"Gosh baka malate na naman ako." Bumangon na ang dalaga matapos tumunog ang pang limang alarm niya kahit antok na antok pa ito saka napatingin sa oras.
"Alas syete na, sabi ko alas singko y media ako gigising eh... Makaligo na nga." Dali dali itong nagtungo sa banyo at mabilisang naligo, mga 20 minutes.
Shocks late na naman ako, lagi namam, isang oras pa naman ang byahe. Pero dapat chill lang, pretty tayo eh.
Matapos nitong bumaba ng tricycle ay agad siyang sumakay sa mini bus at saktong papaalis na din ito.
"Kuya Osias po." Sagot nito at mayamaya ay inabot ang pamasahe.
Nang makababa ito sa Osias ay naglakad ito papunta sa sakayan ng jeep patungo sa location ng Review Center.
Pwew! 8:50 na at kanina nag start ang klase. Alarm alarm pa ng 5:30 late din naman gigising, kaka 5 minutes ko 9:00 am na naman tuloy ako nakapasok. Kaya dapat walang alarm sa phone eh, useless din. HAHAHA
Matapos nitong mag attendance ay pumasok na ito sa loob ng Function Hall at bumungad sakanya ang mga madlang pipol na nakaupo na akala mo'y nakikinig talaga lalo na mga nakaupo sa dulo na may mga pasimpleng nag cecellphone.
Hinanap niya ang mga bagong kaibigan niya na nakaupo sa fifth row right side na nakilala noong unang araw ng review. Akalain mong isang buwan na kaming magkatabi every weekends at may GC agad.
We hit the same vibes kaya kami nagkapalagayan ng loob agad. I guess so? Pero hindi ako kumbinsido kay Pauline eh. Iba ang nararadar ko sakanya pero dahil maganda tayo dapat marunong tayong makisama ng maayos. Mahirap kaya yung lonely sa panahon ngayon.
"Hiii! Si Abby wala pa?" Tanong nito nang makaupo.
"Wala pa, nasa byahe pa San Fernando pa daw." Sagot naman ni Rae Pauline.
Kakaupo palang ng dalaga ngunit sumasakit na ang ulo nito sa topic nila ngayong araw.
"Grabe ang lamig!" Sambit ng dalaga at napalingon naman ang katabing binata. Sa kakamadali ko nakalimutan ko tuloy yung jacket.
"Ang sakit na ng ulo ko." Sagot ng katabi nitong si Pauline.
"Same, walang pumapasok sa isip ko. Tapos ang lamig pa." Pag agree ng dalaga. Kahit na anong pag-intindi niya sa mga sinasabi ng lecturer ay wala talagang gustong magstay sa utak niya.
Aalis kaagad ng wala man lang paalam. Ay iba na pala yan, I mean yung lesson ha. Sige mag overthink ka dyan! Kasalanan mo yan.
Tumango naman ang kausap nito. Bago lumingon sa nakatapat na aircon sa area nila. "Nakababa kasi, ask natin si Sir JC palagyan natin ng tape pataas." Pautos na sambit nito at kinuha ang phone at sinabi sa ka-chat.
5th ROW - FRONT
2 girls - Pauline - Abby - Jo-Ann - Sky - JeremyMaya-maya ay dumating na ang katabi nitong si Abby at naupo sa bandang kaliwa ng dalaga. Ganun din si Sir JC na itinaas ang window ng aircon.
"SAAN kayo kakain Jeremy?" Her friend ask the man beside her. Hindi pa sila ganun ka close ng katabi nito sa bandang kanan niya. Ano ako feeling close uy, eh 3 session ko palang naman siyang nakakatabi since nag start ang review e. Kasi nung mga first to second weekends ay si Abby at Pauline muna ang kasama ko after nakilala namin siya dahil wala rin siyang kasama at nasa kabilang review center daw mga kaibigan niya.
Nakakausap ko lang siya kapag magsasagot na ng post-test, magtatanong ng sagot, ganun.
We are stranger to each other.
YOU ARE READING
Miss Probinsyana
Любовные романыWARNING: SPG !! [R-18] NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. IT CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, SENSITIVE TOPICS, ADULT LANGUAGES, BAD HABITS, AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY. Read Accordingly and Responsibly! PROPER GUID...