HIEWY 8
Nanginginig ang kamay kong pinindot ang notification. Pumunta ako sa profile ni Yosel upang siguraduhin na siya nga iyon. Napatakip ako ng bibig dahil hindi talaga makapaniwala.
Walang mapaglagyan ang ngiti ko nang i-accept ko ang friend request niya. Siya nga! Account niya nga iyon.
Ang likot ng pag-upo ko sa higaan dahil hindi ako mapakali. Bumalik ako sa profile niya at naka ramdam ng satisfaction nang mabasa ang 'friends' doon.
Friends na talaga kami.
Pinagmasdan ko pa iyon nang mapansin na wala kaming ibang mutual kundi sila Tita Ynesa at Tito Cielmo. Wala siyang friends sa facebook kahit isa sa mga kaklase ko. Ngumuso ako. Bakit kaya?
Hindi rin siya active. Kaya malamang hindi niya pa nakita na inaccept ko na siya.
Makalipas ang ilang minutong pagtitig sa cellphone ay iniwan ko muna 'yon at bumaba upang kumain ng hapunan. Tinawag na kasi ako ni Nanay.
Habang kumakain ay lumilipad ang isip ko. Hindi ko rin maitago ang mumunting ngiti kasi ngumunguya. Masaya lang talaga ako.
Nang matapos ako kumain at tumulong sa pagliligpit ay umakyat na ako para maligo at magbihis ng pantulog. Mga alas nyuwebe na nang makabalik ako ng kwarto. Umupo ako sa gilid ng kama at kinuha ang cellphone. Pinalobo ko ang pisngi nang walang makitang notification doon.
Pumunta ako sa messages at wala rin bago. Nakauwi na kaya sila? O baka nagpapahinga na? O kaya tulog na.
Ngunit natigil ang pagpapalobo ko ng pisngi at pagtatanong sa isip nang biglang lumabas ang profile niya at may green na bilog.
Active na siya!
Ang profile nito ay isang picture niyang side view ang kuha, medyo malayo rin iyon at halos silhouette nalang at sunset ang nasa likod. Para itong nasa gilid ng isang beach bay at halatang kuha sa ibang bansa. Polo na puti at beige na shorts lang rin ang suot niya tulad ng kaswal niyang mga porma.
Simple lang iyon ngunit biglang nabuhay ang dugo ko. Hindi ko alam kung ayos pa ba ako o normal ba ito, pero masaya talaga ako na nakikita ko siya kung kailan siya active o hindi.
Pakiramdam ko sobra na itong personal. Alam ko normal sa social media na kung sino-sino ang nagiging friends. Pero sa katulad ni Yosel na private sa internet, at isa ako sa mga friends niya ay pakiramdam ko mas malapit na talaga kami.
Parang masyado na itong personal para sa katulad ko. Sa posisyon ko sa buhay niya. Kaya masaya ako.
Ilang minuto pa akong nakatitig sa munting bilog ng profile niya. Wala na akong ibang inaasahan at masaya na ako. Kaya nang tumunog ang cellphone ko at nabasa ko ang natanggap na notification sa taas biglang kumarera ang puso ko.
Nanlaki ang mata ko at binasa agad 'yon.
Yosel Matienzo:
hey.
Napasinghap ako. Nananaginip na ata ako.
Pumikit ako at pinigilan ang mapatili. Tumikhim ako habang nag iisip ng isasagot. Nagtatambol pa rin ang puso ko.
Geneva Constantina:
hello, Yosel!
salamat sa pag add:)Kinagat ko ang ibabang labi. "Totoo ba 'to?" tanong ko sa sarili.
Lalong kuminang ang mata ko nang makitang typing na ito agad. Si Yosel talaga 'to! Si Yosel!
Yosel Matienzo:
YOU ARE READING
How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)
General FictionGeneva Constantina Ydielmo lived her life like a daydream. The peaceful side of youth everyone desired for. Dreamed for. But could it be more perfect if she met her prince? But what if the prince only shows up every summer vacation? Will her love en...