"TARA Ma'am, ano bibilhin niyong lunch?" Teacher Janine asked them. Co-teacher of Ma'am Sky.
"Ulam nalang siguro." Teacher Rowena said.
"Samahan ko na kayo, may baun ako naman ako." Sky answered.
Pareho lang silang bagong teacher sa school nauna lang ng ilang araw si Ma'am Sky sa dalawa. Halos babae lahat ng teachers ng HS and SHS Dept. maliban kay Sir Francis na unang tingin ay aakalain mong bading pero may asawa't anak na pala ito. Silahis lang kung kumilos at manalita.
Halos taon taon bago ang teachers dito o minsan ilang buwan lang, tatlo lang ang talagang tumagal sa school na ito. Talagang nag tiis sila sa maliit na sahod.
Nang makabili na sila nang kanilang lunch ay bumalik na sila sa room kung saan sila kakain.
"Alam mo Ma'am, akala ko matagal ka ng nagtuturo dito or sa ibang schools kasi ang Professional ng dating mo, ganun kasi yung aura mo sa loob ng klase lalo na kapag nagtuturo ka, kapag nagsasalita ka sa harap ibang iba yung dating." Ani ni Ma'am Rowena.
I feel flattered naman, tologo ba? Walang halong kaplastikan yan Ma'am? Sabi nito sa isip.
"Oo nga Ma'am Sky, napatanong din ako sa isang teacher dito nung Friday, sabi bago ka lang din daw nauna ka lang ng ilang araw samin ni Ma'am Rowena pero ang galing mong humawak ng bata, ng klase sa room." Ma'am Janine said.
"Uy hindi naman, ganito lang talaga ako magturo at maghandle ng klase. Saka gusto ko prepared ako kahit papano pero thank you Ma'am." Nakangiti nitong sagot.
"Samantalang ako stress na stress, jusko hindi ko na alam kung tatagal pa ba ako dito. Ilang linggo palang ako pero parang pasuko na ako."
"Oo Ma'am, ako din. Iniisip ko ng umayaw. Ikaw ba Ma'am Sky?"
"Nahihirapan din naman ako saka na istress pero wala pa ako sa point na gusto ko ng umalis talaga, kasi kapag hindi ko ramdam yung pagod hirap ako makatulog." Kahit na mababa ang sahod gusto ko parin magturo lalo na nakikita ko yung mga bata sa simpleng instructions lang hindi na nila maintindihan.
Gusto ko kahit papano mag grow sila, matuto sila someday without confusing arguments and learnings. Kaya still want to teach, for me, iba pa rin yung feeling na nagtuturo ka.
"Minsan ganun din ako Ma'am. Pero kailangan magpatuloy dahil pataas ng pataas ang mga gastusin." Mahahalata mo talaga yung stress sa pagmumuka nila habang nagkukwento. Buti nalang pretty pa din ako kahit oras oras at araw araw sinusubok ang pasensya ko.
"Diba Ma'am, may online shop ka tas page, nakikita ko kasi sa mga post mo after kitang i-follow."
"Oo Ma'am Rowena, order kayo ha. Every Friday night lang ang live ko, Saturday confirming of orders and settlement of payments then Sunday yung delivery and yung sa mini blogs ko naman every Saturdays at Sundays lang ako nakaka pag-upload depende pa kung gaano kabusy."
Sa panahon ngayon ang hirap ng magrely sa iisang trabaho lang, lalo na kapag ang baba ng sahod mo sa isang buwan kaya kailangan mo pa ng ibang sidelines at side hassle dahil kulang na kulang 500 na pang noche buena sabi ng magaling na pipol na ginagawang village ang mga bukid.
Kaya simula noong nakakuha ako ng TES sa school namin, ginawa ko siyang puhunan sa ukay-ukay ko, hindi gaya ng ibang estudyante na One-time millionaire pagkatapos makakuha ng pera sa school.
Ako naman ay kumikita kahit kaunti pero sapat na, at sa mga video blogs ko sa ngayon ay wala pa akong sahod dahil kakasimula ko palang naman. 6 months since umpisahan ko siya at nangangapa pa talaga ako kahit ngayon lalo na at maliit lang ako resources ko sa buhay dahil ang sahod ko dito sa private ay 7k to 8k lang sa isang buwan. Asaan ang hustisya doon saming mga teacher diba?
YOU ARE READING
Miss Probinsyana
RomanceWARNING: SPG !! [R-18] NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. IT CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, SENSITIVE TOPICS, ADULT LANGUAGES, BAD HABITS, AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY. Read Accordingly and Responsibly! PROPER GUID...