Chapter 22: His Day Off, Part 2 (The Rules of Huge Dice)

78 3 1
                                    

— AUTHOR POV

“What flavour of coffee you like, Vincent? There’s uhm... Caramel, milk and chocolate. Choose one.”

“Milk po, Tito.”

“Mine too.”

“Just give me some minute, okay?” sabi pa ni Royce.

“Take your time po.”

After talking ay napatingin lang si Vincent sa Hotel Room ni Royce rito sa kusina, dahil ang buong paligid nito ay puti, medyo naninibago siya sa nakikita niya ngayon dahil hindi ganito ang nakagisnan niyang tahanan, medyo naiilang pa rin siya pero kalaunan ay panay na ito tanong kay Royce.

Five minutes later...

“Here’s your milk coffee, Vincent.”

“Sweet niyo naman po, hihi. Thank you po.” sabi ni Vincent at nakita niya ang cellphone ni Royce sa lamesa na Samsung Galaxy S7 Edge na matagal na niya itong pangarap bilhin, ngunit hindi niya afford ang dream phone na gusto niya dahil sa sobrang mahal ng presyo nito.

Umupo na rin si Royce at nagsimula na silang mag-almusal.

“Toh, ang ganda naman po nitong Samsung niyo. Magkano po bili niyo?”

“Nabili ko ’to sa USA. Uhm.. as far as I remember... Hmm, I think nasa 885.17 US dollars ang nagastos ko rito.”

“Bali magkano po ’yong convert na pera po niyan dito sa Pinas if ever?”

“Wait, research ko lang.”

And then pinakita ni Royce ang presyo sa nabili niyang cellphone at napanganga si Vincent sa nakita niyang presyo sa cellphone na binili ni Royce.

“What the fuck? 49,990 pesos? For real?”

“Yeah, ganiyang presyo ko siya nabili, last month ata or last November 2016 ko lang ’to nabili.”

“Balak ko po sanang bumili ng ganiyan, kaso po...”

“Mmm, what? Tell me.”

“Hindi ko po afford ang ganiyang klaseng cellphone po. Mababa lang po sahod ko sa work e, hindi pa po kaya ng budget ko, and ilang buwan pa lang po ako sa company na pinapasukan ko.”

“Nagpadala naman ako ng pera sa inyo nitong nakaraang buwan, right? Hindi ka ba kumuha ro’n?”

“E hindi na po kasi kayo nag-text sa amin nitong mga nakaraang buwan po, kaya ang alam ko is kay Mama lang po ’yong pera na pinadala ninyo, ayoko naman pong mangialam ng pera ng hindi po sa akin.”

“Sorry, Vincent. Nasira kasi lately ’yong keypad na cellphone na nabili ko dati bago ako umalis ng Pinas, kaya bumili ako ng Android phone ko. Medyo mahirap din ito ayusin, I’m not used to this phone.”

“Akala ko po, nakalimutan mo na kami nila Mama.”

“Hindi naman, nasira lang ’yong cellphone ko na keypad and also I'm swamped, you know? Hihi.”

“Sa bagay, nasira rin ’yong bigay mo po sa akin e. Pero may binili po akong Android cellphone kaso basag lang po ’yong screen.”

“May I see?”

“Nakakahiya po, H’wag niyo na pong tingnan at hawakan.”

“Sige na, don’t be shy.”

And then binigay ni Vincent ang cellphone niya kay Royce.

“Samsung J2 Prime gamit mo? Bakit nabasag ’to? What happened?”

“Sa kakamadali ko lang po mag-asikaso, nabasag ko po ’yan ng hindi ko sinasadya.”

Royce Hemsworth: Ang Tito Kong Balikbayan (Boys Love) [Book 1: Complete Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon