Chapter 09: Foundation Day, Part 2

92 2 1
                                    

— AUTHOR POV

After call ng mag-tito ay nagtanong si Wynbelle kay Vincent.

Wynbelle: Girlfriend mo ’yong ka-call mo ‘no?

Zhai: Siraulo ka ba? E si Tito Royce niya ang ka-call niya sa labas.

Wynbelle: Ay sorry naman! AHAHAHA. Ito lang naman ako, lutang!

Elle: Hindi ko pa Vince nakikita Tito mo. Is he... handsome?

Vincent: Yeah.

Zhai: Gusto mo Tito ni Vincent, Elle ano? Yieee, ikaw ha?

Elle: Tinanong ko lang naman.

Zhai: Kamusta na pala siya, Vince? Hinahanap kasi siya ni Papa. Na-miss niya ’yong kumpare niya.

Vincent: Ayon, na-promote siya sa America, ’yon kasi ang wish ni Lolo Brandon sa kaniya na Daddy ni Tito na Lolo ko. Uuwi na raw sana siya sa Pinas this year, however....

Elle, Wynbelle, Zhai: Ano?

Vincent: Hindi pa raw siya pinapauwi ng Boss niya kasi umangat na ang position niya sa company na pinapasukan niya doon sa America.

Wynbelle: Nakakainggit naman pamilya mo, Bes. Baka naman!

Vincent: Baka naman ano?

Wynbelle: Pasalubong, AHAHAHA!

Vincent: Sira! Wala pa ngang padala si Tito Royce since last month pa. Baka this month, mayroon na. Bigyan ko kayo.

Zhai: Iyan ang gusto namin, pre.

Vincent: Oo, tapos magpapaalam ako sa bahay na doon muna tayo, sasabihin ko kay Mama for sleepover natin. Baka kasi magalit si Mama, maganda na ’yong nagpapaalam ako sa kaniya.

Elle: True, excited na ako na mangyari ’yan, Vince.

Wynbelle: Kaya nga, Bhie. Excited na kami sa bahay niyo, Bes.

Zhai: I’m excited.

Vincent: (Kinausap si Wynbelle) Balik tayo sa sinabi mo Bes. About sa pamilya namin... Uhm... well, we’re fine naman kila Lolo at Lola tapos kay Tito Royce. Nonetheless, sa side ng family ko is not okay.

Wynbelle: Bakit naman, Bes? Ano ba ang nangyari?

Vincent: Lumaki kasi akong walang sustento ng ama, pinalaki ako ni Mama na wala si Papa, kaya si Tito Royce ko ang tumatayong Daddy Uncle ko sa amin ni Mama. Should I say... he’s a breadwinner ng pamilya namin. Umiyak kasi ako that time noong 12 years old pa lang ako kasi paalis na si Tito Royce papuntang America. Kaya nag-aaral ako ng mabuti para kay Tito, kasi malaki ang utang na loob niya kay Mama, kay Lolo at Lola at pati na rin sa akin.

Zhai: You know, pre? Ganiyan din ang narinig ko kay Papa na nakausap niya si Mama noon na paalis na pala Tito mo papuntang America. Ka-work kasi ’yan ng Papa ko, mabait daw Tito Royce mo tapos sobrang sipag pa niya sa restaurant na pinapasukan nilang dalawa ni Papa before.

Habang nag-uusap sina Vincent at Zhai ay tulala lang sina Wynbelle at Elle dahil sa topic ng kaibigan nilang lalaki.

Elle: So... magkaibigan na rin ba kayo dati?

Vincent: Yeah. Since Grade six (6), classmate ko na siya.

Zhai: Oo, magkaklase na kami niyan ni Vincent, Elle.

Elle: Kaya pala.

         After one hour...

Nag-uusap lang ang apat ngayon, until na may dumating na teacher sa room na pinasukan nila.

Royce Hemsworth: Ang Tito Kong Balikbayan (Boys Love) [Book 1: Complete Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon