Acel Faris ❤️ Kalea Sarafina.
💥💥💥
Note: I will start this story from college where Acel and kalea met. Yung bardagulan nila from college At kung paano ulit sila nagkita.
#Dec 24, 2023
#Mature content
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
"ANAK, pwede mo ba akung tulungan na isurpresa ang mama mo?"
"Para saan po?"
Nandito kami ni papa sa kitchen, kumakain ng agahan. Si mama nasa loob pa ng kwarto nila ni papa, pina una na kami ni mama dahil daw masama ang pakiramdam niya.
"Para sa anniversarya namin ng mana mo anak, nakalimutan mo na?"
Nanlaki ang mga mata ko. Oo nga pala, July na at dalawang araw nalang anniversary na nila. Shocks! bakit ko ba nakalimutan?
"Sure, pa. Ano bang klaseng surprise?"
"Gusto ko sana sa isang restaurants, matagal na kasi na hindi namin na e c-celebrate ng mama mo ang anniversarya namin kaya gusto kung especial ang ibigay ko sa kanya na celebrasyon."
Ang sweet talaga ng papa ko. Simula ng magka isip ako ni minsan hindi ko nakita na nawala ang pagmamahal niya sa mama ko.
"Sige pa, my ipon din po ako pwede po natin yun idag-dag incase lang po na magkulang ang budget niyo." Sabi ko at mgumiti sa kanya.
"Wag na anak, kaya ko na okay, may naitabi na ako para dun."
"Wow, naman pa, pinaghandaan mo talaga?"
"Syempre, dahil gusto kung maramdaman ulit ng mama mo na special pa rin s'ya, kahit na tumatanda na kami." May ngiti sa labi na sabi ni papa.
"Alam mo pa, kapag ako ready na sa pagpapamilya, pipiliin ko talaga yung katulad mo."
"Dapat lang, dahil hindi ako papayag na mapunta ka lang sa basta-basta na tao."
"Ay sus,"
"Pero ito ang tatandaan mo anak, kahit na gaano pa kabait at kahit gaano ka pa kamahal ng isang tao, darating at darating yung araw na magkakasala siya sayo or di naman kaya ikaw. Kaya dalat kapag dumating ang araw na yun, dapat maging handa ka."
"By experience ba yan pa?" Biro ko, na ikinatawa ni papa.
"Hindi ah. Sinasabi ko lang to para maging aware ka."
"Sana all, may pa aware aware na s'yang nalalaman." Saad ko sabay tawa ng malakas.
"Batukan kita, gusto mo?"
"Kahit naman, sabihin kung oo hindi mo gagawin."
Tumawa lang si papa. Tinuloy na naming kumain na dalawa.
Lord, thank you, dahil binigyan niyo ako ng isang amang mapagmahal at maalaga.
************
NANDITO na ako sa school ngayun, buti nalang at hindi pumasok ngayun ang asungot na sumisira ng araw ko.
Yung teacher namin, binigyan kami ng instructions para mag designed ng mga bagay na gusto namin. Kaya naman, ineenjoy ko ang moment na'to dahil dito ko gustong e designed ang dream house ko.