Saktong nakaahon na Sierra mula sa pool at kukunin na sana ang twalyang dala nito ng dumating si Manang at... Miguel? Napakunot ang noo ko at saka umahon narin, anong ginagawa ng lalaking ito dito? Nakatingin ako ng masama sa Miguel na ito at nakatingin ito kay Sierra or mas mabuting sabihing nakatulala ito. Nag-init lalo ang ulo ko ng maalala kong naka two piece pala ito, at naiinis ako na may ibang lalaking tumitingin sa sexy nitong katawan. At dahil sa inis, lumapit ako dito at saka kinuha ang tshirt ko. Hinapit ko ito sa beywang at bumulong.
"Wear this, or else I'll punish you." Sabay bigay sa tshirt ko. Mabuti naman at hindi na ito tumutul. Pagkatapos nitong masuot ang tshirt ko ay bumaling na ito kay Miguel na mukhang nabighani nga sa nakita kay Sierra. Damn! Naiinis ako sa dahilang may ibang lalaki ang may pagnanasa kay Sierra. She's mine and I don't intend to share what's mine.
"Oh Miguel? Anong ginagawa mo dito?" Nakanganga parin ito. Tsk.
"A-ah, yayayain sana kitang mamasyal." Kumunot bigla ang noo ko sa sinabi nito. No way!
"She's busy and she don't need to go anywhere." Ako na ang sumagot dito.
"Bago lang kasi siya nakabalik dito kaya baka namimiss lang niya ang lugar." Baling naman nito sa akin. Nagtitigan kami kaya hindi ako nagpatalo.
"If she wants to go, she can have me to accompany her. You don't need to." Nagsmirk ako at alam kong mananalo ako nito.
"Hep-hep. Tama na yan okay? Sige Miguel, sasama na ako sa'yo. Namiss ko rin talaga dito." Napamaang ako sa sinabi ni Sierra. No! Ayoko siyang sumama sa lalaking ito.
"No, you can't go with him." Madiin kong sabi dito.
"At bakit naman ha Blayde?" nakataas na ang kilay nito.
"Ayoko lang. S-T-A-Y here." Ini-emphasize ko pa ang salitang STAY. I don't know why, I just hate the idea that she's with someone else.
"Sino ka naman para pagsabihan ako na bawal? At kailan pa naging bawal ang mamasyal ha?" Nainis ako sa sagot nito.
"My decision is final, dito ka lang."
"No way! You're not my boyfriend para pagbawalan ako! I can go wherever I want whether you like it or not!" And that hit me, she's right I'm not her boyfriend. Reality hit me and made me realize everything. Why am I even acting like a boyfriend when in fact I never liked her. Tiningnan ko ito one last time at saka bumitaw. Tinalikuran ko na silang dalawa at saka pumasok na sa loob.
Hindi ko alam kung bakit ganun nalang si Blayde kanina. He's different... and weird. I don't know why pero sa totoo lang eh, kinilig ako ng hindi nito nagustohan na sumama ako kay Miguel. Pero wala namang masama hindi ba? Naguilty ako ng hindi ko alam ang dahilan ng bigla nalang ito umalis. Para akong girlfriend na may nagawang mali sa boyfriend nito. And that hits me, I'm not. Hindi niya ako girlfriend at hindi ko siya boyfriend kaya ano ba ang mali? Pero bakit naguguilty pa rin ako? At feel ko parin na kailangan kong magsorry dito. Hayy naku! Mababaliw nako sa buhay nato. Mababaliw ako kay Blayde!
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na rin ako para puntahan si Miguel na naghihintay sa baba. Pagkakita nito ay agad itong tumayo at lumapit sa akin.
"Salamat Sie at pumayag ka." Nakangiti nitong sabi. Kahit wala ako sa mood ay ngumiti parin ako dito.
"Gusto ko rin kasi. Tara na? Saan tayo pupunta?" Tanong ko dito.
"Doon tayo sa dating school natin?" Nang marinig ko ang sabi nito ay biglang nawala ang inis ko.
"Sige ba! Tara." Masigla kong sabi. Bago pa kami makalabas ng bahay ay may narinig kaming kalabog sa taas. Hindi nalang namin pinansin.
Sumakay lang kami ng tricycle papunta sa dating school namin noong highschool pa kami. Walang pasok ngayon kasi sabado kaya konti lang ang mga tao. Pinapasok agad kami ng guard ng mamukhaan niya kami. Ang tagal na ni manong guard dito kaya natatandaan parin niya kami ni Miguel.
BINABASA MO ANG
Wishing You Could See Me (On-hold)
Fiksi RemajaAko yung unang nakilala niya pero iba ang gusto niya. Ako yung nandito pag may kailangan siya pero iba ang minahal niya. Ako yung unang nagsabi ng MAHAL KITA pero iba ang sinabihan niya ng MAHAL DIN KITA. Sabi nila masarap daw yung ikaw ang una sa...