"Rose, ilan nakuha mo sa PreBoard?" Tanong ni Abby matapos naming nagcheck ng major.
"Syempre... bagsak." Sabi ko sabay tawa. Hindi man lang ako umabot sa 88 points na passing para makakuha ng 75 na GWA sa 150 items, 76 lang scores ko sa major. Grabe ngayon nagsisisi na ako bakit nagmajor in English ako. Sobrang hirap, iyak, pighati, depress ang lola niyo.
"Ako nga 66 lang nakuha ko sa major. Grabe na to." Natatawang sabi ni Jo-Ann. Kaming lima lang ang magkakasama ngayon at wala si Pauline.
Abby - Ako - Jo-Ann - Mary - Jeremy dito kami ngayon nakaupo sa bandang dulo dahil naunahan na kami sa dati naming pwesto at wala na yung early bird naming taga reserve ng chair na si Pauline tapos yung dalawa naman na laging katabi ni Pauline at nandun sa dati pa din nilang pwesto.
"Oh bakit malungkot itsura mo? Hindi ka naman bagsak sa lahat ng area." Sabi ko kay Abby ng mapansin kong nagtitipa siya sa iPhone niya.
"Diba hindi pumasok ngayon si Pauline tapos nakita ko yung myday ng kaklase ko na barkada din namin ni Pauline, ang sabi nag Civil Service Exam daw sila ngayon kasama si Pauline siya pa daw nag-aya sakanila, ito pa nga yung myday nung barkada ko." Ipinakita pa niya samin ni Jo-Ann ang myday na tinutukoy niya, wala rin sila Mary at Jeremy dahil break time ngayon.
"Tapos chinat ko si Pauline bakit hindi siya pumasok, tapos diba nga wala siyang chat sa GC natin tapos sabi niya nilalagnat pa siya, nagpaalam daw siya kay Sir Arvin na hindi makakapasok tapos sinabi niya daw yung reason." Mahinang sabi ni Abby.
Makikita mo sa mata niya na nasaktan siya sa ginawa ng tinuturing niyang kaibigan. Sabi ko na eh red flag talaga tong Pauline na to.
Kilala ka lang kapag may kailangan at kaibigan ka lang kapag may pakinabang.
Matagal ko na ring pansin na bida bida siya masyado sa lahat ng kwento niya, lagi din na kikisabat na 'ay ako rin ganito, 'magagalit kasi jowa ko, 'kayo nalang mauna umuwi tatapusin ko nalang yung session magagalit kasi jowa ko, 'uy guys wait itawid niyo ako hindi ako marunong tumawid... Eme siya, umiikot na ang mundo niya sa jowa niya? Yung jowa niya ba nagdedesisyon sa buhay niya? Sa 22 years of existence niya hindi pa ba siya nakakatawid ng mag-isa? Pabebe lang gusto lang ng atensyon.
"Hayaan mo sa second batch mag CSE din tayo, kahit na sa review session lang tayo nagkakilala hindi ko gagawin yung ginawa sayo nung beshyy mo. Ekis yung ganun, tulad ng shades score niya sa ProfEd at Major, namumula." Hinagod ko yung likod niya para pagaanin ang nararamdaman niya kung ano din siguro malulungkot at madidismaya kapag ginawa sakin ng kaibigan ko yun pero napaka swerte ko sa part na yun dahil walang ganun samin na ginagamit ang isa't isa.
Baka may mabira ako kapag merong nang backstab sakin. Prangka na kong prangka atleast alam mong totoo yung kaharap mo kesa sa ngitian ka ng abot sa tenga yun pala manggagamit.
Ang sabi nila kapag daw ganyan umakto yung tao either na hindi maayos ang pakikitungo ng pamilya nila o may hindi sila pagkakaunawaan dapat sa galit o hindi nasunod ang kagustuhan or ganyan na yung nakalakihan niyang environment kaya naghahanap siya ng atensyon sa iba dahil hindi nila naranasan yun noong bata pa sila hanggang lumaki na sila.
"Ako rin Rose, sabihan mo ako kung kelan ka magpa-file para sabay sabay na tayo. Nakakainis yung ganun tao, hayaan mo na Abby nandito naman kami ni Rose."
***
"ALAM mo Luna nakakainis ka, saan ka ba galing nung nakaraang linggo bakit wala ka sa parking ng resort?" reklamo ko habang humihigop ng mango graham shake. Libre niya pati itong cheesecake.Nandito kami ngayon sa food court ng SM at kakatapos lang ng review session namin at last day na namin kaya okay lang mag walwal at linggo naman bukas wala rin akong klase kaya forda go.
YOU ARE READING
Miss Probinsyana
RomanceWARNING: SPG !! [R-18] NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS AND SENSITIVE MINDS. IT CONTAINS GRAPHIC SEX SCENES, SENSITIVE TOPICS, ADULT LANGUAGES, BAD HABITS, AND SITUATION INTENDED FOR MATURE READERS ONLY. Read Accordingly and Responsibly! PROPER GUID...