CHAPTER 1: Welcome Back

1.2K 28 30
                                    

SIERRA'S POV

Napatigil ako sa aking iniisip ng magring ang cellphone ko at nakitang si Lolo Geron pala ang tumatawag.

"Hello Lolo, napatawag kayo?" -Ako

"Iha? Kailan ka uuwi dito? Miss na kita. Wala ng nag-aalaga sa akin dito. Please naman oh umuwi ka na." Napabuntong hininga nalang ako kasi lage nalang ito ang sinasabi ni Lolo pagtumatawag ito sa akin.

"Uuwi naman po talaga ako, may inaasikaso lang po ako dito tapos uuwi rin ako diyan."

"Talaga iha? Basta ha umuwi ka, okay? Kasi nababagot na ako dito kasama ang mga katulong."-Lolo G

"Opo lolo, uuwi po ako diyan. Sige po."

"Sige iha. Bye."

Ibinaba ko na ang cellphone at napabuntong hininga ulit. Dalawang taon narin simula noong umalis ako sa mansion. Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na kami nagkikita ni Blayde kasi umiiwas na ako. Hindi rin nagtagal ay umalis si Blayde papuntang States. Pinigilan pa nga siya ni Lolo G pero hindi rin nagpapigil kasi doon daw gusto nitong magpatuloy sa pag-aaral. Pagkatapos naming grumadwet ni Monica ay umalis na rin ito sa puder ni Lolo at nagtrabaho sa isang kumpanya dito sa Maynila. At ako? Ako lang naman ang naiwan na kasama ni Lolo pero hindi rin nagtagal ay kinailangan ko na ring umalis para dito sa trabaho ko. I'm a full time writer ng isang publishing house, kaso nagkaproblema kami kaya dito muna ako nagstay pero dahil natagalan ako at nagustohan ko ang pagstay dito kaya umabot ito ng dalawang taon. Kaya ito, kinukulit na ako ni Lolo kasi ang pinangako ko dito bago ako umalis ay dalawang taon lang ako aalis at uuwi rin.

Wala namang problema kung umuwi ako dahil narin sa wala na doon si Blayde kaya okay lang. Hindi ko rin kayang iwan si Lolo kasi malaki ang utang na loob ko sa kanya. May ipapasa nalang akong isang manuscript para sa libro kung ipapublish at pagkatapos 'non ay uuwi na ako sa mansion.

"Very good Sierra, hindi talaga ako nagkamali ng kunin kitang writer." Masayang sabi ng editor-in-chief niya.

"Thank you Ms. Carbonel"

"No, thank you Ms. Guzman, you really did a good job. And because of that, I will grant you your request na hindi na pumasok at sa bahay nalang gumawa ng mga susulatin mo. You deserve it."

"Thank you so much Ma'am." Masaya at abot tenga ang ngiti ko ng lumabas ako sa opisina ng boss ko. Atlast, nagbunga narin ang pinaghirapan ko noon pa. Hindi rin nasayang ang pinag-aralan ko. After I graduated in college ay naghanap na ako ng pwedeng pagtrabahoan at luckily ay may kakilala si Monica kaya natulongan niya ako.

Pag-uwi ko sa bahay na inuupahan ko ay agad kong tinawagan si Monica na alam kong busy ito ngayon dahil malapit na silang ikasal ni Roy. Twenty-three na ito kaya hindi na rin masama kung magsesettle down narin ito.

"Hello Nic, may good news ako sa iyo." Masaya kong bungad dito.

"Oh Sierra, ano ang good news mo? Masayang masaya ka ata ah?"

"Nic, approve na iyong pangsampu kong book at sooner ay ipapublish na ito sa RXPH."

"Wow! Congrats Sie! Excited na ako diyan alam mo naman na may collection ako sa lahat ng libro mo diba? Balitaan mo ko kung napublish na ito ha?"

"Of course, ikaw ang unang-una kong sasabihan. By the way, kailan ang kasal ninyo ni Roy?"

"Naku, wala pang exact date kaya hindi ko pa alam. Sasabihan nalang kita ha? Basta ikaw ang maid-of-honor ko. Alam mo naman na ikaw na ang naging Ate ko simula pa noon."

"Oo naman, congrats sa inyo ni Roy. I'm so happy for the both of you."

"Thank you Sie. Sige chika na tayo later ha? May date pa kasi kami ni Papa Roy eh. Hahaha. Bye Sie."

Wishing You Could See Me (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon