BLAYDE'S POV
I was busy reading the newspaper when an article caught my attention. It was about Monica.
Famous photographer Monica Santilla is now getting married to her long-time boyfriend Roy Salazar.
So sila pa nga hanggang ngayon. Two years ago ay ipinaalam ko dito ang nararamdaman ko pero sa kasamaang palad, inlove na pala ito kay Roy. Monica was my first love, the first time I saw her when Lolo G took her home was the same day I fell for her. It was a love at first thing. But, I was hurt back then for what happened between us that's why I decided to go to States and finish my studies there. I took up Business Administration and I graduated with honors. Two years din akong nawala dahil doon ko talaga tinapos ang dalawang taon ko sa kolehiyo. Hindi ko kasi kinaya na makita o makasalubong man lang si Monica dahil sobra talaga akong nasaktan.
After two years, here I am. Bumalik nga ako sa poder ni Lolo G at hindi ko inaasahan na uuwi rin pala si Sierra. Wala na kasi akong narinig tungkol dito pagkaalis ko o mas mabuting sabihin I never cared about her, not until now. Sierra was the exact opposite of Monica, maganda si Monica at Sierra okay lang, hindi naman siya panget o maganda. Tahimik na tao si Sierra while si Monica naman ay madaldal kaya mas nagkakasundo kaming dalawa. Mas una kong nakasama si Sierra dahil five years old palang ito ng kinupkop na ni Lolo G.
Si Sierra na ang naging personal maid ko dito sa bahay noon, lahat ng gusto kong gawin sa kanya ko pinapagawa, pero syempre hindi alam ni Lolo ang tungkol dito dahil alam kong magagalit ito sa akin at mas kakampihan pa si Sierra. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko kay Sierra dahil simula ng dumating ito sa buhay namin ni Lolo G may naging kahati na ako sa atensyon ni Lolo. Kasi mas napapansin nito si Sierra kaysa sa akin. Sa aming tatlo ni Monica dapat ako iyong mas lamang sa mata ni Lolo G pero iba eh, si Sierra ang naging paborito nito. Monica doesn't mind about it, she don't care if sino sa kanila ang mas paborito ni Lolo. Pero iba ako, I don't want to share what's mine.
Napahinto ako sa pag-iisip at marahang itiniklop ang newspaper ng makita ko si Sierra at Manang Helga na masayang nag-uusap papasok ng bahay.
"Naku Sierra iha, maganda iyang ideya mo. Siguradong maraming sasaya pag nakita ka nila ulit."
"Naku manang, ikaw talaga. Pupunta lang po ako doon para tumulong, wala kasi akong magawa dito sa bahay."
"Oo nga naman iha, kaysa sa magmukmok ka dito mabuti pa talaga at sumama ka sa akin. Namimiss ka na rin nila."
"Oo nga po manang. Namimiss ko na rin po sila." Nakangiting sabi ni Sierra. Where are they going? Nagdirediretso lang sila sa kusina at masayang lumabas si Sierra mula dito.
"Ahmm." I fake a cough para makuha ang atensyon nito at nagtagumpay ako dahil umangat ang tingin nito sa akin na nakatayo na sa paanan ng hagdan.
"Oh Blayde, ikaw pala."
"Yeah, by the way saan kayo pupunta ni Manang?" Nagulat ata ito sa pagtatanong niya kaya medyo nakabuka ang mga labi nito. I was tempted to stare at her lips kaya nakita kong namula ito.
"A-ah, yun ba? May feeding program kasi sa simbahan mamaya, kaya sasama ako kay manang para tumulong."
"What time?"
"Hmm.. around 11am ata."
"Ok... I'll come too." Kung nagulat ito kanina mas nagulat ito sa kanya.
"A-are you sure? Baka mahirapan ka lang doon."
"No I won't. Sabay na tayong pumunta doon."
"O-okay." Bakas parin ang gulat sa mukha nito pero nakangiti na ito ngayon.
BINABASA MO ANG
Wishing You Could See Me (On-hold)
Novela JuvenilAko yung unang nakilala niya pero iba ang gusto niya. Ako yung nandito pag may kailangan siya pero iba ang minahal niya. Ako yung unang nagsabi ng MAHAL KITA pero iba ang sinabihan niya ng MAHAL DIN KITA. Sabi nila masarap daw yung ikaw ang una sa...