"Geneva. You really took this seriously?" Amazed. Daisy walked towards me.
Binigyan ko siya ng isang matamis at malawak na ngiti. Alam ko. Who would thought... I ended up doing this.
"Welcome to back Astalier." bati ko bago niya ako sinalubong ng yakap.
Kumalas rin naman ito agad at manghang nilibot ang mata sa buong gallery. My own gallery.
Studio type but two thousand square meter, with white walls and wooden divisions. Artificial lights coming from the posts and ceiling elevating the whole place. I know. I also feel a bit overwhelmed.
"I already expected na hindi basta-basta ang ipapatayo mong gallery, but I didn't expect it to be this big." she looked at me, I could see how her eyes lit up, "You're one of a good artist, Geneva!" pabiro nitong tinapik ang braso ko.
I laughed at her. "Hindi naman naging ganoon kadali ang pagpapatayo, tinulungan rin ako nila Tatay. Tsaka lahat ng nasa exhibit, ilang taon kong ginawa."
"Oo nga! May nakita pa akong ginawa mo pa ata noong college ka. Magaling ka talaga! Bibili ako!"
I chuckled. "Mabuti naman, seventy percent ng kikitain dito mapupunta sa charity sa Herman." I held her arm and started dragging her. "Tara, ililibot kita."
Nagsimula na kaming maglakad. Daisy is one of my good friend when I started working, or maybe my only and closest friend. Marami naman akong naging kaibigan habang lumalaki, pero sadyang hindi mapipigilan ang pagbabago ng mundo kasabay ng mga tao.
Sometimes, people come and they also just go.
Kahit akala mo mananatili silang parte ng buhay mo, dahil naging malaki rin ang parte nila kahit papaano. Kapag nawala sila, at lumipas na ang panahon. Maiintindihan mong pwedeng naging parte sila, pero hindi hanggang dulo. At may mas malaki pang mundo na nag-aantay sa'yo. Kahit wala na sila.
You still need to get through it and continue living. That's how life is.
And I feel the most alive right now. I wandered my eyes and I couldn't help but smile again. My life is well, my relationship with God and my family is well, my career is well. I think I've reached that point in my life already.
"Iyon ba 'yong pini-paint mo sa studio nang madatnan kitang umiiyak? Ilang taon na 'yon? Five years ago?" walang prenong sambit ni Daisy habang turo-turo isang may kalakihang painting.
Halos takpan ko ang bibig niya dahil maraming tao at baka marinig siya. Kilala pa naman nila akong lahat dahil dito rin naman ako tumira buong buhay ko.
"Wag mo nang banggitin 'yon! Ako nga nakalimutan ko na." saway ko sa kanya.
Humagikgik siya. Usual, Daisy. Hindi pa rin nagbabago.Patuloy kami sa paglalakad at may mga nakakasalubong akong kilala ko o naging kaklase ko dati. Nahihiya lang siguro silang lumapit dahil may iba akong kasama. Nginingitian lang nila ako.
"Ilang taon simula noong una kang nakapunta dito?" I suddenly asked, dahil iyon din ang tagal ng huli naming pagkikita.
Nakakapit na ito sa braso ko. "Hmmm. Three?"
I gasped. "Tatlong taon na pala 'yon? Ang bilis talaga ng panahon."
"True. Alalang-alala pa nga ako sa'yo noon dahil parang wala ka nang---"
"Alam mo, mamili ka na ng mauuwi mo. Dapat hindi na kita tinatanong ng kung ano-ano." binitawa ko na siya, muntik ko pang takpan ang bibig niya.
I felt a little bit tense because of it.
Tumawa ito.
"Miss Geneva, someone wants to talk to you." lumapit sa akin si Orli, isa sa mga assistant ko.
YOU ARE READING
How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)
General FictionGeneva Constantina Ydielmo lived her life like a daydream. The peaceful side of youth everyone desired for. Dreamed for. But could it be more perfect if she met her prince? But what if the prince only shows up every summer vacation? Will her love en...