THIS IS THE WORST DAY OF MY LIFE.
Kaninang umaga ay pumunta ako sa office ni Gabriel at bumungad sa akin ang most heart-breaking news na talagang bumasag sa kagandahan ko.
Ikakasal na ang ultimate crush ko.
I feel so heart-broken. Pero hindi ko magawang magalit kasi kitang-kita ko kung gaano kasaya si Gabriel.
Ito na ba talaga ang huli?
Habang nag-aayos siya ng mga papel sa desk niya ay pinagmamasdan ko lang siya. Gusto kong maiyak. Parang hindi ko kaya. More than a decade ko nang ina-admore ang lalaking ito.
Now, he looks happy. Sobrang genuine nang saya niya, kitang-kita ko. Sobrang kilala ko na siya sa tagal kong nagkakagusto sakaniya. Kabisado ko na si Gab. Alam ko kung kailan siya galit, malungkot, pagod, nag-aalala, at lalo na kapag masaya.
Maraming luha na rin ang binuhos ko sa lalaking ito.
Hindi ko maiwasang mapa-ngiti. Panahon na ba para pakawalan ko na siya? Malungkot akong ngumitu at yumuko, pinaglalaruan ang mga daliri ko sa kamay.
No more bouquet of roses. No more sudden appearances. No more chocolates. No more confessions. No more admiring from afar.
Nilingon ko ang kaliwang kamay niya at nakita roon ang mamahaling sing-sing.
He's really getting married.
Parang may bumara sa lalamunan ko kaya nag-iwas ako nang tingin at inabala nalang ang sarili ko sa pagre-retouch.
Paano ba kasi 'to? This is my first time feeling this heart-broken. Palagi akong nalulungkot kapag nagseselos ako sa ibang babae dahil sakaniya. Pero hindi ko lubos akalain na sobrang sakit pala kapag dumating na itong araw na ito.
Expected ko na rin naman, kaso...hindi ko alam na ganito pala kasakit.
Akala ko noon simpleng crush lang, attraction lang. Sabi ko nga dati, happy crush lang. Pero look at me now, we just turned thirty this year and I'm still head over heels for this man.
I mean, what's there not to love about him?
He's every girl's dream guy, the most ideal boyfriend, husband, father, grand-father...oh, boy.
Why do I have to fall for a man who is already committed to someone?
"Hello, supot!"
Biglang natigil ang pagre-retouch ko at lahat ng mga luha na nais lumabas sa mata ko ay tila nahigop pabalik.
"What the hell??" I mouthed, ngayon lang napansin na may kausap pala siya sa telepono.
He put his index finger between his closed mouth, telling me to keep quiet.
Nagtataka man ay hinayaan ko nalang siya. After the phonecall, I asked him he was talking to and to my surprise...
"Ang gwapoooo!" tili ko nang makita ang litrato ng lalaki.
Green eyes...mukhang masungit pero sobrang gwapo talaga. Parang hindi totoong tao ang lalaki.
"Sure ba na hindi edited 'to? Pa'no ako makakasiguro na totoo 'to at hindi A.I. kasi diba, ang gwapo. Hindi makatotohanan!" usisa ko habang pinagmamasdan ang litrato.
It was a half body shot, the subject is wearing a white t-shirt tucked in a dark blue pants. A thin chain is hanging on his neck with a dog tag pendant, making him appear not too simple. He's wearing an expensive watch too, and I almost whistled at that.
He looks neat but, too stiff and serious, almost dangerous, as if threatening the man behind the camera who took his photo. My boy looks majestic with his green eyes, thick lashes, tall nose and pink lips.