CHAPTER 7

178 0 0
                                    

Sinalubong kami ng iba't ibang kulay ng mga ilaw, malalakas na tugtog at naghihiyawan na mga tao. Napadaan kami sa CR para sana mag retouch kaso may nakabook pala, hindi kami nainform. Sa may salamin pa niya tinitira yung babae na nagkalat na ang saplot sa sahig hindi mo rin maririnig ang ungol nila dahil sa lakas ng music meron ding naghahalikan sa sulok sulok.

Hindi na bago saakin itong galawan dahil ilang beses na din naman akong inaya ni Luna na magbar kaya parang normal nalang sa mga mata ko yung milagro nila. Sanaol nalang tayo gabi gabi nadidiligan.

Umakyat kami sa second floor ng bar papunta sa VIP room kung nasaan yung friend niyang rich kid kunno. Pumasok kami sa isang kwarto at bumulaga saamin ang tatlong pares ng animal na naghahalikan, tao pala sorry. Bigla silang tumigil sa ginagawa nila at lumingon saamin at biglang nagliwanag ang muka ng isang magandang babae at lumapit kay Luna para makipag beso beso, hmp plastic.

"Akala ko hindi kana darating Luna Bella." Nakita ko namang napangiwi ng patago si Luna ng banggitin ng magandang dilag ang pangalan niya. Natawa naman ako dahil ayaw na ayaw ni Luna na binabanggit ang second name niya, ang weird lang daw pakinggan kahit na maganda siya.

"Pwede bang hindi, Happy Birthday Elly... and I am with my bestfriend like what I've told you, by the way, Sky, this is Ellise Irish Dawson, Ellise this is Sky." Pakilala naman ni Luna saaming dalawa at lumapit saakin itong si Ellise para makipag beso beso, ganito ba talaga ang galawan ng mga rich kid.

"Hi Ellise Happy Birthday!" Nakangiti kong sabi

"Thank you and nice to meet you Sky, I like your name. Oh... these are my friends nga pala." Pinakilala niya saamin yung limang animal na nasa likuran niya at hindi ko inaasahan na magkikita uli kami ng taong pilit kong kinakalimutan. Argh!

Ipinakilala niya si Luke na kahalikan niya kanina, sa tabi naman ni Luke ay si Dwight habang may hawak na baso sa tabi naman niya ay yung kahalikan niyang si Kathy at sa tabi ni Kathy ay si Calista at ang kahalikan niyang si Gabrielle.

Nakatitig lang siya saakin habang nakaakbay kay Kalesa at nakangisi pa ang anim habang ako naman ay halos hindi na gumalaw sa kinakatayuan ko. Bakit parang ang daming friends ng lalaking to, teka pake ko ba?

"So let's party na? Let's go down na. We're just waiting for you." Nauna ng lumabas si Ellise at nagsunuran na rin ang mga disipolo niya at ang pinakahuli ay si Gabrielle bago kami ni Luna.

Kaklase pala ni Luna noong college siya si Ellise at naging kaibigan niya din ang bestfriend nitong si Kathy at nakilala daw nila si Calista dahil daw sa parents nila ni Ellise, kwento saakin ni Luna habang pababa kami ng hagdan.

Okay lang sagot ko. Need ko pa bang alamin yan? Kumuha pala ng tequila si Luna at inabot saakin ang isa. Okay inom na naman.

"Cheers!!" Malakas na hiyawan ng tao at itinaas ang baso. "Let's greet Happy Birthday our prettiest celebrant." Malakas na sigaw ng isang fafa na katabi ni Ellise ngayon. Ang poging bakla, shems. Sabay sabay na binati ng mga pipol si beerday girl at walang humpay na nag thank you bago bumalik sa mga pagpaparty. May ilang naghahalikan uli mayroon namang nasa getting to know each other pa, sus iyotan din mauuwi yan.

Naupo naman kami ni Luna sa bar counter dahil sumasakit na rin paa ko kakatayo. "Drinks Señorita?" Tanong ng bartender. Agad naman akong sinagi ni Luna.

"Pogi niya bii. Luluhuran." Mahinang bulong niya saakin at ang tingin niya ay dumako sa gitna nito.

"Ah yes please for two, yung maserayp." Pabebeng sabi ni Luna.

"Cumming Señorita." Sagot ng bartender na hindi inalis ang tingin kay Luna. Ode kayo na ang mag-usap dyan, iinom nalang ako. Ganito nalang ba ang buhay ko? Taga cheer nalang ba role ko sa buhay? Wala na bang ibang chismis dyan feeling ko nanghihina na ako dahil matagal tagal na rin akong hindi nakakasagap ng chismis. Hays!

Miss ProbinsyanaWhere stories live. Discover now