Chapter 21

244 9 3
                                    

HEAVEN'S POV

Isang malakas na hiyawan ang tanging maririnig sa gilid ng dagat habang kasalukuyang ginaganap ang beach volleyball.

"B-E-A-T beat 'em!
B-U-S-T bust 'em!
Beat 'em, bust 'em, that's our custom!
Goooo 1st year!"

"3rd year for the win!"

"Go 1st year! Talunin ang 3rd year!

"1st year hindi magpapatalo! Go! Go! Go!"

"Selene ang ganda mo!"

"Ang galing ng baby koooo!"

Nakisigaw na rin kami ni Laticia kaya natatawang napapailing na lang si Selene sa amin. Hindi ko alam na 2 vs. 2 pala itong laro, ine-expect ko ay parang indoor game din at akala ko ay manonood lang kami kaya maaga kaming gumising para na rin suportahan ang year level namin pero hindi ko alam na kasali pala si Selene. Hindi na ako magtataka kung may sinalihan pa itong ibang event hindi naman din issue sa akin iyon since it's her choice naman kung ano ang ishe-share niya at ang hindi habang si Laticia ay may hawak na banner na kung saan may nakasulat na "Pakita mo kung sino ka, Selene." with hearts pa sa paligid natatawa na lang ako dahil halatang nag e-enjoy na ito.
Magaling maglaro si Selene hindi ko lang alam bakit ayaw sumali sa Volleyball team kapag tinatanong ko kasi ito ay tinatamad lang daw siya. Habang si Laticia ay hindi puwedeng sumali dahil hindi naman dapat siya nandito.

2nd set na at 19-18 ang score lamang ang 1st year, mainit ang laban dahil determinado ang mga ito na talunin ang higher level. Hindi rin maikakailang magagaling ang player ng lower level pero hindi naman kami magpapatalo.

Lower level ang mag se-serve kaya itinapon nito pataas ang bola ng marinig na pumito ang referee, malakas nitong pinalo ang bola pero mabilis itong sinalubong ng kakampi ni Selene halos mahigit ko ang hininga ko ng i-set ng kasama niya ang bola sa kanya dahil medyo malayo siya pero sakto lang ang talon nito at malakas na pinalo. Tumama iyon sa gilid ng linya, akala ng iba ay outside pero according sa referee ay inside kaya todo hiyawan na naman kami 19-19 na ang score kaya tumawag ng timeout ang first year.

Nakangiting lumapit sa amin si Selene kaya mabilis namin itong inabutan ng towel at tubig.

"Ang galing mo talaga." Papuri ko rito matapos nitong punasan ang pawis.

"Magaling ang players ng 1st year kaya nahihirapan kaming tapusin." Hinihingal nitong sabi sabay inom.

"Kaya mo iyan. Ikaw pa ba?" Hirit naman ni Laticia.

"Kiss mo'ko pag nanalo ako." Malanding saad ni Selene kay Laticia.

"Mamaya baka may mainggit." Sabay tingin ni Laticia sa akin kaya hindi ko maiwasang paikutin ang mata ko, kanina pa silang ganyan sa akin na akala mo may relasyon talaga. Kung iba ang makakakita at rinig sa kanila ay aakalain nilang may relasyon ang dalawang ito.

"Sabi kasing umamin na, ang arte pa." Babatuhin ko sana ito ng pumito ang referee indikasyon na tapos na ang time out.

Hindi ko rin nakita si ma'am ngayon, wala man lang text at wala na rin akong balita sa kasama nito sa kuwarto. Hindi ko nga alam kung umalis ba iyong babae o hindi at bakit ko ba iniisip iyon, ano naman kung magkasama sila? Bangungutin sana iyong babae tapos matakot si ma'am at tatakbo sa akin para yakapin ako.

"Stop losing yourself in your thoughts." A cold voice said.

"Good morning po, ma'am Stella." Bati ko rito ng makilala ko ang boses niya. Umupo ito sa tabi ko habang nakatingin sa kapatid nitong naglalaro.

"Will you watch later?" Tanong nito na hindi inaalis ang tingin sa harap.

"Volleyball boys po ba?" Umiling naman ito bago lumingon sa akin at ngumiti ng maliit.

HEAVEN LEIGH TURNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon