper left corner.
Galing siya sa highest section at ang dala niya ay test papers namin.
"Kuya, kiss mo nga raw si Veronica. Pampa-goodluck lang sa test, ayieee!"
Nanlaki ang mga mata ko nang dumako ang paningin ni Gab sa akin. Ito namang mga tanga kong classmate ay mas lalo pa akong inasar.
"Huy ano ba...para kayong tanga" pag-iinarte ko habang nakangiti at halos ngumiwi na ang labi ko sa pagpipigil nang kilig lalo pa nang dumapo sa akin ang paningin niya.
"Naku, kinikilig 'yan kuya!"
"Bobo!" ganting sigaw ko sa huling nang-asar at napatigil lang ako nang tumawa si Gab.
My cheeks blushed, seeing him laugh like that, nose scrunching and eyes almost vanishing.
Nagpa-alam na rin naman ito agad matapos iabot kay Ma'am ang dala niya.
"Quiet!" sigaw ni Ma'am at doon lamang humupa ang matinding asaran.
Bwisit kasi 'tong mga classmate ko, eh.
Ang aasim, amoy cracklings.
UWIAN. Nakatayo si Gab sa gate habang kasama ang tatlo niyang mga kaibigan. Kilala ko lahat ang mga ito.
Sina Jimbo, Phaiton, at Lincoln. Para silang apat na itlog dahil laging magkakasama at hindi mapag-hiwalay.
Si Gab ang pinaka-gwapo sa kanilang lahat, syempre.
"Uyy, shoti mo" ani Jimbo kay Gab at siniko pa ito nang matanaw niya ako.
Inirapan ko naman siya agad nang patago. So cheap kaya ng shoti, he could've just said "baby mo" "Girlfriend mo" or something like that.
Maarte akong naglakad palapit kay Gabriel. Sa tangkad nito, kahit matangkad ako ay napapatingala pa rin ako sakaniya.
"Hey, going home? Sa'n sundo mo?" may bahid nang angas ngunit kalmado ang pagkakatanong nito sa akin.
I blushed a bit nang pansinin ako nito kahit hindi pa ako nag-eeffort.
Kidding, ang tagal ko nga pala sa restroom kasi nagpaganda pa ako nang todo para kapag ganitong aksidente kaming nagkita ay hindi ako mapahiya sakaniya.