Acel Faris ❤️ Kalea Sarafina.
💥💥💥
Note: I will start this story from college where Acel and kalea met. Yung bardagulan nila from college At kung paano ulit sila nagkita.
#Dec 24, 2023
#Mature content
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Eight year's later
"BESHY, sure ka bang uuwi ka na sa pilipinas?" Ask kyree, my forever bestfriend.
"Yes, kailangan eh,"
"When is your flight then?"
"Tomorrow."
"Bukas na agad? Tapos hindi mo manlang sinabi sakin ng maaga?!"
"Sorry na, biglaan din kasi eh." Saad ko ay yumakap sa kanya.
"Okay, sa bagay magkikita di naman tayo after one week." Saad niya habang naka yakap sakin.
Nandito kami ngayon sa isang coffee shop kasama ang gwapo kung ina-anak na anak niya. Kyree is a single mom, nakilala ko s'ya three years ago ng mag apply ako sa kompanya ni hanz nung nag uumpisa palang akung magtrabaho. Dun ko s'ya nakilala. Subrang bait at matulungin niya lalo na sa mga nangangailangan. She's a strong independent mom na kahit subrang busy niya ay hands on pa din s'ya sa anak niya. Mabait, maganda sexy and hard working. Lahat na yata ng hahanapin ng isang lalaki ay nasa kanya na. Kaya naman kapag naiisip ko ang kwento niya sa akin kung bakit s'ya naging single mom, ay gustong kung puntahan ang nanakit sa kanya at putulan ng ari para mag tanda.
"Tawagan mo ako pag nakarating ka na dun okay?"
"Don't worry, hindi pa lumalanding ang airplane tatawag na agad ako sayo." Saad ko na ikinatawa niya.
"We will miss you,"
"Ma-mimiss ko din kayo."
Nag-yakapan kami. akala mo naman hindi na kami magkikita e uuwi din naman sila sa pilipinas next week dahil dun din na naka assigned ang clients niya.
Pagkatapos naming magyakapan ay itinuloy na namin ang pag-uusap namin hnggang sa matapos kami at naisipan ng umuwi.
"Bye-bye mommy ninang, I will miss you po."
"I will miss you to. Wag kang magpapasaway kay mommy okay,?"
"I promise, po."
Ang cute cute talaga ng batang 'to, sarap angkinin eh.
Nagpa-alam na kami sa isa't-isa at sumakay sa kanya-kanyang sasakyan.
On the way home ay nakatanggap ako ng message kay papa. Ang sabi niya wag daw ako magpapagabi dahil daw dilikado sa daan. Natatawa nalang talaga ako. Lalo na sa lolo and lola ko na nakilala ko lang eight year's ago.
After nang nangyari noon ay agad kaming umalis ni papa. Ako ang nag udyok sa kanya na umalis na kami dahil ayuko na makita pa si papa na nahihirapan araw-araw. Buti nalang at nakinig sa'kin si papa. At ayun nga dito ako dinala ni papa sa italy. Nagtaka nga ako nun eh, kasi wala naman kaming pera. Pwro nagtiwala ako kay papa. At ayun dito ko nakilala ang mga magulang ni papa.
Simple lang ang buhay nila dito. May pang araw-araw na kinakain at masaya din sila lola and lolo. Lalo na nung araw na dumating kami ni papa. Sabi pa ni lola nun, "sa wakas makakasama ko na din ang apo ko ilang taon kung hindi nakita." 'Yun ang sabi ni lola ng araw na dumating kami. Panay pa ang iyak sa subrang tuwa.
Pure Filipino si lola, si lolo naman pure Italiano. Simpleng Italiano na nahulog sa lola ko. Sixty year's na silang magkasama at going strong pa din. Hindi katulad ng mama at papa ko.
Naputol ako sa pag-iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ang phone ko at agad iyon sinagut.
"Hello pa?"
"Saan ka na? Malapit ng mag gabi?"
"Papa naman, twenty minutes ka pa lang na nag message tapos gusto mong makarating ako agad d'yan?" Buro ko habang natatawa.
Hanggang ngayun kasi ay naka monitor ang oras ko. Naka monitor ako lagi kay papa. Pero mas malala si lola na halos kalbuhin ako nung time na sumama ako sa isang katrabaho ko na mag bar.
"Anong twenty minutes? Eh halos isang oras na yata ng mag text ako sayo eh."
Nag uulyanin na yata ang papa ko.
"PA, look at your phone. And then, mag timer ka ng ten minutes."
"Bakit?"
"Just do it nalang po papa." Saad ko habang natatawa.
"Okay." Saad ni papa, kaya naman nagpa alam na ako sa kanya.
Nagpatuloy ako sa pag dri-drive Hanggang sa makarating ako sa bahay five minutes before ten.
Lumabas ako sa sasakyan pagkatapos ko itong i-park. Pumasok ako sa bahay ng dahan-dahan. Nakita kung walang tao sa sala kaya naman naisipan kung dumeretso sa likod bahay kung saan ang small garden ni lola na favorite kung tambayan.
Nakita ko si papa, lola and lolo na parang nag aaway.
"Sabi darating s'ya ng ten minutes, pero tingna mo tong timer ko, malapit ng matapos pero hindi pa din dumadating ang anak ko." Saad ni papa na ikinatawa ng mahina.
Naisipan kung mag tago lang muna sa kinaruruunan ko habang nakikinig sa kanila.
"Baka naman kasi hinihigpitan mo ang apo ko,"
"Ma, hindi ko hinihigpitan ang anak ko. Nag aalala lang ako sa kanya."
"Hindi daw hinihigpitan, eh halos minu-minuto tinatawagan mo s'ya eh." Saad ni lola.
"Nagsalita ang hindi mahigpit!" Sagot naman ni papa.
"That's enough. Pareho lang kayung dalawa, kaya wag na kayong mag away." Saad naman ni lolo na ngayun lang sumingit sa usapan.
"What?" Tanong ni lolo ng tumingin si lola sa kanya.
"Paano magkaka-asawa ang alk natin kung palagi ninyo siyang minu-monitor kahit sa trabaho niya?" Saad ulit ni lolo.
Lumabas ako sa pinag-tataguan ko and said, "hello everyone! I'm home!" Sigaw ko na nagpa-lingon sa kanila ng sabay-sabay.
Lumapit ako sa kanila. Una kung hinalikan sa pisngi si lola sumunod naman si lolo at ang pang-huli ay ang daddy ko na naka simangot na ngayun na parang bata.
"May problema po ba papa?" Tanong ko sabay upo sa tabi niya.
"Sabi mo hindi ka magpapa-gabi, pero bakit late ka nang umuwi ngayon?"
"Nag stop na ba ang timer?" Umiling s'ya sa naging tanong ko.
"Ede hindi pa ako late," saad ko. Narinig ko ang malakas na pagtawa ng lolo ko kaya naman napatingin kami ni papa sa kanya. Ako naman ngayun at ang papa ko ang natawa sa nakita namin. Binatukan kasi ni lola si lolo na nag pa aray dito.
"Parang mga aso't pusa." Rinig kung sabi ni dad.
Yes, para paring mga teenagers ang lola at lolo ko. May isang pikon at may isang mapang-asar. Pero makikita mo sa mga mata ang kilos nila ang pagmamahal sa isa't-isa kahit ganun sila.
Iyun ang palagi kung nagugustuhan sa bahay na'to. Sila din ang naging dahilan kung bakit ako naka move on sa mga nangyari eight years ago. Because seing them happy makes me feel healed and complete. Lalo na kapag nakikita ko si papa na masaya.