"WHAT THE HECK ARE YOU DOING HERE, CALVIN?"
Bahagya siyang umatras saka tinaas ang kaniyang mga kamay sa ere.
"Woah, chill" kalmado nitong saad, gusto kong lamukusin ang labi nito dahil sa nakakaasar niyang ngisi.
"I came here to spend my precious time with you, aren't you lucky?" tawa niya at nabigla ako nang tapikin nito nang mahina ang aking ilong gamit ang hintuturo niya.
Natulala ako sa kaniya. Natauhan lang muli nang bahagya niya akong tinabig para makapasok siya.
"Hoy, pinapasok ba kita?!" iritado kong sinundan ang likod niya.
Nang maabutan ay hinampas ko siya sa batok.
"Ouch! Damn those hands, baby. They're heavy!" reklamo niya.
"Ang arte mo" irap ko at narinig nanaman ang kaniyang halakhak.
Tuwang-tuwa pa ang lintek.
"What are you doing here at this hour? Wala ka bang pasok? You're still studying, I assume. Bakit ka pagala-gala, ha?"
"I already answered the first question earlier. As for the second question, yup. May pasok ako, but I did cutting today since, I—ouch!"
Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, agad kong pinalo ang kaniyang dibdib.
"Why do you keep hitting me? It hurts!" singhal niya at hinaplos ang parte ng katawan niya na pinalo ko.
"You're cutting classes, Calvin? You think it's cool?" taas-kilay na tanong ko at tiningala siya habang nakahawak ang pareho kong kamay sa bewang.
I caught the small movement of his lips. He's trying to suppress a smile!
"Stop f*cking smiling, you dumbass!" tumingkayad ako para batukan siya.
"Ouch! That one hurts!" he winced and reach for his head to massage it lightly.
Akma ko siyang babatukan muli pero nasalo na niya ang pulso ko sa pagkakataong ito at binaba niya iyon nang hindi binabitawan. His grip tightened.
"That's enough, Rekai." He said in a low voice, a lot of strictness and authority lingering in his words.
"I-I'm...sorry" I apologized despite my shortage of breath because of his intense gaze.
"I don't cut class to be cool. I just cut class today because I don't feel like teaching my classmates, honey" he explained, still not letting go of my hand.
Pinaglaruan niya ang palad ko habang sinisilip ang aking mukha. Agad naman akong napahiya.
"Y-You teach them?" I asked, mas lalo pang napahiya nang tumango siya.
"It's just a silly habit of mine, to understand the lesson better. Besides, we're not going to the site today. I am basically free, that's why I'm here"
Tumango-tango ako. "What are you, an engineering student?" tanong ko, this time ay malumanay nalamang.
He raised both of his brows. "Your future Engineer, Miss Ma'am" ngisi niya.
"Kung hindi papalarin, non-showbiz boyfriend mo nalang" kindat nito at mapaglaro akong tinitigan.
Natulala ako sa berde niyang mga mata nang kuminang ang mga iyon. I never knew that my reflection in this hue has the ability to wake up the sleeping butterflies in my stomach.
Mabilis kong nabawi ang kamay ko na pinaglalaruan niya. Ilang beses akong tumikhim at hindi malaman ang gagawin, nang sundan niya ako sa kusina ay hindi ako makatingin sakaniya nang tuwid.