CHAPTER 5

313 0 0
                                    

"Baks." Paos na sabi ni Sky habang nakatitig pa rin sa mga mata ng binata. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari ngayon sakanya. Parang kailangan lang na lagi itong sumusulpot sulpot sa isip niya, ngayon nasa harapan na niya.

"Common I'll take you home. Where do you live?" Mahinahong sambit ng binata. Susubukan sana niya uli itong hawakan para alalayan ang dalaga ngunit umatras ito sakanya.

"No, don't touch me. Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ng dalaga. Hindi siya mapakali, para siyang kinakapos ng hininga at bumibigat ang pakiramdam niya. Sa tagal ng panahon na lumipas ngayon lang uli sila nagkita. Ano ba dapat ang naramdaman ko?

"Hey! Mali yang iniisip mo. Ihahatid na kita sainyo, nakainom kana." Pinipilit ng binata na pakalmahin ang sarili. She's still stubborn, nothing change!

"Tss. Kuya isa pa nga." Humingi pa ng isang shot ang dalaga at naupo uli sa stool dahil nakaramdam na naman siya ng pagkahilo. Ipinatong niya kaliwang siko sa counter at isinandal ang ulo sa mga kamay nito habang bahagyang minamasahe ito para mawala ang pagkahilo.

"I said stop it, Rose." Biglang inagaw niya ang basong hawak ng dalaga at diretsong tinungga ito.

"What the!" Pagalit na sabi ng dalaga. "Bakit na nang aagaw ka ng shot, ang sarap kaya nyan." Inis na sabi ng dalaga. Akmang hihingi pa ng isa ang dalaga ngunit nagulat ito sa malakas na pagtunog ng shot glass.

Malakas na ipinatong ng binata ang shot glass at dali daling hinubad ang suot na coat at ipinatong sa balikat ng dalaga bago hawakan ang kamay ng dalaga at hinila paalis ng bar area.

Sa sobrang bilis ng pangyayari ay hindi makareact ang dalaga. At nagpatianod nalang ito sa pagkakahawak ng kamay niya. Her mind was unable to think for a while because of his arm to her wrist.

Pilit na inaalis ng dalaga ang kamay na ng binata. He cleared his throat. "Who's with you, your boyfriend?Bakit mag-isa ka lang?" They stop at the parking lot in front of a white mustang.

"Bakit mo ba tinatanong, ano namang pake mo kung kasama ko boyfriend ko." Iwinaksi niya ang kamay dahilan para mapabitaw ito sakanya.

"Then contact him, you're drunk. He shouldn't allow you to drink alone."

Napaikot ng mata ang dalaga at nag crossarm sa harap nito. "Tss. Kasama ko si Luna kaso nasa langit pa siya eh, inaantay ko siyang bumaba."

"Huh? What do you mean?" Naguguluhang tanong ng binata. Nakipagtitigan ang dalaga sa mata ng binata at sinusubukang basahin ang nais ipahiwatig nito. "Wala. Oh, yung coat mo. Salamat! Diyan ka na nga."

Aalis na sana ang dalaga para hanapin si Luna kung saang parking lot ba siya tinitira ng ex niya ngunit bigla siyang hinila pabalik ng binata at ikulong sa mga bisig nito.

He leaned at the car hood and placed his hand side by side. "Ano ba, umalis ka nga dyan." Inis na sabi ng dalaga.

"Hindi ka dapat uminom ng ganong champagne, paano kung may mangyari sayo dyan. And please wear my jacket malalim na ang gabi at malamig na. Your body was so exposed." He kept staring at her face and he kept avoiding looking at her sexy curves and softness.

"Sino ka ba, tatay ba kita bakit binabawalan mo akong uminom? Saka hindi na ako nilalamig, ang init-init kaya kahit ganito suot ko."

"Tss. That's because you drink that kind of champagne... That champagne is different from ordinary. Nakailang shot ka ba ng champagne?" Napabuntong hininga ang binata dahil alam niyang nakarami ng nainom ang dalaga dahil sa ikinikilos nito.

Sky shrugged her shoulder at pakunwaring nagbilang sa daliri kung ilan ba ang naaalala niyang shot ang nainom niya habang nakatawa. "Basta madami na, masarap yung lasa eh." Sabay paypay ng muka gamit ang kamay dahil nakakaramdam ito ng init. Bakit ba ang init init ng paligid ngayon.

Miss ProbinsyanaWhere stories live. Discover now