CHAPTER 10

221 13 2
                                    

"LADIES and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Cebu Pacific Air welcomes you to Manila

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"LADIES and Gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Cebu Pacific Air welcomes you to Manila. On behalf of your Flight Crew headed by Captain Selvister with First Officer Montano and the rest of the team, we thank you for choosing Cebu Pacific. Your Airline of Choice."

Nakahinga ako ng maluwag. Finally nakarating na din ako at p'wde ko na matawagan si papa at ang grandparents ko na alam kung ngayun ay nag-aalala na naman.

Para pa rin kasi akung grades school kung i-monitor eh. Pero gusto ko naman, dahil dun ko mas nakikita at nararamdaman kung gaano ako kahalaga sa kanila at kung gaano nila ako kamahal.

"Kuya, sa NRSM po." Sabi ko sa taxi driver ng makasakay ako.

Tumango ang driver at nag-umpisa ng mag drive. At dahil alam kung medyo malayo-kayo ang condo na tutuluyan ko ay naisipan ko na tawagan si papa.

"Ay, salamat anak at tumawag ka din." Bungad ni papa sa kabilang linya.

"Sumama ka nalang kasi dapat sa'kin." Biro ko.

"Sasama nga sana ako diba, pero ayaw mo." Halata sa boses nito ang pagtatampo.

Napag-usapan na kasi namin ni papa na kapag bumalik ako dito sa pilipinas ay hindi ko s'ya isasama dahil walang ibang mag babantay kay lolo and lola. May isang helper naman sila lola pero hindi ko pwedeng ipagkatiwala sa iba ang mga grandparents ko lalo na at ang trabaho ng helper ay ang mag linis at mag luto lang.

"Pa, promise po next time isasama ko na po kayo or di kaya sumunod kayo nila lolo and lola."

"Itatanong ko nalang sa lola mo kung gusto niya. Pero panigurado akung hindi s'ya papayag."

I know the reason kung bakit ayaw ng bumalik ni lola dito sa pilipinas kaya naman naiintindihan ko. Ako nga kung wala lang akung project baka wala ako ngayun dito.

"Bye pa, tell lola ang lolo na namimiss ko na agad sila."

"How about me? Hindi mo ba ako namimiss?"

'Hindi." Biro ko pa. "Joke lang, I miss you papa, bye." Saad ko at pinatay na ang tawag.

Pinikit ko ang mga nata ko, at hindi ko inaasahan na makakatulog ako sa byahe. Saka lang ako nagising nang marinig ko ang sinasabi ni kuyang driver na malapit na kami.

Ilang minuto lang ang lumipas ng makarating agad ako sa condo na tutuluyan ko. People accommodate me at hindi rin ako nag tagal sa receptionist. Agad nilang binigay ang floor ng condo ko kaya naman hind ako nahirapan.

"Finally, makakapag pahinga na din ako ng maayos." Bulong ko habang nililibot ang sa loob ng condo ko.

Hindi muna ako mag aayos ngayon. Siguro bukas na dahil medyo pagud pa ako sa byahe.

Naligo lang ako saglit at pinatoyo ang buhok ko bago ako humiga sa kama para matulog at magpa-hinga na.


××××××××××

IT WAS SEVEN at the evening ng magising ako. Kumukulo ang tyan ko sa guton kaya naman agad akung bumangon at pumunta sa kitchen para mag luto.

"Oh, great! Wala pa nga pala akung pagkain." Nasabi ko nalang sa sarili.

Oo nga pala at kakarating ko lang kaninang. Kaya malamang wala pa akung mga pagkain. Actually may offer naman ang NRSM about groceries pero dahil gusto ko ako ang bibili nang kakailanganin ay hindi na ako nag-abala pang mag sabi na need ko ng groceries pagdating. Gusto ko din kasi na ako ang mamimili kapag groceries and food ang pinag-uusapan.

Kinuha ko nalang ang phone ko and I decided to order nalang for my dinner dahil wala rin namang ibang paraan pa. Isa pa gutom na gutom na ako at kung mag gro-groceries pa ako ngayun baka himatayin ako sa daan. Wala rin akung kotse ngayun dahil bukas pa yun dadalhin dito kaya wala akung choice kundi ang mag order ng pagkain.

Scroll lang ako ng scroll sa sa mcdo app, hindi kasi ako makapili ng pwede kung kainin sa subrang dami ng nakikita ko.

"Arghhh! Ang hirap naman pumili!"

Ang hirap kasi talagang pumili. 'Yun bang gusto mo nalang bilhin lahat para hindi ka na mahirapan pa. Pero hindi pewde dahil baka masayang lang.

Napag-disisyonan ko nalang bumili ng burger and fries pati na din spaghetti. Bahala na. Basta ang importante ay makakain ako ngayun para makatulog ako mamaya.

Habang hinihintay kung dumating ang order ko, napag-disisyonan kung buksan ang isa sa mga luggage ko para mailagay ko na ang iba sa cabinet.

Dahan-dahan kung binubuksan ang luggage habang pakanta-kanta pa ako.

Isang sobre ang sumalubong sa mga mata ko ng mabuksan ko na ng tuluyan ang luggage.

"Ano to?" Bulong ko. Wala kasi akung maalala na nilagay na isang sobre o ano man. Puro damit at mga kailangan ko lang ang alam kung ipinasok ko dito.

Binuksan ko ang sobre. Pictures nila lola and lolo pati na din ni papa ang nakita ko. Ang sumunod ay ang isang nakatuping papel.

Apo, mamimiss kita. Mamimiss ka naming lahat. Pasensiya na kung nilagay ko 'to sa loob ng luggage mo. May gusto kasi akung ipaalala sayo na bagay kaso hindi ko magawa-gawa dahil palaging naka-bantay ang tatay mo. Anyway, apo, sinulat ko to para sabihin sayo na kapag lumandi ka na wag kang makakalimot na ipaalala sa lalandiin mo na bumili ng condom. Para hindi ka agad mabuntis. Proteksyon yun apo, sa mga hindi pa handang maging magulang. Kaya ikaw, ito ang paalala ko sayo. Okay lang na lumandi basta palaging may dalang condom.

From your beautiful and caring lola. ❤️ I love you apo! Wag mong kakalimutan ang bilin ko sayo okay?

Gusto ko nalang mapa-mura ng matapos kung basahin ang sulat kamay ni lola. Akala ko pa naman kung anong importante, about lang pala kung lalandi na ako.

"Haysstt! lola ko talaga walang magawa sa buhay!"

Ipinasok ko nalang ulit ang papel at inilagay iyon sa gilid bago ko tanggalin isa-isa ang mga damit ko. In-arrange ko ito sa cabinet hanggang sa matapos.

"Teka, bakit ang tagal ng order ko?" Subra thirty minutes na kasi pero wala pa-ring dumarating.

Kinuha ko ang phone ko at tiningnan ko ito.

"Tang*na!" Mura ko nalang ng makita kung canceled ang nakalagay.

Ano na ang kakainin ko ngayun? Gutom na gutom pa naman ako dahil hindi pa ako kumakain simula ng dumating ako.

"Kakanis naman! Makatulog na nga lang ulit!"

##########














You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ᴬᶜᵉˡ ᶠᵃʳⁱˢ ᴹᵒʳʳⁱˢᵒⁿ ˢᵉʳⁱᵉˢ #⁴ ⁽⚠️ ᴿ⁻🔞⁾ ᴼⁿ⁻ᵍᵒⁱⁿᵍ Where stories live. Discover now