Pagkarating na pagkarating namin sa mansyon ay hinila agad ako ni Blayde sa kwarto ko. Pagkapasok namin ay pinaupo niya agad ako sa kama at nagsimula ng maghalungkat sa closet ko.
"Hey what are you doing?" Pinigilan ko ito sa paghahanap dahil nakakahiya.
"You sit down there." Mariin nitong utos sa akin. Bumalik nalang ako sa pag-upo dahil ang hirap pa naman kalabanin itong mamang ito kapag galit o wala sa mood.
"Wear this." Napaangat ako ng tingin at tumingin sa mukha ni Blayde at inilipat sa damit na inilahad nito. Napanga-nga ako sa gulat ng mapagtanto kung ano ang ipapasuot niya sa akin.
"What the heck?!" Nasabi ko nalang.
"What on earth were you thinking Blayde?! How can you make me wear that?" Sumisigaw na ako. Sino ba ang matinong babae ang magsusuot ng jogging pants at makapal na jacket na tirik na tirik ang sikat ng araw?!
"Fine! You choose what you want ti wear but you need my approval." Napailing nalang ako sa amazement. Agad akong naghanap ng masusuot kaya ang napili ko ay jeans at blue off shoulder na blouse. Ipinakita ko ito sa kanya.
"Ito sir? Pwede na ba?" Tiningnan nito ang damit na hawak ko.
"Not the blouse, makikita ang shoulders mo. Ayoko niyan." Napaface palm nalang ako. Ano ba ang problema nito? Kaya naghanap na naman ako, and I swear hindi na ako sasama sa mamang ito pag hindi pa niya ito nagustohan.
"This" walang gana kong ipinakita dito ang isang pink longsleeve na pwedeng itupi hanggang siko.
"Good. Now change faster." Pumasok na ako sa cr at nagbihis.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko ng makarating na ulit kami sa park. Pagkababa namin ay marami ng tao, parang may liveband atang mangyayari ngayon. Alas kwatro na ng hapon kaya nagsisimula ng dumami ang mga tao. Umupo lang kami sa mga bench doon habang nakatingin sa mga taong masayang nag-uusap, may magkasintahan, mag-asawa, maglolo, buong pamilya, mga batang masayang naghahabolan, mga matatandang nagzuzumba pa. Napangiti nalang ako sa kasiyahang nakikita ko.
"Why are you smiling?" Hindi na ako tumingin dito.
"Wala. Masaya lang ako kasi masaya sila." Nakatingin parin ako sa mga tao, particularly sa isang pamilyang masayang nagtatawanan.
"You're not jealous of them?" Tanong pa nito.
"Hmm. May part sa akin na nagseselos, pero mas nasisiyahan ako sa nakikita ko. I'm happy na yung mga anak nila, hindi mararanasan ang naranasan ko. They have one complete family." Nakangiti pa rin ako.
"Why are you like that?"
"Wala kasi akong karapatang mainggit Blayde, ayokong mainggit dahil simula ng kinupkop ako ni Lolo G, naramdaman ko ulit ang feeling ng magkaroon ng pamilya. Napunan kasi ni Lolo G ang pagmamahal na hinahanap ko noon." Tiningnan ko ito at nakayuko lang ito ngayon.
"I'm sorry about last night." Binawi ko na ang tingin ko dito dahil bigla na namang sumakit ang dibdib ko.
"It's okay."
"I just really thought na si Monica ang nagluto nun." Napabuntong hininga ulit ako.
"It's okay Blayde, matagal na rin yun."
"How are you Sie? Simula noong... umalis ka." Napatawa ako ng mahina. Now he's asking me how am I?
"Okay lang, kinaya ko rin naman."
"About that night..."
"No, please don't. Ayoko ng pag-usapan yun Blayde." Naiiyak na ako. Ayoko munang maisip ang lahat ng sakit na yun.
BINABASA MO ANG
Wishing You Could See Me (On-hold)
Novela JuvenilAko yung unang nakilala niya pero iba ang gusto niya. Ako yung nandito pag may kailangan siya pero iba ang minahal niya. Ako yung unang nagsabi ng MAHAL KITA pero iba ang sinabihan niya ng MAHAL DIN KITA. Sabi nila masarap daw yung ikaw ang una sa...