HIEWY 4
Buong bakasyon ay sa ganoon lang umikot ang buhay naming dalawa. Akala ko kahit papaano ay magiging maayos ang pakitungo namin sa isat-isa kapag tumagal, pero mali pala ako. Hanggang huling linggo nila. Huling araw bago umalis. Wala pa rin nangyari.
Hindi kami nag-uusap. Kapag kailangan lang. Uuwi na sila ng Maynila at doon titira pero hindi man lang kami naging magkaibigan sa loob ng dalawang buwan.
Nauna niya pang naging close ang mga kaibigan ko. Nagpalitan na nga ata sila ng number lahat.
Sa susunod sa bayan na lang sila mag-aral o sa may parke, wag dito sa bahay ko.
Nagising lang ako sa realidad nang biglang may kumatok sa pinto ko at binuksan iyon. "Geneva, paalis na sila. Bumaba ka muna." tawag sa akin ni Nanay.
Ngayong gabi na ang alis na pabalik ng Maynila. Gabi raw para iwas traffic. Kailangan na rin kasi magpaenroll doon ni Yosel kaya dapat na talaga silang umuwi.
Nakalabas na ako ng kwarto at naka-pantulog na. Akala ko nasa baba na sila lahat kaya hindi ko inasahan na sabay kaming lumabas sa kwarto namin ni Yosel.
Bumaba ang mata ko sa hawak nito at nakitang may dala-dala pa siyang duffle bag na puno ng laman. Mga damit siguro.
Nakita niya ang pasimpleng pagsulyap ko roon kaya sinundan niya kung saan ako nakatingin.
"Mga padala nila Rina at Aneva. Mga delicacies dito. Pinapadala sa akin sa Maynila." paliwanag niya kahit wala namang nagtatanong.
Aba't. Muntik nang tumaas ang kilay ko dahil bigla nalang siya nagsalita. Siya ang naunang nagbukas ng topic para sa aming dalawa.
At bigay nila Aneva? Kailan pa? Ni hindi ko alam na nanggaling na naman sila dito sa bahay. At ang dami niyan ah? Mauubos ba ni Yosel lahat 'yan?
Tumango na lang ako sa kanya at ibinukol ang dila sa loob ng pisngi. "Ah. Mabuti. Hindi mo makakalimutan ang mga pagkain sa Astalier. Masasarap 'yan." kahit walang gana ay pinilit ko pa rin na sumagot. Ayoko naman maging bastos.
Binasa nito ang ibabang labi habang marahan akong pinapanood. "I won't forget about the foods and how they taste. Great people introduced great foods to me. I will never forget." sagot nito.
Napa-awang ang labi ko ngunit nauna na siyang nagsalita ulit. "At babalik rin naman ako dito next year." he chuckled playfully.
Tumaas pa ang gilid ng labi nito at mapaglaro ang mata. Natigilan ako sa nakita at parang nahugot ang hininga.
Ngumisi ba siya? Tumawa? Nagbiro sa akin?
Ngayon pa? Ngayon pa talaga kung kailan aalis na sila?!
Nanahimik ito nang hindi ako sumagot. Humigpit ang hawak ko sa doorknob at bahagyang umatras. When I gathered my senses sumagot na ako.
"O-Oo naman... babalik ka pa naman." halos kagatin ako ang dila sa nasabi.
Lalong lumawak ang ngisi nito. Mapungay ang mata banayad na pumasada sa akin.
"B-Baka hinahanap ka na." pag-iiba ko.
He sucked his teeth and nodded. Naglakad na rin ito paalis kaya sumunod na lang ako sa likod niya.
Nag-aantay na sila Tita at Tito Cielmo sa labas at nakahanda na rin ang sasakyan nila. Si Yosel na lang ang hinihintay.
Nilagay ni Nanay ang dalawang kamay sa balikat ko, sa tabi naman namin si Tatay.
"Maraming salamat sa pagtanggap! Napakabait niyong mag asawa!" pasasalamat ni Tita Ynesa.
Natawa si Nanay.
YOU ARE READING
How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)
General FictionGeneva Constantina Ydielmo lived her life like a daydream. The peaceful side of youth everyone desired for. Dreamed for. But could it be more perfect if she met her prince? But what if the prince only shows up every summer vacation? Will her love en...