PANGATLONG araw ko na ngayun dito sa schoolna'to. At ganoon pa din ang mga ibang students. Ganoon pa din, kung maka tingin kulang nalang kaiinin ako. May iba naman na lumalapit at nakikipag usap, yun nga lang pag tumalikod na ay mag tatawan.
Buhay nga naman, may mga tao talagang fake. Katulad nalang ni Cassandra na nakipag kaibigan sakin. Kala siguro hindi ko mahahalata na fake lang ang ipinapakita niya.
Buti nalang hindi ako 'yong tipo ng tao na madaling maniwala. Lalo na kung bagong kakilala ko pa lang. Well trained, din kasi ako sa mga fake na tao, dahil minsan na din nangyari sakin yun nung nasa highschool palang ako dun sa dati kung pinapasukan. Kaya naman kerebells ko na ang mga ganong uri ng sitwasyon.
Anyways, tapos na pala ako sa klase ko for today's bidyow. At finally makakauwi na din ako ng maaga at makakapag pahinga.
Ang hirap kasing maging interior designer, pero ito talaga ang gusto ko dahil balang araw kapag nakapag tapos na ako gusto ko na ako ang mag design ng sarili kung bahay, 'yong naaayon sa gusto ko.
"Hey baboo," napalingon ako ng may magsalita. Nakita ko na naman si ethan, na nasa likuran ko na.
"Sino si baboo?" I asked, dahil wala naman akung nakikita na iba, kundi kaming dalawa lang.
"You,"
"Ako?" Tanong ko sabay turo sa sarili ko.
"Yeah, you."
"Baliw ka ba?" Parang tanga kasi, kalea pangalan ko tapis pinalitan ng baboo?
"That's my endearment for you,"
"Ah, okay, so kung ganun boboo nalang din ang itatawag ko sayo, para maiba naman." Saad ko. Tumawa lang ito at sumabay sakin maglakad.
Habang naglalakad kami ni Ethan, may napansin akung parang naka tingin sa'min, kaya naman lumingon ako pakaliwa. Nakita ko si ace sa may di kalatoluan na naka tayo habang madilim ang mga matang naka tingin sa'min.
"You know him?" Napabaling ako kay Ethan ng magsalita siya.
"Who?"
"The guy there," saad niya at ituro ang direksiyon ni ace.
"Yeah, his an engineering,"
"Engineering?"
"Paulit-ulit?" Iritadong sagot ko. Para naman kasi s'yang bingi.
"Ang init ng ulo mo always."
"Malamang, sino bang hindi iinit ang ulo kung ikaw ang kausap?" Saad ko at tinarayan s'ya. Ngumiti lang ang halimaw, na parang natutuwa pa.
"Pano ka pala uuwi ngayon?"
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap si Ethan. "Seriously?"
YOU ARE READING
ᴬᶜᵉˡ ᶠᵃʳⁱˢ ᴹᵒʳʳⁱˢᵒⁿ ˢᵉʳⁱᵉˢ #⁴ ⁽⚠️ ᴿ⁻🔞⁾ ᴼⁿ⁻ᵍᵒⁱⁿᵍ
Любовные романыAcel Faris ❤️ Kalea Sarafina. 💥💥💥 Note: I will start this story from college where Acel and kalea met. Yung bardagulan nila from college At kung paano ulit sila nagkita. #Dec 24, 2023 #Mature content