Chapter 13

270 9 3
                                    

HEAVEN'S POV

Maaga akong nagising dahil hindi na naman ako nakatulog ng maayos and same reason as before. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko at nakitang 4:30 am pa, tumayo ako at pumunta sa banyo para maghilamos.

Matapos maghilamos ay tinitigan ko ang itsura ko sa salamin, nangingitim ang mata ko indikasyon na kulang ako sa tulog kaya napabuntong hininga na lang ako.

Siguro ay mag ja-jogging muna ako since maaga pa, lumabas ako para kunin ang run short and sports bra at pumasok ulit sa banyo para magbihis, itinali ko rin ang buhok ko at kinuha sa drawer ng table ko na nasa gilid ng kama ang airpods. Alam kong tulog pa si Imani kaya hindi na ako nag-abalang gisingin siya dahil magagalit lang iyon pag naputol ang masarap na tulog nito.

Ini-stretch ko muna ang katawan ko bago i-play ang unang kantang napili ko, sinimulan ko muna sa paglalakad ng ilang hakbang bago simulang tumakbo. May mangilan-ilan akong nakakasabay ang iba ay kasama ang kaibigan o pamilya nila kaya binibilisan ko na lang ang pagtakbo kapag couple ang nakakasabayan ko, ayaw kong mawalan ng gana.

After about thirty minutes of running, I came upon an open bakery shop and stopped in to get some for breakfast. I'm sure Imani will enjoy this because she likes pastries. I carried a bottle of water to drink because I got thirsty while running, and I'm fortunate that I don't smell awful when sweating.

I jog back to the condominium as the sun begins to rise. Pipindutin ko na sana ang elevator ng makita ko si Ma'am Hernandez na tumatakbo papunta sa dereksyon ko kaya hinintay ko muna ito, habang papalapit ito ay malinaw kong nakikita ang suot niya. She's wearing a Sweaty Betty sports bra and running thighs with rubber shoes, and oh my goodness, she got an abs!

"Too early to drool, Ms. Turner." She said as she entered the elevator.

"Good morning po, ma'am." Not minding what she said. Pinindot ko na rin ang floor ko at sinabay ko na ang floor kung saan siya lalabas, umatras din ako at tumigil lang ng maramdaman ko ang lamig na galing sa elevator.

"Do you still want to drink that water?" she asked, staring at my reflection in the elevator, holding a bottled water.

"Hindi na po, ma'am." I answered.

"Can I have it? I'm thirsty." Lumapit ako sa kanya para pumantay at tumingin upang kumpirmahin kung seryoso ba siya. Nainuman ko na kasi ito eh.

Itinaas ko ang hawak kong tubig para ipakita sa kanyang kalahati na lang ang laman nito. "Ma'am, nainuman ko na po eh, tiisin niyo na lang po muna iyang uha---" Hindi ako nito pinatapos magsalita at kinuha ang hawak kong tubig at walang sabing ininom ito, inubos pa nga eh.

Maang na napatingin ako sa hawak kong lalagyan ng tubig ng inabot nito sa akin. Nakakatitig lang ako rito na parang hinihintay na bumalik iyong tubig na ininom niya kaya hindi ko namalayang bumukas ang elevator kung hindi lang siya nagsalita.

"The water I drank will not return to that bottle. We've already reached the fifth floor." Mabilis akong lumabas pero nakatayo pa rin sa tapat ni ma'am. Hindi pa rin nag si-sink in sa akin ang ginawa nitong pag-inom sa tubig ko.

"Thank you for the water; it tastes like chocolate." I noticed the side of her lips raise before the elevator closed. 

I touched my lip and remembered that I had applied lipgloss earlier, which is why my water tasted like chocolate. Nakangiting pumasok ako sa unit ko habang iniisip na nag-share kami ni ma'am ng tubig parang indirect kiss iyong nangyari. Bakit parang kinikilig ako?

Si ma'am kasi pereng tenge.

"Leigh para kang uod na binudburan ng asin diyan. May nangyari bang maganda sa'yo ngayon?"

HEAVEN LEIGH TURNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon