HIEWY 10
"O-Oo..." kusa nalang lumabas sa bibig ko, dahil nilapatan niya ako ng mariin ng tingin. Umiwas ako agad at binalik sa daan ang mata.
"Good." aniya.
Nakarating na kami sa Kubo Pansitan at saktong gutom na rin ako. Syempre pansit ang inorder namin, kumuha rin ako ng sweet and sour at halo-halo pang desert.
"May gusto ka pa ba?" tanong ko sa kanya habang nagbabasa ng menu.
Nakapwesto kami sa pang dalawahang mesa. Magkaharap at nasa medyo tago na pwesto. May bintana naman sa bandang likod niya kaya maliwanag, sa tabi namin ay ang pang maramihan na mesa. Katapat lang ng pinto papasok ng kainan.
Binasa rin nito ang hawak niyang menu at tahimik na umiling. "I'm fine. How about you?" balik niya sa akin at pinatong na ang menu sa mesa.
"Ayos na rin."
Tumango siya sa akin bago tumawag na waiter at siya na rin ang nagsabi ng mga napili namin. Pag-alis nito at hindi ko napigilan na magtanong ulit kay Yosel.
"Bakit mo nga pala naisipan kumain dito?" sumandal ako ng konti sa mesa.
"Para maiba lang,"
Pabirong tumaas ang kilay ko. Pakiramdam ko unti-unti nang lumalabas ang tunay kong kulay at kakulitan kay Yosel.
"Maiba? O nagustuhan mo talaga dati at gusto mo rin bumalik?" pang-aasar ko sa kanya. "Nagustuhan mo ang mga pagkain na sinabi ko. Ano?" natatawa kong tanong.
Tahimik niyang pinasada ang daliri sa ibabang labi habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi natutuwa sa pang-aasar ko pero hindi rin naman siya napipikon.
"Masarap naman talaga 'yon. At ilang beses na rin kami nakabalik nila Papa dito. Hindi ka lang kasama." sagot niya.
Nawala ang ngisi sa labi ko at natigilan. "Huh? Kailan?"
"Kapag umuuwi kami. Wala ka palagi o hindi ka talaga sumasama." bitterness was hinted on his tone.
Kumunot ang noo ko at napa-sandal sa upuan. "Totoo? Hindi ko maalala. Pero, pasensya. Nakabawi naman ako sa'yo kasama mo na ako ngayon dito." tugon ko.
I saw him twitch his eyebrow quickly at agad niya rin binawi. "Yeah... nandito ka na naman..." bulong nito ang umiwas ng tingin.
Ngumiti ako sa kanya.
Nagdatingan na rin ang mga pagkain namin at nagsimula na kaming kumain. Wala kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan tungkol sa buong taon ng isa't-isa.
"How's your first year of senior high?" tanong nito habang kumukuha ng ulam.
Ngumuso ako. "Ano pa bang hindi ko nasabi sa'yo?" sinubukan kong mag-isip. "Wala na ata. Nasasabi ko naman sa'yo ang mga mahahalaga."
Nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay nito at nagsilay ng ngisi sa labi niya.
Sumubo na ako ng pansit.
"Kahit ang mga hindi importante." turan niya.
Natigilan ako at napatingin ulit sa kanya.
"Ha?"
"Kahit ang mga hindi importante. Sabihin mo. Gusto kong malaman, Geneva." dugtong nito.
Bigla kong nalunok ang pansit sa bibig ko at hindi pa ako nakaka-recover ay binigyan niya na ako ng isang basong tubig. Kinuha ko iyon at iniinom agad. Pinaypayan ko ang sarili.
"So, tell me." kumuha ito ng ulam at inilagay sa plato ko bago tumingin sa akin. "How's your daily school experience?"
Hindi pa natapos sa pag gala-gala namin sa bayan ay mga yaya ni Yosel. Ngayong araw nga ay napagpasyahan namin na maligo sa dagat. Sa likod lang naman ng bahay kaya walang problema.
YOU ARE READING
How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)
Ficção GeralGeneva Constantina Ydielmo lived her life like a daydream. The peaceful side of youth everyone desired for. Dreamed for. But could it be more perfect if she met her prince? But what if the prince only shows up every summer vacation? Will her love en...