"Kahit kailan, hinding hindi kita mamahalin, kahit kailan, si Monica lang ang mamahalin ko. Kaya kalimutan mo nalang yang peste mong feelings para sa akin dahil kahit anong gawin mo, hindi ko nakikita na magiging girlfriend kita. Ikaw kasi yung klase ng babae na dapat ikahiya o kaya eh itago lang dahil ang panget mo. Kaya ka siguro iniwan ng mga magulang mo dahil ayaw nila sa'yo."
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip ko, naramdaman ko nalang na basang-basa yung mukha ko ng pawis at luha. Umiiyak na naman ako dahil kahit sa panaginip, binabalikan parin ako ng mga alaala noong gabing iyon. The night when Blayde broke my heart. Kahit naman ilang beses na akong sinaktan ni Blayde ng palihim ay iba parin yung sakit na natanggap ko ng gabing iyon. At ang gabing iyon, ay ang gabi ring minulat ko na ang aking mga mata sa realidad na kahit kailan ay hinding hindi talaga ako makikita ni Blayde, na isa lang akong hangin sa paningin niya at minsan kung napapansin naman niya ako ay isa lang din akong basura sa mga mata niya. He will never see me as me. Kaya after that night, I decided to forget my feelings for him, at laking pasasalamat ko dahil umaayon sa akin ang panahon, nagkahiwalay kami at iyon nakamove on ako dahil hindi na kami nagkikita. Pero iyon pala, mali na naman ako. Kung gaano ka mali na minahal ko si Blayde ay ganun din kamali na inakala kong wala na talaga, dahil noong nagkita kami kanina, doon ko napagtantong mahal ko parin pala siya.
Tumigil ako sa pag-iyak at sinipat ang labas mula sa bintana ko, gabi na pala medyo napasarap ata ang tulog ko dahil gabi na. Tiningnan ko ang orasan na nagsasabing alas syete na pala ng gabi, biglang tumunog ang tiyan ko, hindi pala ako nakapaglunch at snacks kaya nagpasya akong bumangon para magbihis at ng makakain nako sa baba. Nagbihis na ako ng isang pair ng blue pajamas na may design na si Baby Poof at Timmy ng Fairly Odd Parents na cartoon, napangiti ako dahil paborito ko talaga ito. I just tied my hair into a messy bun na may naiwan pang ilang hibla. Pagkatapos ko sa lahat ay bumaba na ako. Nadatnan ko sila Lolo G at Blayde na kakain pa, napalingon ang mga ito sa kanya ng maramdaman siguro nito ang presensya ko kaya ngumiti ako.
"O iha, gising ka na pala. Ipapagising na kasi sana kita kay manang, mabuti at nagising ka. Let's eat dahil marami ka pang dapat sabihin sa akin." Nakangiting turan ng matanda. Ngumiti rin ako dito at saka pumunta sa upuan na katapat ni Blayde. Hindi ko talaga siya sinulyapan pero alam kong tinitingnan niya ako.
"Sorry po Lo, medyo napasarap po kasi ang tulog ko. Napagod talaga ako sa byahe."
"Okay lang iyon iha, so how's life in Manila?"
Nagsimula na kaming kumain at si Blayde ay nanatiling tahimik lang.
"Okay lang po, at first nahirapan ako dahil iyon nga nagsisimula pa ako, pero later on ay nakaya ko rin and because of my hardwork ipapublish na rin iyong ika sampu kong libro."
"Wow! You really are great, and I'm so proud of you dahil malayo na ang narating mo sa buhay."
"And it's all because of you Lolo, kung hindi dahil sa'yo ay wala ako ngayon ditto at hindi ko maabot ang mga pangarap ko."
"Thank you iha, and ikaw Blayde? How's your life?" Bumaling ang matanda kay Blayde na tahimik lang na kumakain.
"It's fine." -Blayde
"Iyon lang ang sasabihin mo?"
"Yes." -Blayde
"Okay, opps. Before I forgot, aalis pala ako bukas. May pupuntahan ako sa Manila na amigo ko kaya kayo muna dito ha?"
Napatingin ako kay lolo at saka tumango lang. iyon din ang ginawa ni Blayde hanggang matapos kaming kumain.
"Mga apo, una na akong matulog sa inyo, maaga pa kasi ako bukas."
"Sige po Lo, good night po." At saka humalik ako sa pisngi nito.
"Good night." Ang iksi ng mga sinasambit ni Blayde, baka may problema ito. Hindi ko nalang pinansin at saka nagpasya akong pumunta sa garden para magpahangin. Pasado alas 9 pa naman at saka hindi pa ako inaantok dahil nakatulog ako kanina. Pagkalabas ko ay agad akong sinalubong ng malamig na hangin. Ang pajama top ko ay isang sexy spaghetti kaya ayun gininaw talaga ako. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig na namutawi sa balat ko.
BINABASA MO ANG
Wishing You Could See Me (On-hold)
Teen FictionAko yung unang nakilala niya pero iba ang gusto niya. Ako yung nandito pag may kailangan siya pero iba ang minahal niya. Ako yung unang nagsabi ng MAHAL KITA pero iba ang sinabihan niya ng MAHAL DIN KITA. Sabi nila masarap daw yung ikaw ang una sa...