— Vincent POV
Kaya habang naalala ko ang mga bagay na ’yon ay mas lalo akong naiirita kay Lian. Kaya mabuti na lang talaga nandiyan ang tatlong kaibigan ko na kahit nakakainis din sila minsan. Nandiyan pa rin sila para tulungan ako sa kung anumang bagay kahit ’di ko sila sinasabihan at ganoon din naman ako sa kanila. Nagpapasalamat ako sa Diyos na may tatlo akong kaibigan na sobrang masipag, matulungin at hindi nang-da-down pababa.
*END OF FLASHBACK*
July 2007
5am in the morning...
Foundation Day na ngayon sa school namin kaya nag-text ako sa tatlo kong kaibigan kung papasok pa rin ba sila sa school ngayon at kakagising ko lang.
“The Lutang Squad, ano? Papasok kayo ngayon?” sabi ko sa text with matching forward kasi ito ang pangalan ng grupo namin, AHAHAHAHA!
“Oo pre,” reply ni Zhai sa text ko.
“Oo Vince,” reply ni Elle sa text ko.
“Oo Bes,” reply naman ni Wynbelle sa text ko.
“Iyan ang gusto ko sa inyo. Gising na at bumangon na kayo, mag-aasikaso na rin ako ngayon, kita na lang tayo sa labas ng gate,” text ko sa tatlo at gumayak na nga ako.
After kong mag-asikaso ay maaga rin si Mama nagising para ipaghanda ako ng pagkain ko.
“‘Nak, ito na ’yong babaunin mo sa school,” sabi ni Mama sa akin.
“Himala at sobrang aga ng gising mo, ‘nak. Anong mayroon today at maaga kang nag-asikaso, Aber?”
“It’s Foundation Day po, ‘Ma.”
“Ganoon ba? Kain ka na muna before ka magbihis.”
“Salamat po, ‘Ma. I love you.”
“I love you too, ‘nak. Aral ka mabuti ‘nak, ha? Ayoko munang mag girlfriend ka. ‘Wag kang matulad sa akin na maagang nabuntis.”
“Yes po, ‘Ma. Salamat sa pag-aalala sa akin. with matching concerned.”
“Sige na ‘nak, baka ma-late ka pa sa school mo. ‘Di ba maaga ang pasok sa school ninyo?”
“Opo, ‘Ma. Pero makikipag-kita lang po ako sa mga kaklase ko para sabay-sabay po kaming apat pumasok sa gate ng school namin,” sabi ko e kilala naman na ni Mama ’yong tatlo, kaya may tiwala siya sa akin kasi kasama ko na naman ang mga kaibigan kong asungot at mga busangot and also lutang, AHAHAHA!
“Sige ‘nak. May tiwala naman ako sa tatlong kaibigan mo. Enjoy ka mamaya sa Foundation Day niyo sa school.”
“Opo, ‘Ma. Salamat.”
After talking, kumain na ako ngayon at pagkatapos ay nag-asikaso na rin ako ng susuutin kong uniporme para maka-alis na rin ako ng maaga papuntang school.
——————————
— AUTHOR POV
Nang makarating na si Vincent sa school ay nakita na niya ang tatlo niyang kaibigan sa harap ng gate ng school nila. Kaya tuwang-tuwa ito at niyakap niya ang tatlo.
Vincent: Ano? Tara na ba?
Wynbelle: Oo ba! Kaso baka mamaya pa Bes magsisimula. Mukhang sarado pa ’yong gate.
Elle: Kaya nga, Vince. Mukhang wala pang ganap ata sa loob.
Zhai: Uuwi ba muna tayo? Mukhang wala pa kasi.
Vincent, Wynbelle, Elle: MAUNA KA!
Sabay natawa ang apat.
Zhai: I’m just kidding, AHAHAHA!
BINABASA MO ANG
Royce Hemsworth: Ang Tito Kong Balikbayan (Boys Love) [Book 1: Complete Version]
RandomRoyce Hemsworth is a half Filipino-half American (Fil-Am) and a successful Chief Executive Officer (CEO) businessman in America Company. Bago niya ito nakamit ay marami ang kaniyang pinagdaanan, gaya na lamang ng iniwan niya ang bansang Pilipinas pa...