Chapter 1

106 1 0
                                    

HIEWY 1

"Tay? Ba't po 'yan?"

Lumapit ako kay Tatay Emer, huminto sa tabi niya at nagmano. Kagagaling ko lang sa eskwelahan at pagbaba ko ng tricycle ay tumambad ito sa akin.

Hinarang ko ang kamay sa ulo upang matakpan ang mata sa sinag ng araw. Palubog na ito dahil hapon na. Naghahalo ang kulay kahel na langit sa ulap, tanda na magtatakipsilim na.

Sunod-sunod ang paglapag ng mga trabahador ng sako-sakong semento sa lupa. Sakay iyon ng isang truck elf, may pamilyar na pangalan ang nakatatak sa gilid ng malaking sasakyan. Kilala ko iyon. Ang pinaka malaking tindahan ng hardware na nagsusupply sa buong probinsya.

Ang pinagtataka ko ay bakit sila nagbababa ng mga gamit dito sa bahay?

Nilingon ako ni Tatay na abala sa pagmamasid sa ginagawa ng mga trabahador. "Para sa bahay. Balak naming palakihin ng Nanay mo." sagot nito at binalik muli ang atensyon doon.

Kumunot ang noo ko at pinaglaruan ang strap ng backpack ko. "Para saan po? Sakto naman ang bahay para sa ating tatlo."

Nagpamewang siya. "May makikituloy sa'tin simula sa darating na bakasyon."

Ibinaling ko ang ulo sa gilid at kuryusong tumingin kay Tatay. "May makikitira po? Dito talaga sila tutuloy sa atin?" bakas ang pagtataka at bigat sa tono ko.

Simula bata ako nasanay na akong walang kasama sa bahay. Si Nanay ay abala sa pagtitinda sa bayan, si Tatay ay laging lumalaot sa dagat. Kaya kapag walang pasok, palagi akong mag—isa sa bahay. Tahimik palagi. At gusto ko iyon, mas gusto kong ganoon.

Kaya ang may makikitira sa amin?

Hindi ko pa masyadong masync-in. Bakit hindi ko alam? Parang biglaan ata.

Tuloy-tuloy ang pagrereklamo ko sa utak nang sagutin muli ako ni Tatay at natawa. "Hindi literal na tutuloy dito anak. Tuwing bakasyon lang." humarap ito sa akin. "Simula sa bakasyon at mga susunod na bakasyon, ay uuwi sila rito." paglilinaw nito.

Pinagdikit ko ang dalawang labi at parang uminit ang pisngi. Sa paraan ng pananalita ko kanina, halatang ayaw ko ang sinabi ni Tatay. Nakakaguilty tuloy.

Bahagya itong natawa muli sa reaksyon ko at pabirong ginulo ang buhok ko.

"Sino po?" hindi ko pa rin napigilan ang pagtatanong.

"Kaibigan ko. Matalik na kaibigan."

Nagsalubong ang kilay ko. May iba pang kaibigan si Tatay na hindi taga Astalier? "Hindi taga rito? Hindi ko pa po nakikita?"

Umiling siya. "Galing siya ng Amerika. Doon ko siya nakilala noong nagtrabaho ako roon. Ngayon, umuwi na sila ng pamilya niya. At dito sila magbabakasyon, taon-taon."

Marahan akong napatango.

"Sige na, pumasok ka na sa loob ng bahay at magmerienda. Nagluto ang Nanay mo ng turon."

Inayos ko ang pagkakasuot ng bag sa balikat ko. "Sige po," nagsimula na akong maglakad paalis.

"Pakisabi maglabas rin ng turon at juice para sa mga kargador. Para makakain sila bago umalis." habol ni Tatay.

"Opo!" sigaw ko at tuluyan nang pumasok sa loob ng bahay.

Lumipas ang mga linggo at tuluyan na ngang pinarenovate ang bahay. Nalaman kong papagawa ng second floor kaya natuwa ako. Doon na raw ang lahat ng kwarto at magdaragdag pa ng dalawa. Mukhang malaki talaga ang magiging pagbabago sa bahay.

"Nay? Bakit apat na ang kwarto natin?" tanong ko isang gabi habang naghahapunan kami.

Nakapag pabuhos na kasi ng poste para sa second floor. Nagawa na rin ang flooring at ang rinig ko next week ay magpapartition na ng pader.

How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)Where stories live. Discover now