HEAVEN'S POV
"Kailan tayo mag pa-practice, Selene? Sa Monday na iyong event, wala pa rin tayong napipiling kanta." Naiinis na talaga ako, gusto ko manalo para mai-date si ma'am pero itong kaibigan ko parang wala lang sa kanya ang darating na event.
"Chill ka lang hindi pa naman sa Monday iyong singing contest. May apat na araw pa tayo, bukas na tayo mag practice, okay? Mga 9 am magkita tayong tatlo nila Cia sa mall." Sabi nito habang nginunguya ang kinakain nitong kwek-kwek.
"Wala ka bang sinalian, Cia?" Tanong ko kay Laticia na kumakain ng fishball.
"Wala, cheer ko na lang kayo. Supportive kasi ako." Sabi nito at kinuha ang isaw sa cellphane na lagayan nito.
Tama kayo ng nababasa, kasalukuyan kaming kumakain ng street foods at paborito ni Laticia ang isaw at fishball habang si Selene naman ay nilalayuan ang isaw. Tuwing naaalala raw nito na pinakain ko siya noon at sinabi ko ang dahilan ng nagpapasarap dito ay nasusuka siya hindi gaya ni Laticia na walang pake dahil masarap naman daw. How did we ended up eating street foods? Ganito kasi iyon.
Flashback
Nandito kami ngayon ni Selene sa lilim ng malaking puno sa gilid ng stadium ng school, isa ito sa magandang spot ng school dahil maraming puno ang nakapaligid na puwedeng tambayan ng mga studyante. Hinihintay namin si Laticia dahil hindi pa nito time, 10:30 pa naman kaya nag scroll na lang ako sa social media habang si Selene ay nagbabasa ng libro.
Nahanap ko na rin ang social media account ni ma'am pero wala akong makita dahil naka-private tapos hanggang ngayon din ay hindi pa ina-accept ni ma'am ang friend request ko.
"Hi miss." Napatingala ako sa lalakeng nakatayo sa harap ko habang kamot nito ang batok. Halatang nahihiya ito pero gwapo siya, amoy baby powder din.
"Hello." Sagot ko rito at napansin ko ring natigil si Selene sa pagbabasa at pinapanood kami. Tahimik lang ang isang ito pero sumbungera.
"I'm Edward." He extend his hand for a handshake, I gradually accept it.
"I'm Heaven."
"C-can I have your number?" Nahihiya ba siya?
Hoy! Ako lang ito. Don't be shy.
Hindi ako agad sumagot pero naghihintay ito habang nakalahad ang cellphone niya. Tumingin ako kay Selene para humingi ng tulong, ayoko ibigay dahil hindi naman ako call center agent o nagne-networking. Tinaasan lang ako ng kilay ng magaling kong kaibigan at ibinalik ang tingin sa librong binabasa.
Lord, kung para po ako kay ma'am Hernandez. Gawaan mo naman po ng paraan na mabaling sa iba ang atensyon ng lalaking ito. I said while crossing my two fingers.
Kung hindi sasagutin ni Lord ang hiling ko, itabi niya. Ako na papalit sa kanya para matupad ang hiling ko.
"Mister, can you help me with this." stated by a familiar voice kaya napatingin ako kay ma'am na may bitbit na libro.
Nagpapatulong siyang dalhin ang isang libro?
"Wait lang po ma'am, may hinihi---"
"Do it later; bring this to my office," she said, waiting patiently for the man to move and take the book from her. Bagsak ang balikat nitong sinunod ang utos ni ma'am at lumapit para kunin ang libro.
Tumingin naman sa akin si ma'am kaya ngumiti ako ng matamis dito.
"Hi, ma'am!" Magaliw kong bati pero inikutan lang niya ako ng mata at umalis kasama iyong lalake.
Okay lang, sanay naman ako eh.
"Selene, Heaven! Sorry late ako ang layo ng building ko rito eh." Napabaling naman ang tingin ko sa kakarating lang na si Laticia. Halatang tumakbo ito dahil hinihingal pa at may pawis pa sa noo. Lumapit naman sa kanya si Selene at pinunasan ang noo niya, isa ito sa ugali ni Selene na gusto ko. Maalaga siya sa kaibigan at clingy pero daig pa ang nanay kapag nagalit at nanermon.
BINABASA MO ANG
HEAVEN LEIGH TURNER
General Fiction[Professor × Student] Started: January 29, 2024 Finished: Language: English - Filipino THIS NOVEL IS INTENDED FOR LGBTQIA+ MEMBERS. IF YOU ARE NOT COMFORTABLE READING IT, PLEASE JUST SKIP IT. THANK YOU. Warning: The story contains offensive words...