Chapter 6

295 15 0
                                    

HEAVEN'S POV

Nakangiting naglalakad ako papasok sa classroom at umupo sa tabi ni Selene.

"Ganda ng ngiti natin ah." Komento ni Selene. Inilabas ko naman ang notebook ko bago tumingin sa kanya na may ngiti pa rin sa mga labi ko.

"Enekebe, wala ito." Pabebe kong sabi na ikinatawa naming dalawa.

"Mukha kang in love, Ven." Pati siya ay nakangiti na rin. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya dahil hindi naman ako in love, masaya lang talaga ako.

"Iba talaga ang epekto ni Ma'am Hernandez sa'yo." Napapailing pa ito kaya hinampas ko siya sa braso. "Gaga ka, pinagsasabi mo riyan? Maganda lang talaga gising ko." Palusot ko rito.

"Ah talaga ba? Kaya pala simula kapahon noong nanggaling ka sa office ni ma'am ay para kang kiti-kiti na hindi mapakali at parang timang na nakangiti lang." I rolled my eyes because of what she said.

"Sabay tayong mag lunch later." Pag-iiba ko ng usapan.

"Bakit? Akala ko ba si Ma'am Hernandez ang kasabay mo?" Nagtataka nitong tanong.

"Required ba na lagi kaming magkasama mag lunch?"

"Ay tumaray ulit. Isipin mo na lang si ma'am para lagi ka ng nakangiti" Sabay tusok nito sa tagiliran ko kaya napa-iktad ako.

Hindi ko naman maitatanggi na dahil sa naging conversation namin ni ma'am kaya ako nakangiti parang kinilig ako noong hinayaan niya akong bigyan siya ng nickname feeling ko kasi ay close na kami.

"Ay ngumit na ulit. Tinamaan ka na talaga, Ven. Ayiieee!" Kiniliti naman niya ako ulit kaya natatawang umiwas ako. Hinihintay lang namin ang guro naming ngayon araw na si Ma'am Ramirez, sanay na kaming late ito dahil buntis siya. Nasa ganoong eksena kami ni Selene ng biglang tumahimik ang classroom kaya umayos naman kami ng upo at tumingin sa harap.

Halos mahigit ko ang hininga ko ng makilala kung sino ang taong naglalakad papuntang center table.

Halos mahigit ko ang hininga ko ng makilala kung sino ang taong naglalakad papuntang center table

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

There's no denying that this woman is stunning. She walks like she's on a runway, one hand holding a pen and the other a laptop. After she's finished placing her item on the table, she looks around, and a teasing smile appears on her lips as her gaze lands on me. She looked at me again after arcing her brows at the person next to me.

"Good morning, everyone. This semester, I will be your professor. My name is Stella Natividad." Samot saring reaction naman ang naging tugon ng mga kaklase ko ang iba ay nagtataka, nagulat, at natuwa.

"Ma'am Stella, nasaan po si Ma'am Ramirez?" Tanong ng kaklase kong lalake na laging bida-bida sa klaseng ito.

"I don't know and I don't care." Maikli nitong sagot. Ang tabas naman pala ng dila ng isang ito, magpinsan nga talaga sila ni ma'am.

HEAVEN LEIGH TURNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon