Chapter 16: The Truth

72 4 1
                                    

- Jin POV

Habang may ginagawa si Royce ay may tumatawag sa cellphone ko, kaya lumabas muna ako sa loob ng office.

"Hello, Jin speaking. How can I help you?"

"Jin? Ikaw ba 'yan?"

"Sino po sila?" tanong ko sa kabilang linya.

"Si Joey 'to. Joey Nepomuceno."

"Sir Joey, oo nga pala. I remember you. Ikaw ang tumulong sa akin na makapag-trabaho rito sa America. Ikaw po ba talaga 'yan?"

"Oo, si Sir Joey mo 'to. Akala ko nakalimutan mo na ako."

"Ikaw makakalimutan ko? Never po!"

"Sensiya na at number ni Ate Aurora ang gamit ko, kasi ito 'yong number na sinabi sa akin ni Ate para matawagan ka."

"Kamusta ka na pala Sir? Hayaan mo, makakauwi na kami bukas si Royce sa Pilipinas."

"I have a bad news, 'nak," sabi ni Sir Joey sa akin na bigla na akong kinabahan sa hindi ko alam ang dahilan.

"Wala pa nga 'yong bad news mo, Sir. Kinakabahan na agad ako. By the way, ano po 'yong bad news niyo sa akin?"

"Marami na kasing nangyari at nagbago rito sa simbahan. Si Ate Aurora kasi na kapatid ko is patay na 5 years ago, hindi ko lang masabi kasi ayaw kong bumigat ang pakiramdam mo habang nandiyan ka pa," sabi ni Sir Joey sa akin na bigla akong umiyak.

Si Mother Aurora is my favorite nun sa simbahan, siya ang kapatid ni Sir Joey kaya sila ang naging close ko. Marami rin silang naging close ko, pero sila ang memorable sa akin dahil sila ang nag-alaga sa akin mula pa noong bata pa ako sa ampunan ng simbahan. But sad to say... My mommy Aurora is passed away, 5 years ago.

"Sir, 5 years ago po. Sabi pa niya sa akin na mag-iingat ako parati at... ngayon, siya naman 'yong hindi nag-iingat. Ano po b-bang nangyari sa kaniya?"

"Na hit and run kasi siya, 'nak. Kaya ganoon ang nangyari, dead on arrival din siya nung pagpunta namin sa ospital. Hindi na niya kinaya dahil sa lakas ng pwersa ng pagsagasa sa kaniya. Naganap 'yon nung kaarawan niya."

Kung kailan pauwi na ako at gusto ko na silang surpresahin, ako pala ang na-surpresa dahil sa balita sa akin ni Sir Joey.

"Nakikiramay po ako Sir, and I'm sorry kung... after 13 years ago, ngayon lang ako uuwi riyan."

"Okay lang, Jin. At least, napaganda mo naman itong simbahan na matagal ng pinapangarap ng kapatid ko. Hindi man natin siya makikita ngayon, nandiyan lang siya para sa atin at proud na proud 'yon sa iyo. Lahat naman ng pinadala mo rito, ginawa ni Ate Aurora 'yon para sa simbahan at sa mga other orphanage na walang matirhan, kaya maraming dumagdag dito at dahil 'yon sa 'yo. Inaantay ka na nila rito para magpasalamat sa 'yo at tutulong din para sa simbahan."

"Naiiyak po ako sa saya, Sir ngayon na may halong lungkot nga lang dahil sa mga ibinalita mo sa akin. Yeah, I'm an orphan too pero kayo nila Nanay Aurora ang naging turing na magulang ko. Can I call you Tatay or Papa Joey?"

"Oo naman, 'nak. p'wedeng-p'wede. Alam mo naman na malakas ka sa akin lalo na kay Nanay Aurora mo."

"Salamat, Pa! At hindi napunta sa wala ang mga pinadala kong pera riyan para sa simbahan."

"Hayaan mo, tutulong din ako. Kapag mayroon naman ako, hindi naman ako maramot kapag mayroon ako, lahat ng pera ko, inipon ko muna 'yon para sa pag-alis mo papuntang America."

"Pareho na po tayong nakatulong, Pa! Una, ikaw muna ang tumulong sa akin, tapos ngayon... ako naman."

"Oo Jin, kahit siraulo ka at tarantado, matino ka naman."

Royce Hemsworth: Ang Tito Kong Balikbayan (Boys Love) [Book 1: Complete Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon