Chapter 9

264 13 3
                                    

HEAVEN'S POV

I was dozing when I felt someone poke my head.

"Ano ba! Kitang natutulog pa ang tao eh!" I said and hug the pillow tighter, ang bango kasi nito at nakaka-relax. Nagpalit na ba ako ng fabric conditioner o kay Imani ito?

Inis na bumangon ako at nilingon ang salarin dahil ayaw ako nito tigilan. "Naman eh! Sabing natutulog pa ang—M-ma'am Hernandez, b-bakit po kayo nandito?" I asked as soon as I sat down from laying at napahawak pa ako sa ulo ko habang tinitignan ang propesorang nasa harap ko. My head spun, what the hell happened?

"Good morning too, I am here because this is my house." She said as she placed the tray containing medicine and water in it.

Her house?! Dahil sa sinabi niya ay parang nawala ang sakit ng ulo ko at iginala ang paningin ko sa paligin. This bedroom has mix black walls with black-and-white furniture, decor, and textiles for a classic look.

"Ano pong nangyari kagabi? Paano po ako napunta rito? Nasaan po si Imani?" Natural  na tumaas ang kilay nito dahil sa sunod-sunod kong tanong. Kung ganito kaganda ang magta-taray sa akin araw-araw hindi ako magrereklamo.

"You passed out last night, and I don't know where to take you, which is why you ended up here. Take this." Inabot nito sa akin ang gamot at isang baso ng tubig.

"Thank you po, nasaan po si Imani?" Tanong ko ulit pagkatapos kong inumin ang gamot na binigay niya.

"I don't know." Maikling sagot nito bago tumayo at naglakad papuntang pinto. Lumingon ito sa akin bago magsalita ulit. "Take a shower first; I have extra clothing there." Turo nito sa nakatuping gamit na nakapatong sa study table. "Don't worry—those garments are unused—and come down to have breakfast before leaving, I'll drive you home." Iyon lang at sinara na nito ang pinto. Tumayo naman ako para puntahan ang gamit na sinabi niya, isang white baggy pants, white oversized shirt, and undergarments.

Kinuha ko na ang mga ito at pumasok na sa bathroom. Malinis ang loob nito at maaliwalas, mayroong bathtub at sa gilid nito ang shower, I think smart glass ang wall nito. May hindi gamit na toothbrush ang nakalapag sa lababo, I assumed para sa akin ito nakapatong ito sa puting towel. Mahilig ata si Ma'am ng white. Sinimulan ko na gawin ang dapat gawin at nakigamit na rin ng body wash at shampoo niya dahil wala akong makitang puwede kong gamitin. After I finished ay nagpunas lang ako bago isuot ang pinahiram nito sa akin.

Binuksan ko na ang pinto ng kuwarto kung saan ako natulog at unang bumungad sa akin ang maliit na hallway, may katabi pang kuwarto ang pinanggalingan ko, tingin ko ay dito natulog si ma'am. Two door room muna ang kailangan mong lampasan bago makita ang hagdan then another room naman sa kabila, pagbaba mo ay una mong masisilayan ang sofa set nito at makikita mo ang nasa labas. Glass house type ang bahay ni ma'am which is my type of house. Hindi ganoon kalakihan pero sapat na para sa isang tao lang, ang peaceful, I wonder saan ang garahe nito.

"You are already here, I was about to call you. Follow me." Muntik pa akong mapatalon sa gulat ng magsalita si Ma'am na nasa tabi ko na pala. Naglakad na ito papunta kung saan ata ang dinning area kaya sumunod na ako. Nakita kong may nakahain na sa mesa mayroong bacon, toasted bread, fried egg, fried rice, and hotdog napahawak ako sa tiyan ko dahil bigla ako nakaramdam ng gutom.

"Take a seat and eat." Utos nito kaya umupo ako sa katabi nitong upuan. Una kong kinuha ang fried rice nitong makulay. Oo, makulay dahil mayroon itong green pease, carrots and egg, sinunod ko naman bacon at fried egg.

"Easy, tiger. We are not in a rush." Nahihiyang nilapag ko ang plato na pinaglagyan ng fried egg dahil sa sinabi niya. Gusto ko pa sana kumuha nung hotdog kaso baka akalain nitong kasama ko ay patay gutom ako.

HEAVEN LEIGH TURNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon