Alam kong hindi niyo magets kung bakit naki-saybet pa ako sa love story nila Sierra at Blayde. At alam ko rin na wala ako sa posisyon para makisawsaw o kaya kahit na magkaroon ng sariling pananaw tungkol dito. Pero pagbigyan niyo nalang sana ako, alam niyo naman na may nakaraan din kami ni Sierra at close rin kami kaya ibigay niyo nalang to sa akin, ha?
Ako nga pala si Lailanie Martinez, ang dakilang kaibigan ni Sierra simula pa noon hanggang ngayon. Hindi rin kami totally magbestfriend, close friend siguro pwede na. High school palang kami eh magkasama na kami ni Sierra, dahil active rin ito sa simbahan at bahay ampunan na matagal ko ng sinusuportahan. Hindi ng pera kundi ng oras at panahon. Noon pa lang kasi eh lagi na talaga akong tambay sa simbahan. Pag hindi niyo ko nahanap sa bahay, isa lang talaga ang pwede kong puntahan maliban sa skwelahan at bahay. Yun ay ang simbahan.
Dito ko na kasi binubuhos ang oras ko pag wala akong ginagawa at hindi busy sa school works. Kung bakit? Syempre tumulong sa ibang tao. Tumulong kina sister at father. At saka, parte rin ng samahan ang mama ko kaya doon rin ito namamalagi minsan pag wala siyang trabaho sa mansion nila Don Geron.
Wee? Yun lang ba talaga ang rason mo kung bakit lagi ka nang nakatambay sa simbahan at tumutulong?
Oo sabi eh! Yun lang! Wala ng iba. Ano ba naman tong isip ko, may ibang iniisip.
Sinungaling ka talaga. Eh paano si crush mo? Hindi ba yun rason kung bakit lage ka sa simbahan?
Ha?! May crush pala ako? Di ko alam yun ah! Wala noh!
Sige pa. Ideny mo pa, magaling ka naman diyan eh.
Oo na! Dahil rin kay crush kaya ako lagi sa simbahan. Eh ano naman kung dahil sa kanya? Eh sa lagi rin siyang nasa simbahan eh kaya ayun, doon na rin ako. Mas maganda naman yun diba? Nakatulong ka na, makakasama mo pa yung tinitibok ng puso mo. Char lang. Hahahah!
Pero mukhang pareho kami ng status ni Sierra ngayon eh, malabo pa sa malabo. Yung mahal mo eh may mahal ng iba. Yung tipong nakatingin ka sa kanya pero siya nakatingin sa iba. Yung nakangiti siya sa'yo, pero akala mo sa'yo eh sa taong nasa likod mo pala. Hirap noh? Sobrang hirap nga.
Kung tatanungin ninyo kong sino ang tinutukoy ko, eh malamang siya na yung iniisip mo ngayon. Oo siya yun. Siya si Miguel dela Cruz. Kababata ko siya na kababata rin ni Sierra. Pero ang pinagkaiba lang eh mas matagal silang magkakilala ni Sierra kaysa sa akin. Simula pagkabata eh si Miguel na yung naging kalaro at kaaway ko. Oo hindi talaga mabubuo ang araw ko pag walang away na mangyayari sa aming dalawa.
Lagi ko siyang tinatarayan at inaaway, eh sa yun lang ang gusto kong gawin eh para naman mapansin niya ako. Simula kasi ng pumasok si Sierra sa school namin noong elementary eh hindi na kami masyadong nag-aaway ni Miguel kasi kaibigan niya na si Sierra. At itong si Miguel naman, parang aso na laging nakasunod kay Sierra. Kaya ayun, nagalit at nainis ako kay Sierra kaya hindi kami naging magkaibigan noon. Pero noong high school, nagka-chance na magkausap kami ni Sierra dahil sa group project at doon ko siya nakilala. Nawala yung inis ko noong nalaman kong gusto niya pala si Blayde yung lalaking may kulay green na mata, na apo ni Lolo Geron na umampon kay Sierra. Kaya mula noon naging magkaibigan na kami dahil sa pareho yung sitwasyon naming dalawa. Pero wag niyong ipaalam kay Sierra ha? Di pa kasi niya alam na may gusto ako sa kababata ko na obvious naman na siya yung gusto.
Hindi naman lingid sa kaalaman ko na mahal ni Miguel si Sierra. Mahal? Oo. Mahal niya hindi na niya crush. Ang masaklap pa nun eh, yung may isang araw na himalang himala talaga dahil hindi niya ako inaway at may sasabihin daw siya. At ako naman na si asyumera, biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil akala ko magtatapat na siya sa akin, na sasabihin na niyang may gusto rin siya sa akin.
"Lai? Pwede ba kitang makausap?" biglang bumilis yung tibok ng puso ko dahil mukhang seryoso ngayon si Miguel. Nandito kami sa labas ng simbahan at nakaupo lang kami dito ng magsalita ito.
"H-ha? E-eh, kanina pa nga tayong nag-uusap eh." Shit! Wag kang magpahalata Lanie!
"Matagal ko na kasing gustong aminin eh, pero hindi pa ako nagkakaroon ng lakas ng loob para sabihin." kung gaano kabilis ang tibok ng puso ko kanina eh mas dumoble, trumiple pa ngayon! Shit! Wag mong sabihing?! Oh my gosh!
"N-na ano?" tanong ko dito. Parang gusto ng lumabas ng puso ko dito sa katawan ko. Miguel bakit ka ba ganyan?!
"Gusto kong sabihin na..." tumingin ito sa akin. Na ano? Wag mo naman akong bitinin Miguel!
"Na..." Shit ka naman Miguel eh! Ano ba kasi.
"Na mahal ko na ata si ... Sierra." napaawang ang bibig ko sa narinig. Parang bumagsak yung langit sa akin dahil sa mga katagang binitawan nito.
Dalawang taon na ang nakalipas simula ng araw na yun. At yun ang araw na nalaman kong mahal na niya si Sierra at hindi na simpleng crush yung nararamdaman niya. Sobrang nasaktan ako noong time na yun pero mas pinili kong ngumiti at ipakita sa kanya na wala lang yun sa akin. Inasar ko lang ito para itago ang sakit na nararamdaman ko. Pero masakit pala talaga. Sobrang sakit na akala mo, may pag-asa na magustohan ka rin niya. Na ikaw yung mamahalin niya kasi ikaw yung mas nakakakilala sa kanya at unang nakilala niya. Pero hindi pala, kasi kahit gaano pa kayo katagal na magkakilala o magkasama, kung mas may lamang pa sayo. Talong talo ka na talaga.
Yung feeling na tinitingnan ko sa malayo si Miguel na nakatingin rin kay Sierra na nakatingin naman kay Blayde. Kailan kaya lilingon si Miguel sa akin? At kailan kaya lilingon si Blayde kay Sierra? Ano kaya ang mangyayari kung magkabaliktad ang mga pangyayari? Na kami na naman ni Sierra ang nakatingin sa malayo at sila ni Blayde naman ang nakatingin sa amin? Ang tanong, may pag-asa ba?
BINABASA MO ANG
Wishing You Could See Me (On-hold)
Novela JuvenilAko yung unang nakilala niya pero iba ang gusto niya. Ako yung nandito pag may kailangan siya pero iba ang minahal niya. Ako yung unang nagsabi ng MAHAL KITA pero iba ang sinabihan niya ng MAHAL DIN KITA. Sabi nila masarap daw yung ikaw ang una sa...