Chapter 3

72 2 1
                                    

HIEWY 3

Kinain niya nga ang pagkain na galing sa Kubo Pansitan. Totoo palang sa kanya iyon. Pakiramdam ko uminit ang pisngi ko nang mapagtantong muntik ko pa siyang awayin matapos kunin ang pagkain niya.

Sa hiya ko ay kumuha na lang ako ng gatas ng kalabaw at iyon na lang ang pang-laman tiyan ko. Hinayaan ko na siya na mag microwave ng mga pagkain at nauna nang umakyat sa taas.

Tinanong niya kung gusto ko ba pero naunahan na ako ng hiya kaya tumanggi nalang ako.

Tsaka mukhang labag din sa loob niyang kasabay ako kumain.

Ang pinagtataka ko lang, kumain ba siya ng pansit kanina? Hindi naman ah. Bakit siya nagpatake-out? Hindi niya pa naman natikman kung masarap.

Sa huli ay tumungo na lang ako sa kwarto at inubos ang gatas. Itinulog ko na lang ang kahihiyan at katanungan sa isip.

Bahala siya. Kainin niya kung anong gusto niyang kainin.

Lumipas ang mga araw at nanatili kaming ilap sa isat-isa. Gustuhin ko man na pakisamahan siya, ang hirap niyang kausap. Ramdam ko rin naman na parang ayaw niyang kasama ako.

Kaya nalalagi lang ako sa bayan o sa plaza. Sumasama kela Nanay sa pag gala kela Tita Ynesa. Minsan ay naiiwan si Yosel sa bahay dahil ayaw sumama, pero may mga pagkakataon naman na sumasama siya sa amin.

Naka isang linggo na sila dito. Bilang na bilang ko pa kung ilang beses kaming nag-usap ni Yosel.

Ngunit isang araw ay sinalubong ako ng hindi magandang balita. Alam kong madaling kumalat ang usap-usapan dito sa amin. Pero hindi ko inakala na aabot sa ganito.

Halos malaglag ang panga ko at hingal na hingal na tumungo sa pinto ng bahay. Naabutan kong nakatayo roon si Yosel, at sa harap niya ay naroon sila Aneva at Rina, malawak ang ngiti at ang iba pa naming mga kaibigan.

Ang nakakawindang pa, puro sila babae.

Taas-baba ang dibdib ko dahil sa biglaang pagtakbo. Kagigising ko lang at narinig ko kay Nanay na nandito sila Rina para bisitahin si Yosel!

Bakit hindi muna nila pinaalam sa akin?!

At sinong may sabing pwede nilang gawin ito? At ang aga-aga pa alas-osto palang ng umaga! Sino ang bibisita ng ganito kaaga?!

Bumaba ang mata ko sa hawak na mga libro nila Aneva. Lahat sila may dalang libro na kailan man hindi ko nakitang dinala nila sa school.

Bumaling ako ng tingin kay Yosel at wala akong makitang reaksyon sa mukha nito. Hindi ko tuloy mabasa kung natutuwa ba siyang sinugod ng mga kaklase ko dito, o naiinis dahil bigla nalang silang pumunta ng walang pasabi.

Basa pa ang buhok nito at halatang kakaligo lang. Suot ang simpleng puting t shirt and khaki shorts, nakapaloob ang dalawang kamay sa bulsa at kumakalat ang pabango sa paligid.

Umatras ako ng konti dahil nahiya sa itsura. Ni hindi ko naisip na magsuklay o maghilamos dahil sa gulat at pagmamadali.

"Good morning! Yosel! Geneva!" magiliw na bati ni Aneva, malapad pa rin ang ngiti katulad nila Rina.

Doon lang ata ako napansin ni Yosel na nakatayo sa gilid niya. Nilingon ako nito at ako ngayon ang hindi makatingin sa kanya. Nahihiya sa itsura. Tinuon ko ang mata sa mga kaibigan at sinamaan sila ng tingin. Ano ba kasing ginagawa nila dito?!

Palipat-lipat ang tingin sa amin ni Yosel. Naguguluhan siguro sa mga nangyayari.

"Anong ginagawa niyo dito?—-"

"Nice to meet you, Yosel! Kami nga pala ang mga bffs ni Geneva! Ako si Aneva, ito naman si Rina." putol sa akin ni Aneva at lumapit na kay Yosel. Mas lalong dumiin ang titig ko sa kanya. "Ito naman si Olivia! Tsaka si Yasmine!" turo niya pa sa iba naming mga kaklase.

How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)Where stories live. Discover now