WE WENT TO THE SEASIDE.
Hindi ko alam kung anong ginagawa namin dito, pero nag-eenjoy ako. Pinapanood lang namin ang paulit-ulit na hamas ng alon sa purong buhangin.
Ang ilaw namin, tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan. Wala sa sarili akong napahagikhik kaya lumingon siya sa akin.
"Sorry, weird ko ba? Dream date ko kasi 'to, eh" saad ko at kinagat ang ibaba kong labi.
I stretched my arms upward and smile widely towards the dark ocean in front of us.
"Really?" mangha niyang tanong at hinarap ang katawan sa direksiyon ko.
"Hmm" tango ko at nilaro ang mga daliri ko.
Inuupuan namin ang pinagdikit na panyo at coat niya. Humarap siya sa akin at naghintay sa kwento ko. Halata ang matinding curiosity sa mga berde niyang mata kaya natawa ako.
"Dati kasi, tuwing magbabakasyon kami ni Dad sa beaches ay lagi kami lumalakad-lakad kapag gabi na. Tapos lagi akong may nakikita na couple sa tabing-dagat...wala, nakaka-inggit lang. Kaya sabi ko, someday ay dadalhin ko rin sa beach ang boyfriend ko tapos wala kaming gagawin kundi panoorin lang ang dagat magdamag hanggang sa magliwanag"
Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang nasasalita. Pangarap ko talaga iyon, dati pa. Kahit naman gaga ako, romantic din.
"And?" he urged me to say more.
"And you just made that happen tonight, kaya thank you" saad ko at ngumiti.
"You're cute. But, I'm not your boyfriend"
Agad nawala ang ngiti ko. "Sinabi ko ba? Assuming 'to" irap ko at siya naman ang tumawa ngayon.
"Diba artista ka?" he asked at ewan ko ba kung pang-ilan na ito, pero umirap nanaman ako.
"Model. Model, Calvin. Hindi artista," pagtatama ko sakaniya.
He shrugged. "You're still on TV, that's the same thing" pumilit niya.
"No, it's not! Actors and Actresses, act...and I don't, Calvin. Everything I show on screen is real, it's not acting" paliwanag ko.
Ano ba 'yan! Ngayong nakikilala ko na siya ay saka ko lang napagtanto na nakakainis pala ang lalaki.
At ano iyong first impression ko sakaniya na tahimik siyang tao? He's talkative.
Binabawi ko na ang sinabi ko noon na tahimik siya, because he's not!
"Really? Even that one thing you said in an advertisement?" he asked and my brows knotted.
"Aling advertisement?" nalilitong tanong ko.
"The one where you said that you love tender juicy hotdog" he said innocently asked and I laughed my ass off.
"Why are you laughing? So, do you really prefer that hotdog more than the other ones?"
"You're funny, Calvin! It's an advertisement. Of coarse I had to say that I love it, it's on the script!" I scoffed, trying to explain my side.
"See? You act. That's the point" he said, ayaw magpatalo talaga.
Feeling close naman nito, nakikipagtalo pa.
"Okay, I'll give you that. But still, It's not an act, pagkagat ko sa hotdog nagustuhan ko talaga, eh." kibit-balikat ko.
Nilingon niya ako. "You did?" tanong niya kaya tumango ako.
Walang kwenta ang mga topic namin, most of the time. Pero, ewan ko ba kung bakit invested ako sa tuwing mag-oopen siya nang panibago na pagtatalunan nanaman namin.