Chapter 2

55 2 0
                                    

HIEWY 2

Mabilis na kumalat ang usap-usapan na may balikbayan nga na dumating sa bahay. Dahil probinsya ito, hindi na nakakagulat ang pagkalat ng sabi-sabi sa paligid.

Panay rin ang tanong sa akin kapag bumibili ako sa tindahan o nasa bayan ako.


Mayaman daw ba ang bisita ni Tatay.

American citizen daw ba sila.

Dito na ba sila titira.

At ang gwapo daw ng anak nila.


Sus. Hindi pa nga ata nila nakita. Nagpapaniwala na sila sa sabi-sabi.

Hindi ko na lang pinapatulan at tipid lang ang sinasagot ko. Dahil sigurado pag may sinabi ako, madadagdagan lang ang chismis at baka mapunta pa sa hindi maganda. Inutusan lang ako ni Nanay na bumili ng pangsahog na gulay, dahil iyon daw ang hapunan namin mamayang gabi.

Hinahanap-hanap daw kasi ng mag asawang de Montejo ang filipino na luto. Tumira naman sila sa Maynila nang nakarating sila galing Amerika, pero iba pa rin pag lutong bahay.

"Para po," saad ko sa tricycle driver nang makarating na kami sa harap ng gate.

Binigay ko na ang bayad at isa-isahan nilabas ang mga supot na dala. May pang chapsuey kasi, pakbet at manok pati baboy na pang sahog doon.

Kaya marami-rami akong dala. Hindi naman mabigat, marami lang talagang supot.

"Kaya mo na ba? Geneva?" tanong ni Manong driver. Kilala niya na ako dahil sila-sila lang rin naman ang nasasakyan ko tuwing papasok, kaibigan rin ni Tatay.

Tumango ako dito nang makuha ko na lahat. "Opo. Kaya ko ito." tugon ko.

Tumango na lang rin ito sa akin at umalis na, hindi pa ako nakakapasok sa gate ng bahay ay may humablot na ng iba kong dala.

Nagulat ako nang bigla nalang sumulpot sa harap ko si Rina. Nanlaki ang mata ko at hinayaan siyang kunin ang supot sa kamay ko. Bumaba ang tingin ko sa suot niya, naka jersey ito na may puting t shirt sa loob at jersey shorts rin. Mukhang galing na naman nag basketball sa plaza.

"Dami nito ah? Magpapakain ba kayo para sa bisita niyo?" kaswal na tanong nito at nauna pang naglakad sa akin papasok.

Sinundan ko nalang siya dala ang ibang supot sa kamay. "Oo. Bakit ka nandito? May laro ba kayo? Tapos na?" usisa ko.

Nakapasok na kami sa bakuran.

"Wala. Ang boring lang kaya naisipan ko maglaro. Naglalakad na ako pauwi nang makita kitang hirap na hirap ilabas 'tong mga pinamili mo." sagot nito at tumuloy na rin kami sa loob ng bahay.

"Wow," manghang sambit nito nang makita niya ang pagbabago sa loob ng bahay.

Sa labas palang kasi sila nakaabot ni Aneva noong nakaraang araw. Ngayon lang siya naka pasok sa loob. Ipinatong ko na ang mga supot sa tiles na counter. Hindi naman siya island counter tulad ng sa mayayaman, pero malaki rin at malinis tignan.

"Gara ng bahay niyo Geneva! Parang bahay ng Mayor!"

Puri nito at nilapag na rin ang dala sa counter. Sumandal ako doon at umiling-iling na lang.

Ginala pa nito ang mata. "Aba may chandelier pa!" turo nito sa naka sabit na ilaw sa may dining.

"Malaking ilaw lang 'yan!" depensa ko.

"Ganun na rin 'yon! Pa-humble ka pa diyan! Ayos ang ipon nila Tatay Emer ah, napaganda ang bahay niyo." lumapit ito sa ref at binuksan iyon, parang may hinahanap.

How I Ended Up With You (To the Dreams of my Youth Series 1)Where stories live. Discover now