CHAPTER 7: Playful Blayde

318 15 16
                                    

Naalimpungatan ako ng may maramdaman akong mainit na hininga sa bandang leeg ko at isang mabigat na bagay sa may tiyan ko. Hindi rin ako makamulat dahil sa bigat ng mga talukap ko, antok na antok pa kasi ako. Sinubukan kong alisin ang mabigat na bagay na yun na naging dahilan para mas lalong humigpit ang kapit ng taong nakayakap sa akin. Nakayakap?! Bigla akong napamulat sa ideyang may nakayakap sa akin. Tiningnan ko ang may-ari ng mga brasong nakapatong sa tiyan ko at mas lalong lumaki ang mga mata ko ng mapagtantong si Blayde pala ang katabi ko! Hindi parin ako nakagalaw dahil sa bigat ng braso nito, inilibot ko ang tingin at napansing nandito pala kami sa kwarto ni Blayde. Ipinikit ko ang mga mata at sinubukang alalahanin ang lahat ng nangyari. Nang maalala ko na ang kahihiyang ginawa ko kagabi ay nasapo ko nalang ang noo ko.

"Good morning babe." Tiningnan ko ang nakangiting mukha ni Blayde, namula ako sa pagtawag nito sa akin ng "babe", at dagdag pa yung nangyari kagabi. Iniwas ko amg tingin dito at akmang aalisin ko na ang mga braso niya.

"Ah-ah, where's my good morning too?" Nakangisi parin ito, kahit bagong gising ay ang gwapo parin nito. Bagay na bagay talaga dito ang puting kulay dahil maputi rin ito. At yung mga berdeng mata niya na kung titingnan mo ay maiinlove ka talaga. Sa lahat ng parte ng mukha ni Blayde ay ang mga mata nito ang pinakagusto ko.

"Are you done?" Shit! Namula na naman ako dahil hindi ko namalayang nakatitig na pala ako dito.

"G-good morning din." Ganting bati ko dito at saka iniwas ang tingin.

"You're blushing babe. Hahaha" napatingin ulit ako dito dahil ngayon ko pa ulit ito nakitang tumawa.

"N-no! I-im not! Bitiwan mo na ako. I need to get up, baka nakauwi na rin si Lolo." Sinubukan ko na namang kumawala sa mga bisig nito at nagtagumpay nga ako. Bumangon narin ito at tumatawa pa. Bakit parang nanghihinayang ako? Bakit gusto ko ang ideyang nakapulupot lang ang mga bisig ni Blayde sa'kin?

"Hindi pa uuwi si Lolo G." Natatawa parin itong pumasok sa banyo. At ako naman eh pulang pula parin ang mukha na tumayo sa kama. Aaahhh!! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kasi para kaming mag-asawa at ang sarap sa feeling na yung mukha niya ang una mong makikita sa paggising mo. KYAAAH!! Gusto ko ng tumili, nasapo ko yung bibig ko kasi parang may gustong kumawalang tili.

"Kinikilig ka na sa lagay na yan?" Napapitlag ako ng magsalita si Blayde. Tumatawa na naman ang loko! Nastatwa ako sa kinatatayuan ko at uminit ng uminit yung mukha ko. KYAAHH! Nakita niya kong kinikilig. Kaya dali-dali akong tumakbo papunta sa pintoan para makalabas pero bago pa ako makalabas...

"T-thank you for last night Blayde." Nagawa ko pa talagang magthank you kahit na nahihiya talaga ako. Lumabas na ako sa kwarto nito at saka pumunta sa kwarto ko which is katapat lang nito. Inilock ko ito pagkapasok na pagkapasok ko at saka ngumiti. Napasandal ako sa pinto at napahawak sa dibdib kong sobrang bilis na ng tibok. At dahil hindi ko na kaya ang kilig, sumalampak ako sa kama at sumubsob sa unan at doon na tumili ng tumili. Ang gwapo ni Blayde at ang... ang sarap niya. Kahit naka puting tshirt ito na vneck at naka pajama lang, para parin itong model. Fit na fit pa sa katawan nito ang tshirt na suot mabuti at hindi ko nagahasa ang mokong na yun! Pagkatapos ko sa pagpapantasya sa katawan ni Blayde at sa kilig na kilig portion ko ay nagpasya akong bumaba para mag-almusal. Pagkababa ko ay nadatnan ko na si Blayde na naka-upo na sa lamesa. Biglang gusto kong tumakbo or umiwas dito pero alam kong hindi pwede kasi baka mahalata nito na may gusto pa rin ako sa kanya, which is true. Napalingon ito sa akin ng marahil ay naramdaman ang presensya ko. Ngumiti ito at yung puso ko na naman. Ngumiti lang din ako pabalik dito.

"Let's eat." Tumango lang ako dito. Ang tahimik namin, hindi kasi ako makasalita or mas mabuting sabihin na nahihiya nga ako.

"Uhmm.. Sie? Can I ask you a question?" Napa-angat ako ng tingin dito. I smiled at him and nod.

Wishing You Could See Me (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon