I EXPECTED CALVIN NOT TO SHOW UP THE NEXT DAY.
Gumising ako na hindi maganda ang pakiramdam. Masakit ang ulo nang kagandahan ko kinabukasan. So, for my breakfast I only had tea and omelette. Nothing more.
I did my usual morning routine like exercise and skincare. I used moisturizer for my face because we will apply a lot of makeup later.
I did everything while having my mind pre-occupied. Hindi pa rin kasi mawaglit sa isip ko si Calvin mula kagabi. Galit kaya ito sa akin?
To distract myself, I decided to get my nails done when the sun was already up. I drove myself to the salon and I had it done.
Alam kong hindi magpapakita ang lalaki sa akin ngayong araw dahil masama pa ang loob nito. He's probably disappointed—turned off, rather.
Parang zombie akong nagpaalam sa nail tech nang matapos ito sa ginagawa. Pinagmasdan ko ang mga kuko ko at napangiti. It's pretty. I chose a simple design that I know will suit any dress that I had to wear for this week.
"Thank you," ngiti ko at bumeso sa babae.
I'm a regular customer here kaya close ko ang mga ito. Besides, pinsan din ni Alex ang may-ari ng salon kaya kumportable ako ritong magpunta anytime.
After that, I drove back home again. Nakita ko ang pinagkainan ko sa sink, maghuhugas sana ako ng plato kaso naalala kong bagong gawa ang aking kuko kaya napa-irap nalamang ako.
I'll do it later.
Pinatay ko ang faucet at tumulala nalang sa sahig habang nakayuko. I don't feel like working, actually.
"Hello, baks!"
I was spacing out when Alex called me. He's asking if late daw ba akong makakarating sa studio.
"Ayoko pumunta" amin ko at hinayaan lamang na nasa table ang phone ko at iniwan iyong naka-loud speaker.
Pumunta ako sa fridge at naghanap nang maiinom. I saw a pre-made iced coffee in my tumbler so I grabbed it and had a few sip.
"What? Gaga ka, Veronica. The holiday is just around the bush and you've got plenty of invitations sent to your email. We also have to attend a party tonight...anong nangyayari sa'yo?"
Bumuntong hininga ako at umikot patalikod sa double door fridge ko. I leaned my back on it while still on the phone with Alex.
"I'm kinda sick, can I have a one day leave?" paalam ko sa mababang tono at hinayaan siyang mag-isip nang ilang segundo.
Natahimik ito sa kabilang linya saka kumalma ang boses. Uminom ulit ako ng kape sa hawak kong tumbler habang naghihintay sa sagot nito.
"Are you okay? Medyo off nga ang voice mo ngayon sa call, hindi ako sanay. Have you been crying?" nadinig ko ang pag-aalala sa boses niya kaya nag-isang linya ang labi ko.
I bit my lower lip and answered. "I'm fine, masama lang ang pakiramdam..." ngumiti ako kahit hindi ko ito kaharap.
Mabuti at pinayagan niya ako. I released a long and heavy sigh after ending the call.
Alex told me not to worry and just take some rest. Siya na raw ang bahala para sa araw na ito. I'm really lucky to have him as my manager, hindi siya ganoon kahigpit sa akin at kapag sinabi kong masama ang pakiramdam ko...never ako nitong pinipilit na magtrabaho.
I was about to put the tumbler back to my fridge when the doorbell suddenly rang. Minadali ko ang ginagawa saka nilapitan ang pinto ko.
Hindi ko pa nakikita kung sino ang nasa labas, pero may kutob na ako. Nagmamadali akong lumakad papunta sa pinto at pinihit iyon upang mabuksan.